Chapter 15

2790 Words
“Scarlett, Let’s go.” Tumango lang ako kay mom at sabay na kaming lumabas ng kwarto ko kahit mas lumalakas ang t***k ng puso ko. Parang gusto ko na lang umatras at magtago sa kwarto ko. Tama pa bang makinig ako sa kung ano man ang sasabihin ni chairman? “Baka papalitan mo na ang chairman,” bulong sa’kin ni Claire na mukhang narinig ni mom at napansin kong umiwas siya ng tingin. Ngumiti lang ako kay Claire. Malabong mangyaring papalitan ko na ang chairman. Hindi ko deserve kung yun ang mangyayari. Sumuway ako sa batas kaya dapat lang din na parusahan ako. Nakarating na kami sa opisina ni lolo at laking gulat ko rin na kumpleto ang pamilya ko at ang mas nakakagulat nandito rin si Dominic na halatang galit pa rin kasama ng mga magulang niya. Napa-bow naman kami ni Claire sa kanilang lahat at nag-bow din kami sa harap ni chairman. Nakangisi naman si Sophia na napaiwas naman ako ng tingin. Mukhang hindi maganda ang kutob ko ngayon. Napahinga naman ako at lumapit na ako sa mga tito at tita para bumeso na lang sa kanila. Ngumiti lang sila sa’kin kaya dumiretso na ako sa tabi ni Erin, umupo naman sa tabi ko si Claire. “Hindi manlang ba ako babatiin ng prinsesa ko?” natigilan ako at lumingon ako sa nagsalita. “Kuya?” Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko siya, at tumayo ako para yumakap sa kan’ya. “Kuya Carter!” sambit ko at naiyak naman ako nang yakapin niya ako. “You miss me that much, huh?” nakangising tanong niya kaya tumango ako at humigpit ang yakap ko sa kaniya. “I heard what happened,” bulong niya. Natigilan naman ako at bumitaw na ako. “Let me handle that asshole. Are you okay?” nag-aalalang tanong niya. Tumango lang ako at ngumiti sa kan’ya. Hindi ko akalain na umuwi na siya dahil sa pagkakaalam ko, masyado siyang busy sa negosyo niya sa ibang bansa kaya nakakagulat lang na umuwi na siya rito. Siya rin ang pinaka panganay sa’ming magpipinsan. Si Carter Knight. Siya ang sinasabi na halimaw ng pamilya namin, dahil na rin sa angking talino niya kaya dapat siya ang pumalit kay lolo dahil ito ang nagmana sa kaniya. “I’m sulking because you didn’t even call me to ask for help, and it’s even worse because I have a niece and nephew,” sambit niya. Napangiwi naman ako pero natawa na lang dahil halata namang nagtatampo siya. “Sorry. Mahabang kwento kuya,” bulong ko pero sinamaan niya ako ng tingin na hindi naman uubra sa’kin dahil kilala ko siya na hindi niya ako matitiis. Pinat lang niya ang ulo ko at ngumisi sa’kin pero natigilan kami nang umubo si lolo para kuhain ang atensyon naming lahat kaya bumalik na ako sa tabi ni Erin na nakaakbay ang braso sa upuan ko. Napahinga na lang ako ng malalim at tumingin na kay lolo para makinig sa mga sasabihin niya. “So, shall we?” tanong niya. Napatango naman ang lahat kaya bumuntong-hininga na siya. “I heard what happened...” napalunok ako at napakuyom na lang ng kamao. “Masyado ng lumiliit ang mundo natin. Masyado na tayong maraming kaaway. Matagal-tagal na rin tayong nanahimik kaya mas mabuting palakasin natin ang ating pamilya.” panimula ni lolo at napatap siya sa kinauupuan niya. “Maraming death threat ang dumadating sa'kin,” sambit ni lolo. Lahat naman kami nagulat sa sinabi niya. “Lolo?!” sigaw ng mga pinsan ko at miski sila tito at tita hindi natuwa sa narinig. "What the hell dad?! Kailan pa?!" gulat na tanong ni tito Alessandro (Sander and Sandro’s dad) “Watch your language, Alessandro.” sambit ni lolo, at sinamaan niya ng tingin si tito Alessandro na natahimik naman. “Dad, bakit hindi mo sinabi sa amin?!” inis na tanong naman ni Tito Eronus. (Aaron and Eron's dad) Sinamaan din siya ng tingin ni lolo pero hindi umubra ang tingin ni lolo kay tito. “Hindi mo na ako madadaan sa tingin mo dad.” sambit ni tito Eronus sa kaniya. Napailing naman si chairman at napabuntong hininga na lang. “Alam mo ’to kuya Verno?” biglang sabat ni tita Fernina (Hill and Delux mom) kay dad, kaya lahat kami napatingin kay dad na kalmado lang pero nahahalata mong naiirita na rin siya. Napabuntong hininga naman si dad. “Yes, at ayaw ipaalam ni dad sa inyo dahil alam niya ang magiging reaction niyo.” sambit ni dad sa kanila at napansin kong napailing na lang si mom sa kaniya. “What the f–ck kuya?! Ganito talaga magiging reaction namin! Buhay ni dad ang nakasalalay dito!” galit na sambit naman ni Tito Eros (Erin and Rios, Rianne’s dad) Nagkagulo na sa office ni chairman dahil sa pananahimik nila tungkol sa banta. Napayuko naman ako at napakagat na lang ako sa labi dahil mas lalo lang nadagdagan ang problema ng pamilya ko. “Silence!” sigaw ni lolo na nagpatahimik sa lahat. “Dito pa talaga kayo magtatalo sa harapan ko?! Hindi yan ang dahilan kung bakit ko kayo pinatawag dito!” galit na sambit ni lolo, at napahawak na siya sa dibdib niya kaya mas lalo kaming nag-panic. “I’m fine!” sambit niya kaya natahimik na ang lahat. Napayuko naman ako, at kumuyom ang mga kamao ko. I’m really selfish. Ito na pala ang nangyayari sa pamilya ko pero nararamdaman ko pa rin ang inaalala ko. Hindi ito ang dahilan kung bakit ako bumalik. Bumalik ako para sa kanila dahil gusto kong maipagmamalaki nila ako na kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa pero hindi ito ang gusto ko. Mas lalo lang lumalala ang gulo sa pamilya ko. “Why did you call us here?” tanong ni kuya Carter na kalmado namang nakaupo. Napalingon ako sa kan’ya kaya lumingon din siya sa’kin at kumindat siya. Napangiwi naman ako at umiwas na lang ng tingin. Mukhang bored na siya dahil siya lang ang pinaka tahimik mula pa kanina. Huminga naman ng malalim si Chairman at napailing na lang bago sumandal sa swivel chair niya. “Before that... Gusto kong magpasalamat na pinaunlakan niyo ang imbitasyon ko sa inyo,” sambit ni lolo sa pamilya ni Dominic na napangiti naman sila pero nagtataka ako kung bakit parang panay ang tingin ng mommy ni Dominic sa direksyon ko. “Gusto ko lang din paghandain kayo sa nalalapit na kasal ni Dominic at nang apo kong si Sophia para mas lalong lumawak ang pamilya natin.” sambit ni lolo. Natigilan ako at napayuko na lang pero napansin kong kumuyom ang kamao ni lolo. “Hindi na kayo bumabata dapat mas lalo niyong isipin kung anong pwedeng gawin para mas lalong palawakin ang pamilya natin. Knight and Stone ay magiging isa na.” dagdag pa niya. Napangisi na lang ako, at huminga ng malalim bago ako tumingin kay Sophia na nakangisi sa’kin at mukhang siya lang yata ang masaya. Napakurap ako nang magpalakpakan sila maliban sa mga pinsan ko, at kay mom na nararamdaman ko ang galit niya. “Lux at Arabelle, gayahin niyo si Sophia na pumipili ng tamang lalaki hindi katulad ng iba d’yan na walang direction ang buhay.” sambit ni Lolo at napatingin sila sa’kin kaya ngumisi lang ako at sumandal na ako sa upuan ko. “Thank you lolo! Hindi kita bibiguin!” sambit ni Sophia habang nakatingin sa’kin pero ngumisi lang ako at napaiwas naman siya. Natigilan lang ang lahat ng biglang tumawa si Claire kaya napailing na lang ako dahil mukhang may kalokohan nanaman siya. “What’s funny?” tanong ni chairman kay Claire na mas lalo lang ngumisi at umiling. “Sorry, chairman! Natatawa lang kasi ako. Tamang lalaki, huh?” sarcastic na sambit ni Claire. Sinamaan naman siya ng tingin ni Sophia at lumipat ang tingin ko kay Dominic na parang walang pakialam sa paligid niya Napabuntong hininga na lang ako. “Claire.” sambit ko, at umiling sa kan’ya. Tumingin naman siya sa’kin at ngumisi. “What? This is funny, my friend.” sambit niya at bumalik ang tingin niya kay chairman. “So, chairman, susundan nila ang yapak ni Sophia na pumili ng tamang lalaki? That was a huge joke!” sambit ni Claire at bumulalas siya ng tawa. Napaiwas naman ang mga pinsan ko sa kaniya pero nahahalata mong gusto na rin nilang tumawa dahil kay Claire. “H’wag kang makialam dito. Usapang pamilya ’to. Dapat wala ka rito!” inis na sambit ni Sophia kay Claire na napataas naman ang kilay kay Sophia. “Oh, I’m perkins, duh. Best friend din ako ni Scarlett at ako ang kasama niya sa mga panahon na lugmok siya atleast ako may naitulong sa pamilya niyo, eh ikaw? Anong naitulong mo? Ang gumawa ng kwento na hindi naman totoo?” tanong ni Claire kay Sophia habang nakangisi. Hindi naman nakasagot si Sophia at parang nagpapanic nanaman siya. “Claire, shut up.” dinig kong sambit ni kuya Erin kay Claire na hindi naman siya pinansin ng kaibigan ko kaya napailing na lang ako. Kapag nagsalita na si Claire, hindi mo na siya mapipigilan parang armalite ang bibig niya. “Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa’yo.” sambit ni Claire habang napapailing na lang. “Bakit hindi tayo magkasubukan, Sophia? Kung sino sa atin ang magaling manlinlang?” nakangising hamon ni Claire sa kaniya na nanlaki naman ang mga mata ni Sophia. “Indeed.” nakangising sambit ni Rios na tila proud na proud kay Claire. “H’wag mong kunsintihin!” Sambit ni kuya Erin sa kapatid niya na nagkibit balikat na lang. “W-what are you talking about, huh?” tanong ni Sophia at umiiwas lang siya ng tingin. Natawa lang si Claire sa reaksyon ni Sophia. “Oh, you’re acting like an innocent, huh?” “Shut up!” sigaw ni Sophia kay Claire. Ngumisi lang si Claire at tumayo. “Poor you. By the way best wishes.” sambit ni Claire, at nag bow na siya kay chairman at natatawang lumabas ng opisina ni chairman. Napakamot naman ako sa ulo dahil talagang nang-aasar si Claire, hindi talaga siya nagbago. Gawain na niya ang mang-inis ng ibang tao. TSK. “Bastos! Parehas na parehas talaga kayo ng kaibigan mo!” sigaw ni Sophia. Natigilan naman ako at napatingin sa kan’ya. “Oh, may sasabihin ka ba?” tanong ko sa kan’ya habang nakataas ang kilay ko. Wala akong oras para makipagsagutan sa kaniya. Nagsasawa na kasi akong paulit-ulit na ipaintindi sa kaniya lahat. Umubo si lolo kaya napatingin ako sa kaniya pero napaiwas lang ako ng samaan niya ako ng tingin. Bumuntong hininga na lang ako. “Like what I said, tuloy ang kasal at lahat gusto kong magprepare. Gusto kong ipakilala sa buong mundo ang unang kasal sa mga apo ko.” sambit niya. Kumuyom ang kamao ko at napahawak ako sa dibdib ko na tila sumisikip ito. Hindi ko maitatanggi na nasasaktan ako ng marinig ko ang usapang kasal. Dahil naalala ko yung mga panahon na nagpakasal kami ni Dominic ng walang nakakaalam at tila patago pa ang nangyari. Hindi ko maiwasang hindi mainggit dahil mabuti pa sa kanila pinagsisigawan sa buong mundo kung gaano kasaya ang magiging kasal nila samantalang sa’min hindi ko man lang kayang sabihin na ako ang unang naging asawa ni Dominic. Hindi ko man lang masabi na ako ang unang naging nobya ni Dominic na nagkaroon kami ng relasyon at may mga anak na kami. Natigilan ako at pinunasan ko ang mga luha ko dahil wala akong karapatang makadama pa ng sakit dahil matagal ng tapos ang relasyon namin ni Dominic. Divorce na kami kaya hindi na ako kailangan pang masaktan. Huminga ako ng malalim at taas noo akong tumingin kay lolo para makinig pa sa mga sasabihin niya. “Dahil tumatanda na rin ako kaya gusto ko may papalit na sa trono ko. Gusto ko na ring magpahinga sa ibang bansa.” sambit niya. Hindi na rin ako umaasa na ako pa rin ’yon. Magiging masaya ako kung isa sa mga pinsan ko ang papalit kay chairman. “Ang napili kong papalit sa akin alam kong magagampanan niya ng maayos at gagawin niya kung ano ang responsibilidad niya sa pamilya, at alam kong hindi niya ako bibiguin.” sambit ni chairman. Tumingin siya sa'ming magpipinsan at bumuntong hininga. “Walang iba kundi si Sophia Vivian Knight ang aking apo. Alam ko rin tutulungan siya ng kaniyang magiging asawa. Dominic iho, ikaw na bahala sa apo ko.” Natigilan ako at natulala na lang sa kung saan. S-siya ang papalit kay chairman? “Thank you lolo! Promise hindi kita bibiguin.” sambit ni Sophia pero sa akin naman siya nakatingin habang nakangisi na tila nang-aasar. Nabigla lang kami nang tumayo si Dominic kaya lahat kami napatingin sa kan’ya. Tumitig siya sa akin kaya napayuko dahil baka may makahalata pa sa ginagawa niya “I will not continue this marriage.” sambit ni Dominic. Napalingon naman ako sa kan’ya at kumunot ang noo ko. Anong sinasabi niya? Hindi na niya itutuloy ang kasal? Nanlaki naman ang mga mata ni Sophia at tumayo na siya para lumapit kay Dominic. “Babe...” sambit niya at natawa na lang siya pero alam kong natatakot siya. “Pagod lang si Dominic—” natigilan si Sophia ng itulak siya ni Dominic. “Kung magkakaroon man ako ng parusa, then go ahead pero hindi ko na itutuloy ang kasal.” sambit niya at tumingin siya sa’kin saka kumuyom ang kamao niya. “Hindi si Sophia ang babaeng mahal ko, pero hindi ko tatakasan ang responsibilidad ko bilang ama sa anak ni Sophia. Hanggang doon na lang ’yon.” sambit ni Dominic at lumabas na siya ng opisina ni chairman. Kumuyom ang mga kamao ko at umiwas na lang ako ng tingin dahil kahit gusto ko siyang sundan para kausapin pero alam kong hindi pwede dahil mas makakahalata sila. “Don’t worry, lolo. I’ll talk to him.” sambit ni Sophia at umupo siya ulit dahil alam niyang hindi pa tapos ang meeting. Napapikit na lang ako dahil dumagdag pa si Dominic sa problema ng pamilya. Damn it. What the hell are you doing, Dominic?! Bumuntong hininga ng malakas si chairman. “Kahit anong mangyari, tuloy pa rin ang kasal. Katulad ng sinabi ko, si Sophia ang papalit sa trono ko. Siya rin ang magaasikaso ng ibang mga negosyo ko. At siya rin ang may pinakamalaking shares for each company.” sambit niya. Bumalik nanaman sa pagiging maingay ang lahat pagkatapos ng ginawa ni Dominic. Mas lalo na ang mga pinsan ko na parang hindi na yata natutuwa sa mga sinasabi ni lolo. “Bakit hindi si Scarlett dad? Siya ang nabanggit ni mom noon pa.” sambit ni tito Carlito. (Carter’s dad) Napangiti na lang ako ng mapait kay tito Carlito. Isa daw kasi ako sa mga paborito niyang pamangkin like my kuya Carter. “Nakapangalan lahat kay Scarlett ang lahat ng ari-arian ni mom at ngayong matanda na si Scarlett maaari na niyang asikasuhin ang lahat ng negosyo na iniwan ni mom for her!” sigaw ni tito Carlito kay lolo. Kumunot ang noo ko dahil ngayon ko lang ’to narinig. “Alam mo ’yan dad! What happened to you?” Inis na tanong muli ni tito Carlito kay lolo na natigilan naman at napaiwas na lang ng tingin. “Carlito...” sambit ni lolo pero umiling lang si tito Carlito sa kan’ya. Sa pagkakaalam ko, siya ang bunso sa magkakapatid pero siya ang unang nagkaroon ng asawa. “Hindi mo maaaring ibigay ang ibang ari-arian ni mom kay Sophia dahil alam mo kung sino siya sa pamilya natin.” sambit ni tito Carlito sa kaniya na napatigil naman si Chairman at lahat kaming magpipinsan maliban kay kuya Carter ay napakunot ang mga noo dahil parang mas gumugulo ang lahat. Anong nangyayari? “Carlito!” Sigaw ni dad. Ngumisi lang sa kaniya si tito. “Bakit kuya? Ayaw mo bang malaman ni Scarlett ang totoo?” Anong totoo? May dapat ba akong malaman? “Ayaw mo bang malaman ng sarili mong anak ang kasalanan mo?” tanong ni tito Carlito kay dad kaya napatingin ako kay dad at umiling sa’kin na tila ’wag akong maniniwala kay tito. “Carlito...” bantang tawag ni mom kay tito kaya napataas na lang siya ng kamay na tila sumusuko kay mom. “I’m disappointed.” yun lang nasabi niya at iiling-iling siyang lumabas ng opisina niya at tumayo na rin si Tita Carina na bineso ako bago sumunod kay tito. Anong meron? May tinatago ba ang pamilya ko sa'kin? Anong meron kay Sophia?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD