Chapter 18

1937 Words
THIRD POV Pagkatapos ng mg mga kaganapan sa naging meeting, gumawa naman ng plano si Dominic para patunayan na siya ang ama ng mga anak ni Scarlett. Nakakuha siya ng gamit ng mga bata para ipa-DNA ito. Kahit nararamdaman niyang mga anak niya ang mga bata pero gusto lang niyang makasigurado para hindi na makakapagsinungaling si Scarlett sa kan’ya. “Mr. Stone?” Napatingala si Dominic, at napahinga ng malalim bago siya tumayo para kausapin ang doctor. “W-what are you doing here?” tanong ng doctor ng pamilya nila. Napahawak siya ng mahigpit sa envelope na naglalaman ng gamit ng dalawang anak ni Scarlett dahil desidido na siyang gawin ito. Alam din niyang ikakagalit ni Scarlett ang gagawin niya pero nasa isip niyang may karapatan din naman siya kung sakaling anak niya ang mga ito. “May gusto lang akong siguraduhin.” sambit niya. Natigilan naman ang Doctor at nag-alangan pang papasukin siya sa loob ng opisina ng doctor. “Ano ang gusto mong ipagawa sa’kin, Mr. Stone?” Huminga siya ng malalim at inilapag niya sa lamesa ang envelope na hawak niya. “Gusto kong magpa-DNA.” sambit ni Dominic. Nanlaki naman ang mata ng doktor dahil sa mga sinabi nito sa kan’ya. “D-DNA?” Tumango siya. “Hmm...” at tumingin sa doctor. “Gusto kong siguraduhin kung match ba kami ng mga batang gumamit nito.” sambit niya. Napatingin na lang ang doctor pero tumango na lang ito at hinawakan niya ang mga gamit at ngumiti siya rito. “Ako na ang bahala rito, Mr. Stone.” sambit ng doctor. Tumango naman si Dominic. “Maghihintay ako ng resulta,” Habang isinasagawa ang DNA, wala siyang ibang dasal kun’di na sana maging positive para kung sakaling anak niya ang mga bata, hindi na niya hahayaan na mawala pa ang mga ito sa kan’ya. Gusto niyang lapitan ang mga anak ni Scarlett pero hindi naman siya makalapit dahil inilalayo ang mga bata sa kan’ya, ni ayaw ipalapit ang mga ito sa kan’ya. Hindi naman niya masisisi si Scarlett sa ginagawa nito, dahil malaki ang kasalanan niya sa kanyang pamilya at alam naman niyang pinoprotektahan lang ni Scarlett ang mga anak nito kaya wala rin siyang magawa kun’di ang intindihin ang nararamdaman nito. Labis din ang pagsisisi niya dahil sa ksalanan na nagawa niya kung hindi lang siya nagpa-blackmail kay Sophia, baka sakaling hindi nawala ang pamilyang binuo nila noon. Hindi rin sana ganito kagulo ang meron ngayon. Isang buwan na ang nakalipas at tapos na ang DNA na hinihintay niya. Huminga siya ng malalim at tuluyan na siyang pumasok sa opisina ng doctor. Nakangiti naman ang doctor sa kan’ya at sinenyasan siyang maupo na. “Are you ready for the result?” tanong ng doktor. Tumango lang siya, hindi na rin siya makapagsalita dahil kinakabahan siya sa magiging resulta. “The Result is—” Napapikit na siya ng mariin at hinanda ko na ang tenga niya para marinig ang resulta. “—99.9% positive! Magkamatch kayo Mr. Stone. Congratulations!” Napadilat na ang mga mata niya kasabay ng paglaki nito. Hindi pa siya makapaniwala sa sinabi ng doktor pero nung tumango ito sa kan’ya. Labis ang saya niya dahil tama ang hinala niya na siya ang ama ng mga anak ni Scarlett. Nanginginig pa ang kamay niya habang inaabot ang DNA test, pero binasa niya ulit para makasigurado siya. Naluluha siya habang binabasa ang test at alam niyang hindi magsisinungaling ang resulta. Nagmadali naman si Dominic na pumunta ng Knight palace dahil sabik na siyang makita ang mga anak niya. “Da–Uncle!” “Uncle...” Natigilan siya at napatitig siya sa kanilang dalawa na nagbubulungan sa isa’t-isa. “H-Hi?” sambit ni Dominic, at namalayan na lang niyang tumutulo ulit ang mga luha niya nang makita niyang nasa harapan na niya ang mga anak niya. “Why are you crying, uncle?” tanong ni Carrie na tinignan pa siya nito, at napansin naman ni Dominic na nag-aalala ito sa kan’ya. Natawa naman siya at umiling ’tsaka niya pinunasan ang mga luha niya. Ngumiti naman si Dominic at pinat niya ang ulo ng mga bata. “Can I hug you?” tanong niya, at binuka niya ang braso na nagpapahiwatig na kung pwede ba niyang mayakap ang mga bata. Nagkatinginan naman ang dalawang bata at tumingin sa paligid bago tumango si Carrie at niyakap nito si Dominic kaya napayakap ng mahigpit si Dominic kay Carrie habang nakapikit dahil ngayon lang niya rin mararanasan na yakapin ang mga anak niya. Kay Tara na anak ni Sophia ay wala siyang ibang maramdaman miski ang lukso ng dugo pero pinanindigan pa rin naman niya ang pagiging ama ni Dominic kay Tara kahit labag sa loob niya. Hindi rin kasi siya naniniwala na anak niya si Tara kay Sophia pero pinagkalat na ni Sophia sa lahat na may relasyon sila at nabuntis niya ito kaya wala siyang nagawa kun’di ang panindigan ang responsibilidad niya. “Mommy!” Natigilan si Dominic nang sumigaw si Carrie pero nanatili lang siyang nakaharap sa dalawang bata. Wala naman siyang narinig na tugon kay Scarlett kaya kumuyom ang kamao niya at huminga siya ng malalim bago niya nilingon si Scarlett. “Carrie, Augustin, go to your room now.” utos ni Scarlett sa mga anak nila. Nag-alangan naman ang mga bata pero wala rin silang nagawa kundi ang sumunod sa utos ng kanilang ina. Sumulyap pa si Carrie kay Dominic pero ngumiti lang si Dominic at tinanguan ang mga bata kaya napangiti rin si Carrie bago tuluyan ng sumunod sa kapatid niya. Tumayo na si Dominic at pinunasan ang mga luha niya bago siya muli humarap kay Scarlett. "What are you doing here?" Tanong ni Scarlett. Kumuyom lang ang mga kamao ni Dominic. "Masama na bang puntahan ang mga anak ko?" tanong ni Dominic habang nakangisi. Natigilan naman si Scarlett pero umiling lang ito. "Hindi ikaw ang ama, Dominic. H'wag mong guguluhin ang mga anak ko." sambit ni Scarlett at naglakad na siya patungo sa kwarto nila pero hinawakan ni Dominic ang braso nito kaya natigilan si Scarlett. "No, Scarlett. Ako ang ama nila. Anak ko sila. Anak natin sila." sambit ni Dominic. Nilingon siya ni Scarlett at ngumisi sak inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ni Scarlett. "Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Ilang beses ko pa bang sasabihin sayo na hindi mo sila anak?" Napailing si Scarlett dahil wala siyang oras para makipagtalo nanaman kay Dominic. Huminga siya ng malalim at tinitigan si Dominic. "Buksan mo ang isipan mo Dominic para malaman mong totoo ang sinasabi ko." sambit ni Scarlett at aalis na siya nang pigilan muli siya ni Dominic. "Ano ba! Are you listening?! Y-you're hurting me!" sigaw ni Scarlett kaya nabigla si Dominic at binitawan na niya ito. "Scarlett, h'wag mo na akong lokohin, dahil alam ko na! Alam kong mga anak ko sila!" sambit ni Dominic at binato niya sa harapan ni Scarlett ang envelope ng resulta ng DNA test. Nanlalaki naman ang mga mata ni Scarlett at tinignan niya ang nilalaman ng envelope. "N-no. N-nagsisinungaling lang ang resulta—" natigilan si Scarlett sa pagsasalita nang mabitawan niya ang envelope at napatakip siya sa bibig. "Tama na ang pagsisinungaling Scarlett." sambit ni Dominic at napailing na lang sa babae bago niya ito lapitan pero bahagya namang lumayo si Scarlett. "Pwede bang umamin ka na lang? May karapatan din ako sa kanila dahil ako ang ama nila." Natigilan naman si Scarlett na para bang bigla siyang nagising at hindi siya makapaniwalang nakatingin kay Dominic. "Wala kang karapatan sa kanila!" sigaw ni Scarlett at tinulak niya si Dominic. "Simula nung niloko mo ako! Wala ka nang naging karapatan sa mga anak ko!" Pinulot ni Scarlett ang resulta ng DNA test at pinunit niya ito sa harapan ni Dominic. "Simula nung nagloko ka! Simula nung nagawa mo akong lokohin! Nawalan ka ng karapatan sa mga anak ko." Sinamaan niya ng tingin si Dominic. "Tapos sasabihin mong may karapatan ka?!" Tinapon ni Scarlett ang envelope kay Dominic. Napahagod na lang si Scarlett sa buhok niya at ilang beses na huminga ng malalim bago niya ulit harapin si Dominic. "Oo. Anak mo sila. Oo, nagka anak tayo! Oo, nabuo na natin ang pangarap natin pero naglaho rin 'yon ng pinagpalit mo ako!" sambit ni Scarlett, at pinaghahampas niya si Dominic na nasalo naman ang pulsuhan niya pero hinayaan lang siya nito dahil alam naman ni Dominic ang lahat ng kasalanan niya. Napapikit si Scarlett at napabuntong hininga bago siya lumayo sa binata. "Umalis ka na lang Dominic. H'wag mong guguluhin ang mga anak ko. Ayokong madamay sila kung ano man ang meron sa pagitan nating tatlo." pinunasan niya ang mga luha niya at tumalikod na siya rito. "Please, ako na ang nagmamakaawa sa'yo. H'wag mong paaasahin ang mga anak ko dahil ayoko silang masaktan. Tama ng ako na lang, 'wag na sila," sambit ni Scarlett at kumuyom ang mga kamao niya. "Scarlett." sambit ni Dominic pero nanatili lang itong nakatalikod sa kan’ya at umiling lang si Scarlett sa kan’ya. "Marami ng problema ang pamilya ko, kaya ayoko ng makidagdag pa. Ayusin niyo ang gulo sa pagitan niyo ni Sophia," sambit ni Scarlett at tuluyan na itong pumasok sa kwarto. "Damn it." bulong ni Dominic. Napapadyak na lang siya sa inis at ginulo ang buhok niya. Akala niya maaayos pa niya ang lahat kapag nalaman na niya ang totoo pero mas lalo lang lumala ang pangyayari. Hindi rin na niya nasabi ang mga gusto niyang sabihin dahil talagang nasaktan niya si Scarlett. Kilala niya ang babae na mahirap ito magpatawad lalo na kapag may madadamay na ibang tao. Hindi man lang siya nagkaroon ng chance na magsalita dahil alam niyang tama rin si Scarlett na kailangan muna niyang ayusin kung ano mang gulo sa pagitan niya at ni Sophia bago niya umpisahan na bumawi sa mga anak niya sa lahat ng pagkukulang niya. Pagkababa niya nakaabang na si Sophia para guluhin nanaman siya. Napabuntong-hininga na lang siya at hindi na niya pinansin ang babae pero ayaw talaga siyang tigilan ni Sophia. "Ikaw ang ama? Ikaw ang ama ng mga bastardo na ’yon?" Natigilan siya at nilingon niya si Sophia, mukhang narinig nito ang pinag-uusapan nila. "So, what if I am?" tanong niya kay Sophia. Nanlaki naman ang mga ni Sophia at nilapitan si Dominic. "What?! No! Si Tara lang ang anak mo, Dominic. Hindi ang mga bastardo--" natigilan si Sophia nang sampalin siya ni Dominic kaya nagugulat siyang napahawak sa pisngi niya habang nakatingin kay Dominic. "H'wag na 'wag mong tatawaging bastarda ang mga anak ko, Sophia." "S-sinaktan mo ako? Dahil lang sa kanila?! Ako ang magiging asawa mo Dominic! Kami na ang magiging pamilya mo! Kalimutan mo na sila!" sigaw ni Sophia. Napapailing na lang ako habang natatawa dahil sa pagiging desperada kaya napahawak na ako sa bewang ko. "Baka nagkakalimutan mong hindi ko na itutuloy ang kasal." sambit ni Dominic at natigilan si Sophia. "Ikaw lang 'tong nagpupumilit na matuloy ang kasal natin." inis na sambit ni Dominic at sinipa niya ang sofa bago siya lumabas pero natigilan siya nang magsalita si Sophia. "Sige, piliin mo sila. Don't blame kung may mangyayari man sa kanila," Nilingon niya si Sophia pero ni anino ng babae hindi na niya nakita. Damn it. "Try me, Sophia. Makikita mo kung paano ako magalit." bulong niya at tuluyan na siyang lumabas ng mansion. Bumuntong-hininga naman siya bago sumakay ng sasakyan. Kailangan lang niyang pahupain ang galit ni Scarlett para ituloy ang mga plano niya na bumawi sa pamilya niya. Hindi niya hahayaan na mawala muli ang mga ito sa tabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD