Lusianna “LUSIANNA?” Nakurap-kurap ako sa aking mata nang marinig ko ang naging pagtawag sa akin ni Jet. Lunes na naman ngayon at wala akong ibang ginawa nitong Sabado at Linggo kung hindi ang iwasan si Baste. Nakikita ko na nginingisian niya ako at para bang natutuwa siya sa pag-iwas ko. He finds it interesting, lalo na’t alam niya siguro ang dahilan ng pag-iwas ko sa kanya. Kapag nagkakalapit kami ni Baste, hindi maiwasan na madungisan ang isipan ko dahil sa mga sinabi niya sa akin noong nakaraan. He was pleasuring himself while thinking about me. Nag-init na naman ang pisngi ko at sinampal ko iyon nang mahina upang magising ako at mawala ang mga nakakakilabot kong iniisip. “Sianna, okay ka lang ba?” Naalala ko na tinatawag ako ni Jet. Napansin ko sa kanya ang pag-aalala dahil sa