Habang tinatahak ni Dominic ang daan patungo sa bar, nanlaki ang mga mata niya na parang may taong nakaharang sa daan niya kaya malakas siyang nag-preno dahil baka masagasaan niya ito.
"f**k!"
Napahamapas naman siya sa manibela dahil may pinagdaanan na nga siya, sasabay pa yung mga taong walang magawa sa buhay.
Binuksan niya ang bintana ng sasakyan niya para sigawan yung humarang sa kalsada. "Hoy! Muntik ka ng masagasaan!" sigaw ni Dominic pero natigilan siya nang wala na yung taong nakaharang sa kalsada.
Napakunot ang noo niya at naningkit pa ang mga mata niya dahil may sasakyang nakaharang sa gitna ng kalsada pero wala namang tao. Napamura na lang siya at bumaba na ng sasakyan niya dahil wala siyang oras para makipaglaro sa mga ito.
"Damn it."
Maglalakad na sana si Dominic patungo sa sasakyan na nasa gitna ng kalsada nang biglang may pumukpok sa batok niya na napahiga na siya sa kalsada. "Damn." bulong niya at napahawak na siya sa batok niya tsaka nilingon kung sino ang gumawa no’n sa kanya pero hindi niya maaninag dahil na rin nanlalabo na ang paningin niya.
"W-who are you...?" tanong niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Napangisi naman ang taong pumukpok sa kan’ya tsaka siya binuhat na para dalhin na sa sasakyan. Nagtawanan sila dahil matagumpay nilang nagawa ang plano nila para sa lalaki.
***
Nagising na lang si Dominic na nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakatali na siya sa upuan.
"Damn it!"
Nagpupumiglas siya sa tali pero nasasaktan lang siya dahil sa higpit ng tali. "Damn!" sigaw niya at patuloy pa rin siya sa pagpupumiglas pero wala pa ring nangyayari.
Natigilan lang siya nang mapansin niyang nasa isa siyang madilim na silid pero may ilaw na nakatapat lang sa kan’ya.
"f**k! Ano bang kailangan nila--" natigilan si Dominic sa pagsasalita nang may sumuntok sa kan’ya na nalasahan na niya yung dugo kaya napadura siya.
"Sino kayo?! f**k--" sinuntok siya muli kaya napailing siya dahil nakadama siya ng panghihina. Hindi pa tumigil ang mga ito at binigyan muli siya ng isa pang suntok sa sikmura kaya nagsuka na siya ng dugo.
Nanlalabo na ang mga mata niya na tila umiikot na ang paligid dahil sa mga tinamo niyang suntok pero may napagtanto siya kung sino ang sumuntok sa kan’ya.
"R-Rios..." pagbanggit niya sa pangalan ng taong ito. Natawa naman ang lalaki at hinawakan si Dominic sa buhok nito.
"Ops, inutos lang na gawin ko ’to, sorry." Nakangising sambit ni Rios sa kan’ya kaya natawa na lang si Dominic at napasandal sa upuan.
"Ito na ba ang parusa ko, sa mga kasalanang nagawa ko kay Scarlett?" tanong niya na napangiwi naman siya dahil kumikirot ang mga pasa na tinamo niya.
"You’re right."
Natigilan siya na may nagsalita pang isang pamilyar na boses. "Carter." napayuko na lang siya para tanggapin ang kapalaran niya dahil kasalanan talaga ang nagawa niya at alam niya ang batas na meron ang mga Knight.
Katulad na lang nung kay Scarlett na may sariling batas na sinusunod ito pero sinuway niya ’yon para piliing sumama kay Dominic na nakagawa naman ng pagkakamali.
"Mabuti na lang mild lang ang ginawa ko sa’yo kaya makakatayo ka pa rin."
Napangiwi na lang si Dominic kay Rios dahil mukhang proud pa ang binata sa ginawa nito sa kan’ya. Napailing na lang din siya dahil malaki rin ang pasasalamat niya na ito nga lang ang tinamo niya.
"Alam mo ang batas na meron si Scarlett, at alam mo rin kung anong batas ang meron ang pamilya namin. Pinanganak kami para maging fighter, hindi para maging duwag at mahina." sambit ni Carter kaya mas lalong napayuko si Dominic dahil totoo ang lahat ng ’yon.
Alam ni Dominic na bata pa lang ang mga Knight ay sinasanay na ang mga ito sa pakikipag-usap sa mga matataas na tao at kung paano palaguin ang mga negosyo. Sinasanay din silang hindi maging mahina at maging duwag upang hindi mababa ang tingin sa kanila ng mga tao.
"Ginamit mo yung nararamdaman mo para lang samantalahin ang kahinaan ng isang Scarlett Venice Knight. Iba ang mundo namin sa ibang tao, iba ang mundong kinalakihan ni Scarlett pero sinamantala mo pa rin ang nararamdaman niya."
Napangisi si Dominic habang natatawa dahil kahit hindi ipaalala sa kan’ya ang lahat, ay alam niya ang mga bagay na ’yon. Hindi siya nakakalimot na magkaiba sila ng mundong ginagalawan ni Scarlett.
"Alam ko lahat ’yan pero yan din ang naging dahilan ni Scarlett kung bakit mas pinili niyang sumama sa’kin." sambit ni Dominic at nagigting ang panga niya. "Ayaw niyang magkaroon ng sariling pamilya sa mundo niyo. Ayaw niyang dalhin ang mga anak namin sa mundong ginagalawan niyo." napapikit si Dominic dahil sa mga pawis na tumutulo sa mukha niya.
"Yeah, maybe you’re right, pero... Sinira mo lang ang lahat ng ’yon dahil sa kasalanan. Sinira mo lang ang tiwala niya, at sinira mo ang paniniwala niya sa’yo na mailalayo mo siya sa mundo namin." sambit ni Carter at nilapitan niya si Dominic. "You ruin her life!"
Sinuntok ni Carter si Dominic na tumumba na sa sahig kaya napangisi lang si Dominic habang nakapikit para saluhin ang lahat ng parusa dahil deserve niyang mangyari ito.
"Fuck."
Natigilan si Dominic at dumilat siya para tignan ang pangyayari pero napansin niyang nakatayo lang sa harapan niya si Carter na nagsindi na ng sigarilyo dahil sa pagpipigil na saktan ulit siya.
"This is enough for now." sambit ni Carter na napahagod na sa buhok at nilingon siya nito. "Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon na bumawi sa lahat ng kasalanan mo kay Scarlett at sa mga anak niyo pero kapag hindi na siya bumalik sayo..." ngumisi si Carter at umupo siya sa harap ni Dominic. "Stay away from her and from her kids. Puputulin ko rin ang ugnayan ng pamilya mo at nang pamilya namin. Are you agree with that?"
Natigilan si Dominic at hindi siya nakapagsalita dahil hindi niya alam ang isasagot niya kasi galit pa rin si Scarlett sa kanya kaya mahihirapan siyang bumawi sa mga ito.
"Tictock. Ticktock. Ticktock."
Napahinga siya ng malalim at seryoso niyang tinignan si Carter. "Gagawin ko. Babawi ako sa lahat ng mga kasalanan ko." sambit niya.
Ngumisi naman si Carter at pinat niya sa ulo si Dominic. "Good, then it’s a deal." tumayo na si Carter at tumalikod na siya. "Dalhin mo siya sa mansion dahil alam kong gusto niyang makita si Scarlett."
Napakamot naman sa ulo si Rios dahil hindi pa nagiging masaya ang gabi niya pero pinatigil na siya ni Carter.
"You ruin my night my dear older cousin." bulong ni Rios at inalalayan na niya si Dominic na tumayo. "Scarlett will be mad. Damn it."
Natawa naman si Dominic dahil alam niyang si Rios ang pinaka mareklamo bukod pa sa pagiging misteryoso nito ay si Rios rin ang pinaka maraming sinasabi.
"Sabihin mo na lang na nakipaglaban tayo sa Arena at ako lang napuruhan." sambit ni Dominic. Umiling lang si Rios at iniimagine niya ang galit na mukha ni Scarlett na nagsitaasan ang mga balahibo niya.
"Nevermind." sambit ni Rios habang nakangiwi.
Bumulalas naman ng tawa si Dominic dahil mukhang alam ni Rios na hindi maniniwala si Scarlett sa mga palusot nila. Napailing na lang siya dahil nasa plano niya ang bumawi sa lahat kaya gagawin niya ang lahat para bumalik muli ang tiwala ni Scarlett sa kan’ya.
Nakarating na sila sa mansion ng mga Knight at sinalubong sila ng mga pinsan ni Scarlett.
"Oh my gosh!"
"Anong ginawa niyo sa kan’ya?"
"He deserves that!"
"f**k! Scarlett is scary when she’s angry!"
Tumulong na si Erin sa pag-alalay kay Dominic para dalhin sa kwarto ni Scarlett.
"Oh my god! Babe!"
Natigilan nang dumating si Sophia na humahangos nang makita ang kalagayan ni Dominic.
"Rios, what happened to Dominic?" tanong ni Sophia at hinawakan niya ang mukha ni Dominic para tignan ang mga pasa nito tsaka bumalik ang tingin niya kay Rios. "Anong ginawa niyo sa kan’ya?! Did you punish him?"
Ngumisi lang si Rios kay Sophia na nanggagalaiti naman sa galit.
"He deserves all the punishment of what he did, right? You know our law, Sophia." sambit ni Rios na nagpatahimik kay Sophia dahil isa rin siya sa sumuway sa batas. "Please, excuse us. He needs Scarlett, not you."
Nanlaki naman ang mga mata ni Sophia at hinabol sila nito. "No! I’m his fiance! It’s not his fault! It’s Scarlett fault!" sigaw niya at hinarangan ni Sophia ang dinaraanan nila.
Natigilan naman si Dominic at napatingin siya kay Sophia. "Stop it. You’re not my fiance anymore." sambit niya at sumenyas na siya kay Rios at Erin na hayaan na lang si Sophia dahil wala rin naman silang mapapala sa babae kundi ang guluhin lang sila nito.
Nakarating na sila sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Scarlett at binuksan na nila ang pinto.
"Anong ginagawa niyo rito?"
Tinulak naman ni Rios at Erin si Dominic papasok sa loob ng kwarto ni Scarlett.
"f**k!" Hiyaw ni Dominic dahil ms kumirot ang mga pasa niya kaya sinamaan niya ng tingin ang magkapatid pero nginisihan lang siya ng mga ito. "Damn you!" bulong niya at napahawak siya sa bewang niya dahil naramdaman na niya ang sakit ng katawan niya.
"What happened to him?!"
Natigilan si Dominic nang alalayan siya ni Scarlett habang pinapagalitan nito ang mga pinsan nito. Napangiti na lang siya at nag-thumbs up sa magkapatid dahil pwede na ulit sila mag-usap ni Scarlett pagkatapos nang nangyari sa pagitan nila kanina.
"Okay, okay! Bye! Good luck!" sambit ni Rios at tinaas nito ang middle finger para kay Dominic na ngumisi lang sa kanila.
"Tatakas kayo? I’m not done!"
Napatakip na lang sa bibig si Dominic para pigilan ang pagtawa niya dahil halatang ayaw na ng magkapatid na pakinggan pa si Scarlett.
"We can talk later, Scarlett!" sambit naman ni Erin at tumakbo na palabas ng kwarto ni Scarlett. Napailing na lang si Dominic dahil nakikita nanaman niya ang ugali ni Scarlett kapag nagagalit.
"Aish! What will I do with you?" Tanong ni Scarlett at sinamaan niya ng tingin si Dominic kaya natahimik na lang ang lalaki dahil baka palayasin pa siya ni Scarlett.
Inalalayan na lang siya ni Scarlett na maupo sa kama kaya napangiti na lang si Dominic at niyakap niya si Scarlett na nabigla naman sa ginawa niya.
"Nag-aalala ka pa rin sa’kin," ngumiti si Dominic at humigpit ang yakap niya sa bewang ni Scarlett. "Mahal pa rin kita, gagawin ko ang lahat para makabawi ako sa lahat ng kasalanan ko sayo. Hayaan mo akong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko." sambit ni Dominic. Natigilan naman si Scarlett pero bumuntong-hininga na lang siya bago tinanggal ang braso ni Dominic na nakayakap sa kan’ya.
"Stay here. Gagamutin ko ang mga pasa mo." sambit ni Scarlett at lumabas na ito ng tuluyan sa kwarto.
Natawa na lang si Dominic at napatingala sa kisame. "Mukhang galit pa rin siya." bulong niya at nahiga na lang siya sa kama ni Scarlett hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog.