"Manong, sa may Mozzafiato Cafe po." "Sige po, Ma'am," sagot ng tricycle driver kaya sumakay na ako sa loob. Agad niya naman iyong pinaandar papunta sa lugar na sinabi ko. Magkikita kami ni Nathan ngayon sa isang cafe para daw pag-usapan ang tungkol sa project. Monday na ngayon at halos hindi ko pa rin na-si-sink-in sa utak ko na simula na ang project. All I thought is that, we were going to start on the first week of December. For Pete's sake, second week pa lang kaya ng November ngayon! Well, first of all, bakit nga ba hindi ako nagtanong? Nang makarating ako sa sinabing cafe ni Nathan ay napalinga ako sa buong paligid. Ngayon lang ako nakapunta sa lugar na 'to, and I didn't know na may coffee shop pala sa gawing ito. Puro lang kasi sa bungad at malapit sa lugar namin ang pinupunta