Lusianna HINDI na naman ako nakabalik sa pagkakatulog ko matapos ang nasaksihan ko kanina. Hindi na rin bumalik si Baste sa kuwarto na siyang ipinagpapasalamat ko. Narinig ko na lang siya na may kausap kagabi at mukhang hindi na bumalik sa pagkakatulog. Nahihirapan ako ngayon kung paano ko siya haharapin. Kahit kinukumbinsi ko ang aking sarili na umakto nang normal at kalimutan ang nakita ko kagabi, nahihirapan ako. Sa tuwing naalala ko ang mga kaganapan, pinagpapawisan ako at pinag-iinitan. Maaga akong umalis ng bahay para magtrabaho. Sa ngayon, hindi ko kailangang harapin si Baste dahil may excuse ako. “Good morning,” pagbati ko nang makarating ako sa resort. Napatingin sa akin ang iilang katrabaho na nagawa ko naman nang pakisamahan. “Aba, ang aga mo, Sianna!” sabi sa akin ng isa