Chapter 16

3700 Words
ERIN KNIGHT’s POV “Kuya Erin! Sabihin muna kasi kung ano ba talagang nangyayari?!” sambit ni Lux. Ginulo ko naman ang buhok ko sa inis dahil kanina pa nila ako kinukulit about sa mga nangyayari. Pagkatapos ng meeting nung nakaraan, marami ang na disappoint kay lolo pati na rin sa parents namin lalo na kaming magpipinsan. Hindi ko alam bakit gano’n na ang nangyayari na para bang may mali. “Hindi ko rin alam,” sagot ko na lang kay Lux at bumuntong-hininga. “Lahat naman tayo nagulat sa mga pinagsasasabi ni lolo.” napailing na lang ako at napakrus ang mga braso ko. Napatigil lang ako nang huminto sa harapan ko si Lux kaya napaangat ang tingin ko sa kan’ya. “Bakit ganyan ka makatingin?” tanong ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay. “Yun ba yung tinutukoy ko? Syempre hindi! Wala naman akong pakialam sa mga sinasabi ni lolo dahil puro lang naman ’yon nonsense!” sigaw niya. Napangiwi naman ako at napakamot sa ulo dahil akala ko yun ang tinutukoy niya. “Tell us the truth!” Napaiwas naman ako ng tingin sa kanila dahil hindi naman ako pwedeng magsabi no’n kun’di si Scarlett lang. Ayoko namang pangunahan siya, lalo na't masyado ng komplikado na ang lahat. Ang paglilipat ng trono kay Sophia at ang pagdeclara ni Dominic na hindi niya itutuloy ang kasal. F–ck! Bakit ba kasi ginagawa nilang komplikado ang lahat?! Ano rin ang naisipan ni lolo na ibigay kay Sophia lahat?! TSK. Para kasi talagang may mali. Napapansin ko rin na para bang hindi rin gusto ni lolo ang mga sinasabi niya. Sinusubukan ko rin kausapin si Scarlett pero wala siyang pinapansin miski isa sa amin. Nginingitian niya lang kami at magkukulong ulit sa kwarto niya, siguro masyado lang din siyang nasasaktan sa mga nangyayari kilala ko si Scarlett Venice, ang pinaka mabait naming bunso. Hindi siya marunong magalit kahit napipikon na siya at idadaan lang niya sa ngiti ang mga problema niya. Hindi rin niya pinapakita sa amin kung gaano siya nasasaktan. Mas pinipili niyang maging matapang at matatag sa harap namin, pero hindi namin kailanman nababasa ang mga iniisip niya lalo na ang mga kinikilos niya mula pa noong mga bata kami. Naaalala ko pa yung mga sinabi sa amin ni lolo noon na... “Matalino si Scarlett, alam niya kung ano ang pwede o hindi pwedeng gawin. Sa kan’ya dapat tayo matakot at hindi sa kalaban.” Ano nman ibig niyang sabihin doon? Basta ang alam ko lang nagbago si lolo nung nalaman naming nawawala si Scarlett noon. Nung malaman din naming umalis siya ng walang paalam. Halos lahat kami naghanap sa kan’ya pero tama nga ang sinabi nila, mahirap hanapin ang ayaw magpahanap kaya lahat kami nahirapan na hanapin siya. Muntikan pa nga kaming parusahan ni Carter dahil hindi namin natagpuan kung nasaan si Scarlett. TSK. Napakurap ako nang makarinig ako ng kalabog kaya napatingin ako sa mga pinsan namin. “I hate her!” sambit ni Arabelle. Bunsong kapatid nila Arthur at Aiden. “I hate Sophia! Bakit siya pa?! May alam ba siya sa ginagawa natin?! Ni ang magtrabaho nga hindi niya magawa!” She’s right. Bata pa lang kami hindi na nakikisali si Sophia sa ginagawa namin, kesyo tinatamad daw siya at ayaw niya raw na pagpawisan. May training bang hindi ka pagpapawisan? Minsan iisipin kong may sayad sa utak si Sophia. Nung mawala si Scarlett in-anunsyo niya na may kasama pang pag-iyak na sumama raw si Scarlett sa lalaki, at hindi na muling babalik pa. Wala namang imik no’n si lolo pero alam naming may magbabago sa kan’ya, at hindi nga kami nagkamali dahil nagbago nga siya pero alam kong na disappoint din siya sa ginawa ni Scarlett, pero kami pinagpatuloy pa rin namin ang paghahanap kay Scarlett para magpaliwanag siya pero ni isa samin walang nakakaalam kung saan ba talaga siya nagtago. Lahat ng connection namin bilang isang Knight ginamit nanamin para lang mahanap siya, pero dahil isang matalino si Scarlett ay nagagawa niya kaming iligaw na halatang ayaw niyang magpakita sa amin o umuwi. Saming lahat si Rios lang ang kampante dahil alam niyang hindi gagawa si Ven nang ikakapahamak niya o ikakagalit ng buong pamilya. Isa rin siya sa mga hindi naniwala kay Sophia. “Ano ba kasing nasa utak ni lolo?! Nakakainis siya, huh! Wala man lang bang tutol sa mga magulang natin?! Maliban kay tito Carlito?!” tanong naman ni Sander. Nagkibit balikat naman kaming lahat. Ewan ko, pero naging sang-ayon sila sa desisyon ni lolo maliban lang sa’ming magpipinsan at kay Tito Carlito dahil yun daw ang wish ni lola kay lolo na si Scarlett ang papalit sa kaniya kapag nagretiro na siya. Simula nung i-announce ni lolo na si Sophia na ang papalit sa kaniya, mas naging spoiled brat siya. Lahat na lang ng gagawin niya ay iuutos pa niya. Wala naman kaming magawa dahil baka makarating kay lolo ang gagawin namin kay Sophia, lahat kami ayaw sa kanya dahil masyado siyang brat. Kailangan lahat ng gusto niya masusunod. Miski ang lola namin na si Lady Josephine Knight, ang asawa ni lolo ay ayaw sa kanya, dahil si Scarlett ang pinaka paborito niya samin. Wala naman kaming magagawa do’n dahil si Scarlett lang naman ang nakasama niya bago siya namatay. Pinasok kasi ang palace noong mga bata palang kami at ang naiwan no’n si Lola at si Scarlett dahil lahat kami nasa event ni lolo. Nagpaiwan si Scarlett dahil walang kasama si lola mabuti na lang ligtas si Scarlett dahil pinrotektahan ito ni lola pero siya naman ang nasawi. Kaya hanggang ngayon wala paring proseso ang kaso sa nangyari 23 years ago, at hindi rin yon alam ni Scarlett dahil wala siyang naaalala pagkatapos ng lahat kaya ipinagbawal ni lolo ang pag-usapan ang mga bagay na ’yon. Hanggang ngayon pa rin naman hinahanap pa rin namin kung sino ang mga pumasok sa palace noon kaya mas lalong humigpit ang bantay dito sa Knight palace at kung sino man ang maligaw sa lugar na ’to I'm sure hindi makakalabas ng buhay. “Kuya Erin!” Napakurap ako at napailing dahil ang dami kong iniisip. “KUYA ERIN!” Sinamaan ko ng tingin si Ara dahil kanina pa siya maingay. “Masyado ka kasing tulala! Ano na? Sabihin mo na!” sambit ni Ara. Napabuntong-hininga na lang ako ng malakas dahil ayan nanaman sila sa pangungulit sakin na parang hindi sila isang Knight kung kumilos. “Oo nga, sabihin mo na! Malapit ng umuwi si Rianne!” sambit naman ni Lux. Si Rhianne Knight ang kakambal ni Rios, pero sa ibang bansa siya pinag-aral ni dad at isa rin sa ka-close ni Scarlett na palagi namang kaaway ni Sophia. Kakaiba rin yung kapatid ko na yun, matatakot ka talaga sa kaniya dahil palagi kana lang niyang inaaway ng walang dahilan. TSK. “And Guess, who?” napataas naman ang kilay ko kay Ara pero ngumisi lang siya. “Kasama si Melody! Your Fiance!” sigaw niya. Huh? Kailan pa nging close si Rianne at Melody? Best friend pa naman ’yon ni Sophia, Damn it. Bakit ba kasi naging fiance ko pa ’yon? Magkakilala lang naman kami non. Tsaka may iba akong gusto. At hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. “Hindi ko fiance ’yon!” sigaw ko. Ayoko nga ring makita ang lintang babaeng ’yon. “Just shut up, Erin.” Natigilan kami nang magsalita si Carter. Nakalimutan naming kasama pala namin siya ngayon. Siya lang din ang pinakatahimik, nang matapos ang meeting na para bang ang lalim lagi ng iniisip pero alam namin na siya ang mas nag-aalala para kay Scarlett. Napakamot naman ako sa ulo dahil palagi na lang ako ang pinapagalitan niya kahit yung mga babaeng pinsan naman namin ang maingay, TSK. Minsan iisipin kong... Natigilan ako nang makita kong nakatingin sa’kin si Carter kaya ngumiti na lang ako at nag-peace sign sa kan’ya. Damn! Para siyang si lolo. Mas natigilan kami nang tumawa si Rios kaya napatingin kami sa kan’ya na naka dekwatro pa. “Bakit natahimik kayo?” tanong niya habang nakangisi. Tinaas lang ni Ara ang middle finger niya kay Rios. “Ano naman mangyayari kung malalaman niyo? Hindi ba isa kayo sa naniniwala kay Sophia?” napaiwas naman si Lux ng tingin kaya napangisi ako. Good job bro. Tumayo naman si Ara para lapitan si Rios na nakangisi lang sa kanila. “Of course not!” sambit ni Ara. “Alam ko hindi gawain ni Ven ang binibintang niya! I hate Sophia, okay?” she rolled her eyes at sinipa niya ang inuupuan ni Rios. “Ahm...” napalingon naman kami kay Lux na nakayuko. 'Nung una medyo naniwala ako kasi alam nating lahat na close silang magkapatid, right? Kaya naguguluhan ako kung bakit parang may lamat na ang relasyon nilang magkapatid.” sambit ni Lux. Sumang-ayon naman sila sa sinabi ni Lux. Napailing na lang ako sa kanila. May rason si Scarlett kung bakit niya nagawa ’yon, baka pati kayo magalit na ng tuluyan kay Sophia kapag nalaman niyo na ang totoo. Ngumisi at tinaasan lang sila ng kilay ni Rios. “What if... Totoo ang sinasabi ni Sophia?” tanong niya. Kumunot naman ang noo nila kaya napailing na lang ako. “What do you mean, Rios?” Tanong ni Lux. Nagkibit-balikat lang ang kapatid ko sa kanila. “Bakit hindi niyo itanong mismo sa kan’ya?” tanong ni Rios, at ngumisi saka pumikit na para siguro umidlip. “Rios!” sigaw ni Ara at Lux sa kan’ya pero hindi na siya nagsalita pa. Napailing na lang ako at napabuntong hininga dahil wala naman kasi silang mapapala sa kapatid ko. Aasarin lang sila. Nalipat naman ang tingin nilang dalawa sa’kin kaya umiling kaagad ako dahil baka sa akin naman sila magtatanong. Kahit anong gawin nila, ay hindi ako magsasalita dahil mas mabuting si Scarlett ang magsasabi sa kanila. “Kakaiba talaga yang kapatid mo, kuya Erin.” sambit ni Lux habang nakanguso kaya pinagkibit balikat ko na lang. Natigilan lang kami nang may kumatok sa pintuan kaya nagkatinginan kami pero nadismaya sila nang malamang hindi si Scarlett ang pumasok ng hide out. Mukhang nag-aalala pa rin sila kay Ven. Ano namang ginagawa ni Claire dito? Nagtama ang paningin naming dalawa pero inirapan lang niya ako saka umupo sa harapan ni Carter at may nilapag siyang folder sa lamesa. “Siya ba yung tinutukoy ni Rios? Tutal best friend siya ni Ven, right? Kaya alam niya kung anong nangyayari sa magkapatid.” dinig kong sambit ni Ara kay Lux habang nakatitig sila kay Claire. Uh-oh... Mukhang may binabalak ’tong dalawa kay Claire. “How is she?” tanong ni kuya Carter kay Claire. Mukhang si Ven ang tinutukoy niya. “She’s fine, pero ganun pa rin, tahimik pa rin siya at puro trabaho at anak niya ang iniisip niya. Hindi rin niya ako kinakausap.” sambit ni Claire. Kumuyom naman ang kamao ko at malakas na bumuntong-hininga bago ako umupo. “What is this?” kunot noong tanong ni kuya sa folder na nilapag ni Claire sa lamesa. Ngumisi naman si Claire at nagpacute kay kuya. Napailing na lang ako dahil sa kan’ya, hindi rin naman tatalab ang charm niya kay Carter. “Katulad ng inutos mo sa’kin noon, Isang information about kay Solen Madrid.” sambit ni Claire at sumeryoso na siya. “Isa siyang businesswoman pero hindi ko siya kilala. Nag-search na rin ako tungkol sa background niya pero wala akong nakalap na info tungkol sa pagkatao niya.” sumandal si Claire sa upuan at nakakunot ang noo. “Tinanong ko kay dad kung may kilala ba siyang Madrid na isang investor, wala naman daw siyang kilalang Madrid bukod sa taong nakipag negotiate sa mga weapon ng mga Perkins.” binuklat niya ang folder at nilahad niya kay kuya Carter ang nilalaman ng folder. Nagkatinginan naman kami dahil wala kaming naiintindihan sa mga sinasabi nila. Sino naman si Solen Madrid? Sa tagal ko sa industry, ngayon ko lang narinig ang pangalan na ’yon. Napansin ko naman si Rios na gising na pero wala siyang emosyon habang nakikinig lang din sa pinag-uusapan ni kuya Carter at Claire. “Tama ang hinala mo Carter na may kakaiba sa mga kilos niya dahil nakita ko rin sa info niya ang ilan sa mga ka business partner niya. Isa na ro’n ang mga Young at nakita ko rin na baguhan lang siya sa business industry.” wala namang imik si Kuya Carter sa mga impormasyon ni Claire kaya nagpatuloy na lang si Claire. “Hindi rin maganda ang pakiramdam ko sa babaeng ’yan. Nakita ko rin na nakipag negotiate siya sa mga Stone at sa negosyo ni Lady Josephine.” Natigilan kami nang marinig namin ang pangalan ni lola, sa pagkakaalam namin na si Tito Vernon ang humahawak ngayon sa negosyo ni lola at ang iba pang mga property nito kaya nga kay Scarlett nakapangalan ang lahat para si Scarlett na ang umasikaso ng lahat pero nagkaroon naman ng problema. “Hanggan d’yan na lang muna ang nakuha kong information about her. Dahil masyadong mailap ang info niya at kamuntikan ng mahack ang system ko pero mabuti na lang magaling ako.” sambit ni Claire habang nakangisi. Bumuntong hininga naman si Kuya Carter at kinuha na niya folder na binigay ni Claire sa kan’ya. “Okay. Thanks for the info Claire.” sambit niya at lumabas na siya ng hide out. Saan naman pupunta ’yon? Kakaiba rin talaga utak ni kuya, hindi mo malalaman ang bawat kilos at galaw niya. Napatingin naman si Claire sa’min at ngumisi lang bago siya tumayo para umalis na rin pero bigla naman siyang hinarangan ng dalawang pinsan naming babae. I knew it! May binabalak nga sila kaya kanina pa sila tahimik. Damn. “Saan ka naman pupunta, Claire?” Tanong ni Ara kay Claire, na napakunot naman ang noo dahil mukhang naguguluhan siya kung bakit hinarangan siya ng dalawang pinsan namin. “I’m leaving! I have something to do,” sambit ni Claire at tinulak niya si Lux at Ara pero hinarangan lang siya ulit. Napaiwas naman ako ng tingin at natatawa na lang dahil mukhang naiinis na si Claire. Hindi mo kakayanin si Lux at Ara, mas matibay pa mga bungo nila sa katigasan ng ulo. Sumenyas naman si Lux kay Sander na tumango at hinila niya si Claire para paupuin. “W-wait! Hey! Let me go jerk!” sigaw ni Claire at nagpupumiglas siya sa tali. “Ugh! Pakawalan niyo ko rito! Ano bang kailangan niyo?” “Hmm... May gusto lang kaming itanong sa’yo dahil ayaw namang magsalita ni Kuya Erin.” sambit ni Ara. Natigilan naman si Claire at kumunot lang ang noo niya dahil mukhang naguguluhan pa rin siya. Tumayo na ang mga pinsan namin at nag-unat dahi ayaw nilang makisali sa ginagawa ni Ara at Lux. “Ops! I’m out! Hinahanap na’ko ng mga babae ko!” sambit ni Aaron. Sumaludo lang siya sa’min. “Yeah, me too! Good luck Claire!” kumindat pa si Eron kay Claire na tinaas lang ang middle finger niya kay Eron. “Ako rin. Marami pa pala akong gagawin. Bye mga cousin!” sambit naman ni Arthur at tinapik niya ako sa balikat. “I want to sleep.” sambit naman ni Rios at tumayo na rin siya dahil mukhang gusto lang din niyang tumakas. Gusto lang talaga nilang tumakas dahil mga buhay prinsipe sila. Marami silang empleyado na gagawa ng trabaho nila. TSK. Hindi manlang inisip ang hirap ng trabaho ng mga empleyado nila. Napailing na lang ako dahil mga wala pa rin talaga silang pinagbago. Ako lang talaga pinakamatino sa aming lahat, maliban pa kay Kuya Carter hehehe. Palabas na sila ng pintuan nang humarang si Lux sa harapan nila habang nakapameywang pa. “Saan naman kayo pupunta?” tanong ni Lux habang nakangiti. Napakamot naman sila sa ulo at tinuro lang ang daan pero sinamaan sila ng tingin ni Lux. “Balik! Bumalik kayo sa dati niyong pwesto!” Napaiwas na lang ako ng tingin kahit natatawa na ako sa kanila. Para kasing nanay si Lux na pinapagalitan ang kanyang mga anak. Napakamot ulit sila sa ulo at bumalik na sila sa dati nilang pwesto. Ngiting tagumpay naman si Lux at inakbayan na lang ang kakambal niyang si Hill. “Ano ba kasing kailangan niyo?!” tanong ni Claire na mukhang sumuko na lang dahil alam niyang hindi siya titigilan ng mga pinsan namin. Ngumisi lang si Ara. “Wala naman, Claire. May gusto lang kaming itanong sa’yo, at gusto namin sasagutin mo.” sambit niya at umupo na siya sa harapan ni Claire. “TSK. Ano ba ’yon?! Can you ask me now?!” she rolled her eyes dahil mukhang kanina pa siya naiinis. “Anong meron sa kanila? Kay Scarlett kay Sophia the b***h, at kay Dominic?” tanong ni Ara. Natigilan naman si Claire at napatitig na lang kay Ara na sumeryoso na. Kakaiba rin magseryoso si Ara parang hindi siya yung pinsan naming isip bata. Napaiwas naman ng tingin si Claire at napabuntong hininga. “Wala akong sasabihin, kahit ikulong niyo pa ako buong gabi... Wala pa rin akong sasabihin.” sambit ni Claire. Napatango na lang si Ara dahil mukhang hindi rin naman niya mapipilit si Claire pero alam kong may gusto pa silang malaman. “Okay, pero bakit parang ganun na lang ang galit nila sa isa't-isa? Noong isang gabi naabutan namin sila na nag-aaway.” sumandal si Ara sa inuupuan niya at mukhang yun yata yung gabing nahuli nila si Young. “Please, h’wag niyong ipilit—” napahinto si Claire sa pagsasalita nang makarinig kami ng katok. Nagkatinginan naman kami dahil wala ng ibang nakakaalam ng lugar na ’to maliban na lang kay... “She’s here...” sambit ni Rios at binuksan ang pintuan at bumungad si Scarlett na nakakunot ang noo. Napalingon kaming lahat kay Rios na nakangisi lang habang nakatingin kay Scarlett na pumasok na sa loob pero makikita mo sa kan’ya na namamangha siya sa hide out. “Bakit mo ako pinapunta rito, Rios?” tanong ni Scarlett at napalingon siya sa direksyon namin at nagulat siya nang makita niya kaming lahat. “Bakit nandito kayong lahat?” Napakamot naman kami sa ulo dahil mukhang napilit siya ni Rios na puntahan ang lugar na ’to. Wala naman kasing ibang nakakaalam nito maliban sa amin at kay Scarlett. Napabuntong hininga na lang si Scarlett at tumingin siya sa’min. “Bakit mo ako pinapunta rito, Rios—” natigilan siya nang makita niya si Claire at nanlaki ang mga mata niya. “Claire...” sambit niya. Ngumisi lang sj Claire. “Venice, pinapunta kita rito para sa mga tanong nila.” sambit ni Rios at inakbayan niya si Scarlett. “May gusto silang malaman tungkol sa’yo,” Natigilan naman si Scarlett at tumingin sa mga pinsan namin kaya napatingin ako kay Lux at Ara na tumango at mukhang hindi ko yata magugustuhan ang balak nila. “Yes, at mukhang ikaw lang ang makakasagot ng lahat.” sambit ni Ara habang nakangisi at hinila niya si Scarlett para maupo sa upuan na agad namang humarang sa gitna si Arthur para pigilan ang kapatid niya. “Anong gagawin niyo kay Ven?” tanong ni Arthur sa kapatid niyang babae. Ngumisi lang si Ara sa kaniya. “Easy, brother!” tinaas pa ni Ara ang kamay niya dahil sa pakikialam ni Arthur. “Itatanong lang namin kung anong nangyayari para aware tayo sa away nila, duh!” sambit ni Ara sa kapatid at inirapan lang niya ito. Natigilan si Scarlett at nakita kong kumuyom ang kamao niya. Mukhang alam na niya kung bakit siya narito kaya napailing ako at nilapitan ko na si Scarlett dahil ramdam kong ayaw pa rin niyang sabihin ang totoo. “Ara—” natigilan ako nang bigla namang nagsalita ang kapatid. Damn you, Rios. “Why don’t you tell them the truth Ven?” tanong ni Rios habang nakangisi. Napakunot naman ang noo ko sa kaniya. May alam ba ‘tong kapatid ko? Kanina pa siya. Nakakahalata na akong may alam siya. “Anong gusto niyong malaman tungkol sa’kin?” tanong ni Scarlett sa kanila at tumingin siya sa’kin pero umiling lang ako. “Hindi ko kayo maintindihan.” dagdag pa niya habang napapailing. “About you, Sophia and Dominic. Anong nangyayari sa inyo?” tanong ni Lux. Nanlaki naman ang mga mata niya at umiling lang sa’min. “Wala, dahil away naming magkapatid ‘to kaya labas kayo rito at ayoko na ring makadagdag pa sa problema.” sambit ni Ven, at tumayo na siya para umalis pero hindi pa rin siya tinigilan ng mga pinsan namin. “Hindi kami matatahimik hangga’t hindi namin nalalaman ang totoo! Kaya please... Tell us, what happened!” napailing si Scarlett kay Ara at ngumiti. “Kapag ba sinabi ko may magbabago ba?” tanong niya. Natahimik naman sila. “See? Walang magbabago, dahil alam kong pati kayo naniniwala sa kaniya.” Nanlaki naman ang mata ni Ara at Lux at umiling sa kan’ya. “No! No! No! Of course not. I don’t believe her! Alam kong hindi mo yun gagawin!” sigaw ni Ara at hinawakan niya ang kamay ni Scarlett na umiwas naman ng tingin sa kanila. “Go Scarlett. Tell them the truth.” sambit ni Claire na nakawala na pala sa tali. Umiling si Scarlett. “Claire, alam mong hindi pwede.” umiling lang si Scarlett dahil ayaw talaga niyan magsalita. Napabuntong hininga naman si Claire at nilapitan niya si Scarlett. “Scarlett, ito na yung oras para malaman nila.” sambit niya. Napahinga ng malalim si Scarlett at tumingin siya sa mga pinsan namin. “Matagal ko ng pinag-isipang mabuti kung sasabihin ko ba sa inyo ang totoo. Dahil alam kong naguguluhan na kayo sa nangyayari.” bumuntong hininga siya at ngumiti sa’min. “Fine. Sasabihin ko na ang rason kung bakit ako nawala ng limang taon. I hope na walang makakarating sa buong pamilya natin ayoko ng lumala pa ang sitwasyon.” sambit niya. Napaiwas na lang ako ng tingin kay Scarlett at ngumiti na lang sa kaniya. She’s still the brave woman I know.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD