"Fine. It should be Film." "Seryoso?" sabat ni Fae kaya nalipat ang tingin ko sa kaniya. Tumango na lang ako sa kaniya at hindi na sumagot. Nalipat na ang turn kay Fae pero nanatili ang tingin sa 'kin ni Nathan, para bang ang lalim ng iniisip niya. Ngayon lang ba siya nakarinig ng gano'n na last minute nagpalit ng plano na akala mo ay laro lang ang desisyong ginawa? Well, hindi ko siya masisisi. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako minsan. Paano ko nga ba 'yon nagawa? Sa four years ko sa highschool, planado ko na talaga ang pagkuha ng film but one summer before I went to college, it all crashed. My four years dream came to its end. Namalayan ko na lang na nag-e-enroll ako sa Literature. Hindi ko alam kung nanaginip ba ako nang gising o sadyang wasted lang talaga ako noong mga pana