"Ate." Teka, sino ba 'tong kumakalabit sa 'kin? "Uhm, Ate." Napalingon ako sa babaeng kanina pa tumatawag sa akin. Nakasuot siya ng puting plain na t-shirt kaya napagawi ang tingin ko sa I.D lace niya. Nakapusod din ang tsokolate niyang buhok. College of Engineering. "Tawag ka no'ng lalaki," sabi niya bago may itinuro mula sa baba ng third floor ng building. Napalingon naman ako sa tinuro niya at nakita ko roon si Darren na kumakaway mula sa baba ng building namin. Napakunot ang noo ko. He smiled at me. Hindi ko alam kung titingnan ko na lang ba siya o ngingiti rin. Ano bang meron sa lalaking 'to at parang nagiging weird siya habang tumatagal. Muling bumalik ang tingin ko sa babae. Ngumiti ito sa 'kin bago bumaba na kasama ang mga kaibigan niya. Ngumiti na lang din ako pabalik