Napatingala ako sa mataas na condominium ng Nightloft nang makababa ako mula sa tricycle. Matapos bayaran si Manong Driver ay agad na akong naglakad papasok sa mismong condo. Pagkatapak ko pa lang sa loob ay may ilan na ang napatingin sa 'kin. I don't really understand some people sometimes. Bakit kaya nila ako tinitingnan? Na-double check ko na kaya ang suot ko at saka wala naman akong kahit anong dumi sa mukha or what, ah! Nang lumapit ako sa receptionist, sinabi niyang pwede na raw akong umakyat sa unit ni Nathan, nagbigay na rin daw kasi ito ng note, kaya naman hindi na ako nahirapan. Pagkapasok sa elevator, muli kong tiningnan ang mukha ko sa screen ng cellphone ko. Nagpulbo lang naman ako at naglagay ng very light liptint dahil hindi naman talaga ako nagme-make up. This time, si