At dahil nga pagod na raw ang dalawa, nagpahatid na lang muna sila sa apartelle bago raw kami tumuloy sa grocery store. Nilingon ko sina Shawn nang bumaba sila sa kotse bitbit ang mga gamit. Binaba naman ni Nathan ang bintana sa side niya at tiningnan si Shawn. "Check on Cossie, okay? She's still not okay," paalala nito. "Mabilis lang naman kami. Sige na, una na kami." Sumaludo naman si Shawn at ngumisi pa. "Yes, boss! Ingat kayo. Saka 'wag niyong kalimutan popcorn, ah. Saka ano pala, tasty bread at pasta, saka banana milk and chocolate drink. Oo nga pa—" "Alis na kami," putol ni Nathan sa sinasabi nito at bahagyang pinaandar ang kotse. "Teka lang! Saka dalawang box ng chocolate chip, ah! 'Wag mong kakalimutan! Papatayin ako ni Demi kapag hindi ka nakabili no'n!" sunod-sunod pang