"Guys, listen!" pag-agaw atensiyon sa amin ni Ate Pat. "Time check: It's already 12 PM. Mag-lunch muna tayo before proceeding to the tasks. Bali, two days stay tayo rito for this outreach orphanage volunteer program. So, sana ma-enjoy natin 'tong program at makatulong tayo sa iba." "Yup! Nga pala, for the rooms, they only have 3 vacants kaya medyo marami ang magsasama sa isang room. Don't worry, isang tulog lang naman tayo rito. Uuwi tayo tomorrow evening," dagdag naman ni Kuya Jazz. "For the tasks, mamaya na namin ibibigay ang mga ma-a-assign sa inyo," paalala ng president namin. "Tingin namin, mas better kung grupo-grupo tayo sa tasks para magawa natin lahat at para hindi na rin magulo." Tumango-tango naman kaming lahat sa mga paalala nila. Sana naman ay maging maayos ang stay nami