SCARLETT’s POV
Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa nangyayari ngayon. Ang dami ko ng problema mas nadadagdagan pa.
Hindi ko alam kung sino ang nagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa'kin ang mas malala pa, nadadamay pa ang mga anak ko.
Nang makarating na kami sa parking lot area, napalingon ako kay Claire pero seryoso lang siya kaya tinanggal ko na ang helmet at bumaba na ako sa motor niya.
"Let’s go!"
Hindi na ako nagsalita basta sumunod na lang ako sa kan'ya. Masyado siyang seryoso kaya hindi ako makasingit kung ano ba talaga ang nangyayari.
Pagkarating namin sa mismong bar, nabigla pa ako ng makakita ng mga pulis. Bakit may mga pulis? Anong meron? Napansin ko rin ang mga empleyado namin na kausap ng mga pulis.
"Claire, what’s going on?" Tanong ko, pero hindi niya ako pinansin dahil nagpatuloy siyang maglakad kaya sumunod na lang ako sa kanya.
Nakita na nila ang pagdating namin kaya lumapit agad sa akin ang mga pulis.
"Ms. Scarlett Knight, kayo ho ang gusto naming kausapin." sambit ng pulis habang nakayuko dahil iniiwasan niya ang mga tingin ko dahil isa akong Knight.
"Anong ginagawa niyo rito sa bar ko?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman ang mga pulis bago humarap sa akin pero nakaiwas pa rin ang mga tingin niya dahil iniiwasan niyang magtama ang mga mata namin.
"Ms. Knight, may nakapag sabi sa amin na illegal ang pagpapatayo ng negosyo mo rito dahil wala kang rights sa lupa."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paanong nangyari ’yon? Si Claire ang pinaasikaso ko roon at legal ang pinirmahan kong titulo ng lupa.
Napailing ako dahil hindi ako makapaniwala na pati ang negosyo ko mukhang mawawala pa. Damn it.
"Legal ang pinirmahan ko. Nasa akin ang titulo ng lupa kaya hindi niyo maaaring pakialamanan ang negosyo namin." sambit ko at nilingon ko si Claire. "Isa siya sa may-ari ng bar at siya ang pinaasikaso ko ng bar."
Tumango naman si Claire at ngumisi. "She's right! Isa ako sa may-ari ng bar. Kung gusto niyo kami o si Scarlett makausap kailangan niyong kausapin ang mga abogado namin."
Nabigla naman silang lahat sa sinabi ni Claire kaya kumunot ang noo ko dahil parang may mali sa kanila.
"Kung ayaw niyo pa rin maniwala na may karapatan kami sa lupa. Teka lang..." Tinaas ni Claire ang kamay niya at kinuha ang phone niya para may tawagan.
"Ano ba 'tong mga pulis na to?! Balak pa nilang sirain ang negosyo ni Scarlett! Wala daw kaming rights sa lupa!--Huh? Ah, Okay!--Oh,I trust you, man!" sigaw ni Claire sa kausap niya. Napayuko lang ako at napakagat sa labi. Hindi pwedeng mawala ang mga pinaghirapan ko.
Marami sa mga empleyado namin ang mawawalan ng trabaho kapag naipasara ang bar na hindi ko ’yon hahayaang mangyari.
"Nakausap na ni Mr. Carter Knight ang chief niyo, wala daw pala siyang inuutos sa inyo." sambit ni Claire at nilapitan niya ang mga ito. "Who are you working with?"
Nabigla ako sa sinabi ni Claire dahil yun pala yung hinala ko kanina pa na parang may mali sa kanila.
"M-Ma'am may inutos talaga sa amin na hulihin si Ms. Knight dahil sa pagnanakaw ng lupa at sa mga illegal na gawain."
Illegal na gawain? Pagnanakaw ng lupa?
Ni minsan hindi ko inisip na magnakaw ng hindi ko pagmamay-ari. Sa laki ng mga lupain namin imposible yung sinasabi nila.
"Hulihin siya, huh? Hindi niyo ba kilala ang kausap niyo?! Isang Knight ang huhulihin niyo!" Sinamaan ni Claire ng tingin ang mga ito. "Lahat ng makikita niyong lupain doon pagmamay-ari nila pero binili niya pa rin ito sa tamang paraan!"
Galit na sinugod ni Claire ang mga pulis pero pinigilan ko na siya dahil nakakahiya na sa mga pulis at mga empleyado namin, pwede naman namin itong pag-usapan.
Huminga ako ng malalim at humarap na ako sa mga pulis. "Kung gusto niyo talaga akong makausap, sige sasama ako sa inyo para matapos na ’to. Ayokong masira ang pinaghirapan ko." sambit ko at napalingon ako kay Claire na umiling sa akin pero tinapik ko lang siya sa balikat.
"You don’t have to do that."
Natigilan kami sa nagsalita kaya napalingon kami nang makitang dumating si Erin, Rios, at ang kambal na si Aaron at Eron na nakangisi lang sa amin.
"Oh, bakit may mga pulis dito? Bakit ang daming tao sa labas ng bar niyo? Anong meron?" tanong ni Eron habang nakakunot ang noo.
Napabuntong-hininga na lang ako dahil nakakaabala na ako sa mga trabaho nila. "Ako na lang ang kakausap sa kanila--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita na si Claire.
"Huhulihin daw nila si Scarlett dahil ninakaw lang daw niya ang lupa, at wala siyang rights kasi illegal daw ang titulo. TSK." sambit ni Claire at inirapan lang niya ang mga pulis na hindi naman kumikibo dahil mukhang nabigla pa sila nang dumating ang mga pinsan ko.
Natawa naman si Rios sa sinabi ni Claire at lumapit naman siya sa akin at saka niya ako pinatong ang braso niya sa balikat ko.
"Paanong illegal? Akin ang lupain na ’to. Pinangalan ko ’to kay Scarlett." sambit ni Rios. Gulat namin siyang nilingon na nakangisi lang sa'min.
"Rios?!"
P-paano?! Iba ang kausap ni Claire noon at saka binili namin ang lupa sa tamang paraan bago kami makapagpatayo ng negosyo namin dito sa Manila. Nakakapagtaka lang na sa kanya ang lupain nito dahil alam kong hindi na ito sakop ng mga Knight.
"TSK. Hindi ba kayo naniniwala?" Tanong niya, pero may dinuro siya sa sasakyan niya at nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang kasama ni Rios.
"I-ikaw?" Duro ko sa lalaking nakatayo sa harap ng sasakyan. Ngumisi naman ito at lumapit sa akin.
"Pasensya na, Ms. Knight. Ang sabi kasi ni CEO Knight, ‘wag ipaalam sa inyo na sa kan’ya ang lupa dahil baka hindi niyo raw tanggapin." sambit niya sa'kin at lumapit siya sa mga pulis para ipakita ang mga documents.
Napatakip ako sa bibig ng marinig ko ang lahat. Hindi ko akalain na kay Rios pala ang lupain dito.
"Binili ko ang lupa dahil hindi na ito sakop ng mga Knight at dahil ayokong mahirapan si Scarlett kaya pinangalan ko sa kanya ang titulo." nakangising sambit ni Rios at kinindatan ako.
Napangiwi naman ako at napailing na lang sa kanya dahil siya na mayaman.
"Woah! Ang yaman ni Rios!" sambit ni Aaron pero binatukan lang siya ni Rios.
"Pinaghirapan ko rin ang pera ko. Ilang race din sinalihan ko kasi pina freeze ni dad ang account ko, at muntikan pa niya akong i-suspend sa trabaho, TSK." sambit niya na parang batang nagrereklamo sa mga magulang niya.
"Paanong hindi ifefreeze ni dad ang account mo? Hindi ka umaattend ng mga meeting noon! Pinapaasa mo yung mga investor mo! Ayaw mo rin pakasalan yung anak ng investor mo!" Sigaw sa kan'ya ni Erin.
Ngumisi lang si Rios at nilingon ako. "H'wag kang mag-alala, hindi mawawala ang pinaghirapan mo." sambit niya at saka pinitik ang noo ko.
Napahawak naman ako sa noo ko habang tinatanaw ko lang sila na makasakay ng mga sasakyan nila. Yun lang yata ang pinunta nila rito. Napangiti na lang ako at nilingon ko na ang mga pulis na parang hindi pa rin yata makapaniwala sa mga sinabi ni Rios.
"Oh! Pakisabi sa amo mo. 1 point na for Knight," sambit ni Claire sa mga pulis at hinila na niya ako para pumasok na sa loob.
Naayos na rin namin ang paguusap tungkol sa rights ko sa lupa at napatunayan na nakapangalan talaga sa'kin ang titulo kaya wala na silang laban at hindi nila ako maaaring hulihin.
Natapos na rin ang problema ko pero ang problema ko ngayon ay ang mismong bar.
"M-Ms. Knight, kailangan daw ipasara ang bar para sa inspection."
"Ms. Knight, paano ang trabaho namin? Ayaw namin umalis dito."
"Ms. Knight, hindi naman mawawala ang bar, di ba?"
"Ms. Knight!"
Napahawak na ako sa noo ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ba nagkakasunod sunod ang problema ko?
Okay naman nung mga nakaraan linggo ah, palagi kong pinapacheck sa secretary ko ang bar bago sila magbukas. Palagi ko rin chinecheck kung may problema ba ang bar, o wala pero ang sabi sakin ng secretary ko, wala namang naging problema.
Kaya hindi ko maintindihan kung bakit pati ang negosyo ko nadadamay na.
Napatingin ako sa mga empleyado namin pero napakunot ang noo ko nang mapansin kong wala si Ken ngayon.
"Nasan si Ken?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman sila bago sumagot ang isa sa mga kaibigan ni Ken.
"Isang linggo na ho siyang 'di pumapasok. Sinubukan ko na rin siyang tawagan pero nakapatay po yung phone niya."
Nagkatinginan kami ni Claire pero nagkibit-balikat lang siya sa akin.
"H-hoy! H'wag niyong isara! Wala kayong karapatan!" Biglang sigaw ni Claire pero hindi siya pinansin at nilagyan na ng sign ang pintuan ng bar na under inspection.
Damn it.
"Klaire, bigyan mo muna sila ng sahod. Kausapin mo lahat ng empleyado, kailangan na muna nating ipasara ang bar." Seryosong sambit ko sa kan'ya. Tumango naman siya at inaya niya sila sa opisina namin at ako tinignan ko lahat ng gamit sa bar ko.
Lahat tinignan ko kung may mali ba talaga o ginawang dahilan lang 'yon para isara ang bar namin. Nararamdaman ko rin kasi na parang may mali sa mga nangyayari dahil sa mga dumadating na problema ko.
Una yung maling impormasyon tungkol sa'kin at dinamay pa ang mga anak ko. Pangalawa ang tungkol sa titulo na naka under pala talaga sa pangalan ko at pangatlo ang pagpapasara ng bar dahil iinspeksyunan nila dahil may mga ipis at daga raw at saka hindi raw malinis ang bar, at ang Pang-huli, isang linggo ng hindi pumapasok si Ken, at ang mga empleyado namin na kailangan ng trabaho na mahihinto muna dahil sa pagpapasara ng bar.
Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. F-ck. Mukhang ako talaga ang target para pahirapan ako.
Napakuyom naman ang mga kamao ko at napahinga ako ng malalim bago ako nagpatuloy sa pag iinspect ng buong bar pero wala naman akong nakikitang mali. Ginawa lang nilang dahilan ’yon para ipasara ang negosyo ko. Damn it.
Nahinto ako nang makarating ako sa employee quarters. Sinilip ko na rin lahat ng lockers nila at lahat naman malinis dahil may janitor rin kami rito para maglinis ng bar.
Nahinto ako sa tapat ng locker ni Ken at binuksan ko ito pero napangiti pa ako nang makita ang picture ng asawa at nang baby niya. Alam na alam ko kung gaano niya kamahal ang pamilya niya. I sighed at isasara ko na ang locker niya nang may mapansin akong isang papel na nakaipit sa mga damit ni Ken kaya kinuha ko ito at nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ang nilalaman ng papel.
***
"GAWIN MO LAHAT NG SASABIHIN KO SIRAIN MO ANG ISANG SCARLETT KNIGHT! KAPAG NAGAWA MO ANG UTOS KO LIGTAS ANG PAMILYA MO!"
***
"PAPATAYIN KO ANG PAMILYA MO KAPAG SINUWAY MO ANG UTOS KO!"
***
"PUMUNTA KA SA LUGAR NA SASABIHIN KO SA'YO!"
***
Natulala na lang ako ng mabasa ko ang lahat. "H-hindi!" bulong ko habang tumutulo ang mga luha ko.
"S-Si Ken!"
Pinunit ko ang lahat ng papel at mariin kong pinunasan ang mga luha ko at saka ako nagmamadaling lumabas ng quarters, nasalubong ko pa si Klaire habang tinatanaw lahat ng empleyado namin.
"Kailangan ba talagang--" hindi ko na pinatapos pagsalitain si Claire nang agawin ko sa kanya ang susi ng motor niya.
"Scarlett! Saan ka pupunta?!"
"Pahiram muna ako ng motor mo! Hindi ko gagasgasan!" Sigaw ko na lang sa kan'ya at tumakbo na ako patungo sa motor niya.
Kinuha ko ang helmet niya at sinuot ko yon bago ko pinaharurot ang motor niya patungo sa apartment ni Ken.
Sana lang walang mangyaring masama kay Ken. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nagkataong may nangyari sa kanya at sa buo niyang pamilya. F-ck!