Chapter 24

1951 Words
THIRD POV. Pagkatapos nang mangyari sa away ng magkapatid, naging tahimik naman ng ilang buwan ang mansion pero may dadating pa problema. "Sige na, Erin! Pakisabi kay Scarlett, nandito yung pinaka maganda niyang kaibigan!" sambit ni Claire kay Erin dahil pinipilit niya itong puntahan si Scarlett para makausap niya. Ilang araw na kasing hindi pumapasok si Scarlett at pinili na lang mag work from home. "Ayaw ngang tumanggap ng bisita si Scarlett dahil busy daw siya." sambit ni Erin. Napairap na lang si Claire at napapadyak na lang sa inis. "Pinapasabi niya rin, ikaw na muna daw bahala sa bar." Napasigaw na lang sa inis si Claire at pinaghahampas na lang si Erin na nasa tabi niya. "Anong alam ko ro’n?! Grrr!" reklamo ni Claire dahil wala naman siyang alam tungkol sa trabaho ni Scarlett. Basta ang alam lang niya mag-invest ng pera para makatulong kay Scarlett. Panghahack lang din naman ang alam ni Claire dahil trabaho niya ’yon at manlinlang ng investor lang kaya niyang gawin. Oo nga na isa siya sa may-ari pero si Scarlett lang ang may alam kung paano patakbuhin ang negosyo nila. "Claire! Mabuti nandito ka na! Nabalitaan mo na ba yung kay Sophia?!" Tanong ni Lux kay Claire na tumango naman sa kanya. "Kinuwento ni Erin! F-ck! Pasalamat siya wala ako nung araw na 'yon, baka nasa hospital talaga siya ngayon!" gigil na sambit ni Claire at napakrus na lang ang mga braso. "True! Nagsumbong pa kay chairman at nagpaawa na akala mo siya ang victim! TSK." Nagpapadyak na lang sa inis si Claire dahil ayaw pa rin silang kausapin ni Scarlett. "What the f-ck?!" Natigilan sila nang marinig nila ang sigaw ni Arthur habang may na diaryo papasok sa quarters ng mga Knight. "Ingay mo, bro." iritang sambit ni Erin kay Arthur. Umiling lang si Arthur at nilapag niya ang diaryo sa lamesa. "Basahin niyo yung laman ng diaryo ngayon!" sigaw ni Arthur. Napangiwi naman sila dahil masyado itong OA. "TSK. May internet naman!" "Ah, basta basahin niyo yung article! Kalat na kalat ngayon 'to!" Kumunot lang ang noo ni Claire at kinuha niya ang phone niya para i-search sa internet kung ano yung tinutukoy ni Arthur, at saka nanlaki ang mga mata niya ng mabasa kung anong article ang trending ngayon. "Bullshit! Sino gumawa ng article na 'to?!" sigaw ni Erin at pinunit ang diaryo dahil sa nilalaman ng article na nabasa nila. Hindi lang sila nagulat kundi nagagalit dahil sa nabasa tungkol sa bunso ng mga Knight. Walang ibang bunso sa kanila kundi si Scarlett lang. Siya ang headline ngayon at ang sabi pa may isang Knight daw na sumuway ng batas ng mga Knight, at nagtago ito sa malayong lugar dahil nagpabuntis ito sa hindi kilalang lalaki at nagpalaki ng mga anak sa labas. Kumuyom ang mga kamao nila at napahampas na lang sa lamesa si Claire dahil wala naman silang alam tungkol sa totoong nangyari kay Scarlett. Napatingin si Claire sa mga pinsan ni Scarlett dahil walang ibang nakakaalam ng katotohanan kundi si Claire, Dominic, Sophia at ang mga pinsan lang ni Scarlett. Maliban pa ro’n hindi nila ilalabas sa publiko ang nangyari dahil respeto na lang sa privacy ni Scarlett. "Meron pa! Kakabalita lang!" "F-ck! Holy s**t! Ano 'to?!" Nagkagulo na sa buong mansion dahil sa mga balitang kumakalat ngayon sa diaryo o internet. Napahawak na lang sa noo si Claire dahil may nabasa pa siyang balita tungkol sa nagnakaw siya ng pera para sa itinayo nitong negosyo. "This is not true! Pera ni Scarlett ang ginamit sa bar at nag-invest din ako!" galit na sambit ni Claire at naihagis na lang niya yung phone niya dahil sa mga balita. "Gustong sirain si Scarlett sa publiko!" Natigilan sila dahil naalala nila si Scarlett kaya nagkatinginan silang lahat at iisa lang ang nasa isip nila. "Scarlett!" sigaw nila. Napatakbo silang lahat sa kwarto ni Scarlett at binuksan nila ang pintuan pero natigilan sila nang makitang nakaupo si Scarlett habang nasa harap nito ang laptop nito. "S-Scarlett..." Lumingon si Scarlett sa mga pinsan niya at kay Claire pero ngumiti lang siya dahil alam niya ang totoo. Umiling lang si Scarlett at natawa na lang. "I’m fine. Alam ko sa sarili ko kung ano ang totoo." sambit ni Scarlett at pinunasan niya ang mga luha niya. "Scarlett..." Natawa lang si Scarlett at dinuro niya ang laptop niya. "Yan lang ba ang kaya nilang gawin? Wala naman din silang alam sa katotohanan kaya okay lang ako." Napakuyom ng kamao si Claire at tumakbo siya sa loob para yakapin si Scarlett. "Aalamin namin kung sino ang nagkakalat ng maling kwento." Bulong ni Claire. Hinagod naman niya ang likuran nito at naramdaman niya ang higpit ng yakap ni Scarlett sa kanya. Kilala ni Claire ang kaibigan dahil nakita naman niya itong nagsumikap ito para lang mapalaki ng maayos ang mga anak. Kaya hindi rin maintindihan ni Claire kung bakit si Scarlett ang binibigyan ng ganitong problema. "Okay lang sana kung ako lang pero yung dinamay nila yung mga bata na wala namang alam sa gulo ng buhay ko, yun ang hindi ko matanggap." kumuyom ang mga kamao ni Scarlett. "Nagagalit ako sa kanilang lahat dahil wala naman silang alam sa mga pinagdaanan ko para lang sirain ako. Ako na lang sana ang ginamit nila, wag lang ang mga anak ko kasi sila ang mas maaapektuhan." sambit ni Scarlett at napaiwas na lang siya ng tingin sa mga pinsan niya. Nagagalit din silang lahat dahil walang pwedeng manira sa pamilya nila. Walang pwedeng sumira sa pangalan ng bawat isa sa kanila. "Damn it! Aalamin namin kung sino ang sumulat ng article! Isang Knight ang kinakalaban nila!" sambit ni Erin at sinuntok ang pader dahil sa galit. Kahit sino naman magagalit sa balita. Hindi rin nila kilala ang bunso ng mga Knight para sirain lang. "Anong meron?! Ano 'tong nasa balita?! Paano naikalat ang tungkol kay Scarlett?!" Kunot noong tanong ni Ermina ang nanay ni Lux at Hill. Dumating na ang buong angkan ng mga Knight. "Hindi natin nilabas ito sa publiko dahil malaking issue ito! Maaapektuhan din ang buong angkan!" Napatingin naman silang lahat kay Scarlett na nakayuko lang sa kanila. "Are you okay, Scarlett?" Huminga ng malalim si Scarlett at tumingin siya sa kanila. "Ayos lang ho ako. Alam ko rin naman kung ano ang totoo. Pasensya na rin dahil nadadamay pa kayo sa gulo ko." sambit niya. "Scarlett..." Umiling lang si Scarlett sa daddy niya. "Ayos lang talaga ako." Napabuntong-hininga na lang silang lahat dahil malaking problema ito para sa lahat. "Hindi lang naman ang buong angkan ang maaapektuhan kundi pati na ang mga bata. Damn. Mga bata pa sila pero nadadamay na." Sumang-ayon silang lahat dahil totoo naman ’yon, mga bata ang mas maaapektuhan kapag lumala pa ang problema. Napailing na lang si Vernon at tumayo na para kausapin silang lahat. "Alamin natin kung sino ang nagpapalaganap ng maling impormasyon tungkol sa anak ko at kung malalaman natin kung sino sila--" natigilan si Vernon nang ngumisi ang mga pinsan ni Scarlett sa kanya. "Pahihirapan natin sila." pagpapatuloy nila sa sasabihin ni Vernon habang mga nakangisi dahil naeexcite sila sa mangyayari. "I will kill them if I saw them!" "Me too! Tatanggalan ko na siya ng kinabukasan!" "Papabagsakin ko ang publishing company!" Napangiwi naman si Claire sa mga pinsan ni Scarlett at naramdaman niyang nag-vibrate ang phone niya kaya tumayo na siya at lumayo ng distansya dahil may tumatawag sa kanya. ("I heard everything. You know what to do.") Napangisi naman si Claire at sinulyapan ang mga nag-meeting. "Ako na bahala magtrack ng article." sambit ni Claire at pinatay na niya ang tawag bago siya bumalik sa tabi ni Scarlett. "Si Kuya Carter ba yung tumawag?" Tanong ni Scarlett. Ngumisi lang si Claire at tumango. Napayuko naman si Scarlett dahil naabala pa niya ang trabaho ng mga pinsan niya. "Pati siya naaabala na sa trabaho." sambit ni Scarlett. Umiling lang si Claire at tinapik niya lang ito sa balikat. "Hindi ka isang abala, Scarlett. Kailangan din naming kumilos dahil buong angkan niyo ang maaapektuhan." Sambit ni Claire. Napailing na lang si Scarlett at hindi na sumagot pa. "Si tita Sharlene ba alam na niya?" Tanong ni Lux kay Scarlett na umiling naman. "Nasa probinsya si mom kasama ang mga bata kaya malamang hindi pa niya alam ngayon dahil hindi rin naman mahilig sa diaryo si lolo at lola." sambit ni Scarlett kaya mapatango naman si Lux. "Mas mabuti para mas makakakilos tayo," Lahat sila kikilos na dahil hindi lang buong angkan ang nakasalalay dito kundi pati buhay ni Scarlett at nang mga bata. "Tumawag ang chairman. Pabalik na siya ng pinas, at kakausapin niya tayong lahat tungkol sa issue na 'to." Anunsyo ni Carlito Knight at lumabas na siya ng palace kasunod pa ng iba. Lumapit naman si Vernon sa anak niya at hinawakan ito sa balikat. "Anak, I'm sorry," sambit niya. Umiling lang si Scarlett at napabuntong-hininga. "Dad naman, ayos lang talaga ako. Hindi rin ako magpapaapekto sa kanila dahil mas alam ko ang totoo." ngumiti lang siya at hinawakan niya ang kamay ng ama niya. "Tawagan niyo na rin si mom, dad. But, please... Don’t tell her about this." Napatitig si Vernon sa anak pero napabuntong-hininga na lang din siya dahil alam niyang matatag ang anak niya. Napangisi na lang si Claire nang makitang okay si Scarlett, pero alam niyang pilit lang ang lahat ng pinapakita nito ngayon. Natigilan lang siya nang tumunog ang phone niya kaya pinindot niya ang earpiece niya. "Oh, anong kailangan?" tanong niya sa kabilang linya. Napakunot pa ang noo niya ng maramdaman niyang may kakaiba sa secretary nila. ("Ma’am Claire, kasama niyo ba si Ma’am Scarlett? Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot.") Napalingon si Claire kay Scarlett na kausap ang mga pinsan nito kaya huminga siya ng malalim para makausap ng maayos ang secretary nila. "Yes, I’m with her. May nangyari ba sa bar, Lisa?" ("M-Ma'am Klaire, may mga dumating po na police dito at pinapasara ang bar dahil illegal daw po ang pagpapatayo rito.") Nanlaki ang mga mata ni Claire sa narinig at napahawak na lang sa earpiece niya baka marinig sila ni Scarlett. "Lisa, calm down. Tell me everything." sambit ni Claire at lumayo na siya para walang makarinig sa kanila ng kausap niya. ("Nandito po ang mga police at nais po kayong makausap dahil na rin pag-usapan ang tungkol sa illegal na papeles. Nandito na rin po ang mga empleyado at iniinspeksyon nila ang buong lugar at may nakita raw silang mga ipis at daga. Magpunta na ho kayo rito dahil hindi na namin alam ang gagawin!") "WHAT?!" sigaw ni Claire dahil sa nalaman kaya napalingon sa kanya ang lahat pero napakagat siya sa labi dahil bakit kailangan pang dumagdag amg problemang ito. "Damn it! Papunta na kami d'yan!" Binaba ko na yung tawag at nilapitan ko si Scarlett at saka ko siya hinila palabas ng palace. Sumakay na si Claire ng motor niya at nilingon niya si Scarlett na nakakunot ang noo. "Claire? What’s happening?" Hindi sumagot si Claire at hinagis niya lang kay Scarlett ang helmet na dala niya. "Hop in! I will explain later pero ngayon kailangan na muna nating magpunta sa bar!" sigaw ni Claire, kaya kahit nagtataka si Scarlett sumakay na rin siya sa motor at napakapit na lang kay Claire dahil pinaharurot na nito ang motor. "A-ano bang nangyayari, Claire?! Maaaksidente tayo sa ginagawa mo!" Ngumisi lang si Claire at mas pinaharurot niya ang motor niya a hindi pinapansin ang mga pulis na humahabol sa kanila. "You’ll see, my best friend." Humigpit lang ang hawak ni Claire sa motor niya at nakatitig sa daan bago niya pinaharurot ng matindi ang motor niya. Nauubos na ang pasensya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD