KABANATA 1: AMNESIA

2594 Words
Lusianna I STARED at the man who introduced himself as my husband. Nakikipag-usap siya sa doktor. Ngayon na kasi ang araw ng discharged ko. Hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila dahil malayo-layo ako sa kanila, pero hindi ko maiwasang titigan ang lalaki. He told me his name was Baste Zendejas. I was expecting that I would feel something after hearing his name or it would trigger some memories, pero wala. Akala mo ay naramdaman niya na nakatingin ako sa kanya dahil dahan-dahan siyang tumingin sa direksyon ko kahit na kinakausap pa siya ng doktor. My heart skipped a beat when I realized that he was staring back. Mabilis akong nag-iwas. Why is my heart pounding so much for that guy, ganoong kakasabi ko lang na wala akong maramdaman para sa kanya? Hindi ko na tinangka na tumingin pa ulit sa direksyon niya dahil kahit hindi ko naman na iyon gawin, nararamdaman ko pa rin ang paninitig niya sa akin. “Alam ninyo po, hindi kayo iniwan ng asawa ninyo simula nang i-transfer kayo rito sa ospital namin.” Napatingin ako sa nurse na nag-aasikaso sa akin. “Anong ibig mong sabihin na trinansfer ako? Saan pala ako galing kung ganoon?” “Hmm, iyon lang po ang hindi ko sigurado. Medyo maayos na po kayo nang i-transfer dito. Ang alam ko lang, naandito po kasi ang trabaho ng asawa ninyo at dahil walang mag-aalaga sa inyo kung mananatili kayo sa malayo, nagawa kayong i-transfer dito sa ospital.” Ngumiti sa akin ang nurse. “Grabe nga po. Pagkatapos po atang magtrabaho maghapon ni Mr. Zendejas ay pumupunta iyan dito para dalawin at alagaan kayo.” Hindi na ako nagsalita at wala sa wisyo akong tumingin sa direksyon ng lalaki. Hindi na siya nakatingin sa akin pero nakita ko ang naging pagtango niya sa kung ano mang sinabi ng doktor sa kanya. Naglakad si Baste papalapit sa kinaroroonan ko. His eyes are staring at me intently, and it feels as though my body is set on fire. Napalunok ako dahil sa intesidad ng kanyang pagtingin sa akin. “Ang sabi ng doktor, pwede ka na raw makauwi.” Nanatili akong nakatingin sa kanya pero hindi ako nagsalita. I studied his features. This man is a work of art. I never imagined someone could be as perfect as he is. I want to find something about him that I could dislike, but I can’t. Bakit ako naghahanap ng kapintasan niya? Dahil ayoko ng response ng katawan ko sa tuwing nasa malapit siya. He’s a stranger to me! Pero bakit para bang sobrang kampante ko sa kanya? Kahit pa nagpakilala siya na asawa ko siya, hindi ako dapat basta maniwala. “Gusto mo na bang umuwi?” Nakuha niya ulit ang aking atensyon dahil sa itinanong niya. Kinagat ko ang dila ko at pinipigilan na magsalita pero sa huli ay hindi ko rin napigilan. “Saan ako uuwi?” Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi ko. Siguro ay naramdaman nito ang pagiging sarkastiko ko. “Sa bahay natin.” May kung anong nagbuhol sa tiyan ko dahil sa sinabi niya. I can’t imagine living with this man. How come?! Kahit gusto kong maalala ang lahat para lang mapanatag ako, wala talaga. Sumasakit lang ang ulo ko at alam ko na hindi magandang senyales iyon. “Hindi ako sasama sa ‘yo.” Nanatili ang madilim at malamig na ekspresyon sa mukha ni Baste. Para bang sanay na sanay siya sa ganitong asta ko. I wonder if I was mean before the accident. Hindi siya nagsalita at hindi ako komportable na nakatitig lang siya sa akin habang tahimik kaya’t muli akong nagsalita. “Hindi ako sasama sa ‘yo. Hindi kita kilala. You are a stranger to me. You don’t expect me to just come along.” I expect some reaction from him, pero kagaya kanina ay wala. Nanatili pa rin ang seryoso niyang ekspresyon. “Everyone is a stranger to you, Sianna.” Nagtaasan ang balahibo ko sa katawan nang marinig ang kanyang pag-i-Ingles. “You don’t have your memories. Lahat kami, maging ang sarili mo, hindi mo kilala.” Lumapit pa siya sa akin at kahit gusto kong umatras ay wala na naman akong maaatrasan. “I will help you to remember. Just come home with me. You don’t expect me to just leave you alone here, do you?” Tinitigan ko siyang mabuti. Gusto kong makita sa kanya na nagsisinungaling siya o kahit anong senyales na hindi ko dapat siya pagkatiwalaan, pero walang ganoon. Sa huli, hindi na ako nakipagtalo pa. Nang hapon ay nakalabas na rin naman ako ng ospital. Sinabi ng doktor sa akin na maaaring maka-experience ako ng pananakit ng ulo lalo na kung pipilitin ko ang sarili na makaalala kaya hindi niya iyon ina-advise. Sinabi niya naman na may pag-asa na bumalik ang mga alaala ko. Sa ngayon, iyon na lang muna ang panghahawakan ko. Nakarating kami sa isang bungalow house. Maliit lang pero maayos naman. May dalawang kuwarto pero isang kuwarto lang ang may kama at ang isa naman ay tila ginawang storage. Kumpleto naman sa gamit at malinis. I feel…uncomfortable, though. Why do I feel like, hindi ganito ang kinagisnan kong buhay at hindi ako sanay? “Welcome home.” Kahit na dapat ay masaya ang kanyang tono sa pagsasabi nito, malamig pa rin ang tono ng pananalita niya. I guess, ganyan talaga ang ugali niya. Naglakad ako papunta sa kuwarto. Umaasa ako na hindi lang talaga ito ang kuwarto rito sa bahay pero mukhang ito lang. “Isa lang ang kuwarto?” “Yes,” sagot niya. “Storage room na iyong isa.” Hinarap ko siya, bahagyang nakakunot ang noo. I mean, maaaring nagsiping na kami noon kung totoong mag-asawa kami pero ngayong wala akong maalala, parang hindi kami dapat magsama sa iisang kuwarto. Am I this conservative before my accident? Hindi ko alam. “You don’t expect me to share a bed with a stranger,” sabi ko sa kanya. “Hindi tayo pwedeng sa iisang kama matulog.” Humalukipkip siya and his biceps flexed. Kahit na may suot siyang damit, humuhulma sa suot niya ang muscles niya. “And why not?” “Dahil hindi kita kilala!” Hindi ko na napigilan na magtaas ng boses. Hindi ko rin kasi gusto ang nararamdaman ko habang ini-imagine ko na magkasama kami sa iisang kama. “Mag-asawa tayo, Sianna. It’s natural.” “Hindi sa ngayon. Hindi kita maalala.” Wala na ako sa tamang pag-iisip nang sinabi ko iyon. May kakaibang ekspresyon ang dumaan sa kanyang mga mata, tila magkahalong sakit at galit. Natutop ang aking dila at nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko na naman nagustuhan ang naramdaman ko nang makita ang emosyon na iyon. “Don’t take advantage of me,” sabi ko sa kanya at tinalikuran ko na. Malabo ang mga sinabi ko dahil hindi iyon sapat para masabing pumapayag ako na magtabi kami sa kama. Pumasok ako sa loob ng kuwarto. Para akong hinihila na naman ng kama at gusto kong magpahinga. The current situation I’m going through is overwhelming. “Magpahinga ka na. Aalis lang ako para dumaan sa trabaho sandali at bibili na rin ng makakain natin mamaya.” Tumango na lamang ako at nahiga sa kama. Ilang buwan ata akong walang malay, pero pagkagising ko ay pagod lang ang mararamdaman ko. Tinalikuran na ako ni Baste at lumabas ng kuwarto matapos ipasok ang aking mga gamit. Pinagmasdan ko ang matipuno niyang likod habang dahan-dahan na sumasara ang pinto. Sana magawa kong makaalala. Gustong-gusto ko nang makaalala at malaman kung totoo ba na asawa ko ang lalaking iyon. Nakatulog ako. Hindi ko namalayan kung kailan ako nakatulog at hiniling ko na sana ay hindi na lang dahil hindi ko nagustuhan ang aking napaginipan. “Stop the f*****g car!” Sumisigaw ako sa isang lalaki. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Pinapatigil ko siya sa pagmamaneho ng sasakyan. Mabilis ang pagmamaneho niya at tila ba walang balak tumigil. Hindi ko alam kung bakit ko siya pinapatigil pero sa tingin ko ay nag-away kaming dalawa. “I said stop! Kapag nalaman ito ng pamilya ko, do you think they will let this slide? They will unalive you!” Sandali niyang binagalan ang pagmamaneho. Akala ko ay magiging maayos na ang lahat nang bigla niya akong nilingon. A creepy smile crept on his lips as he said those haunting words. “Then, you’re going to die with me.” Napabalikwas ako nang magising. Mabilis ang kabog ng dibdib ko kaya’t napahawak ako roon. Pinagpapawisan din ako at tila ang init ng pakiramdam ko. Madilim na ang kapaligiran at sa tingin ko ay ilang oras na rin akong nakatulog. Tinitigan ko ang nanginginig kong kamay. “It’s just a dream.” Ganoon man, kahit anong kumbinsi ko sa sarili, parang totoo ang nangyari. Alam ko na nangyari kung ano man ang napaginipan ko. Bumukas ang pinto at tila ba nagising ang flight or fight response ko. Dahan-dahan siyang pumasok at nang makita ko ang pamilyar na pigura ni Baste, roon lamang ako nakahinga. Napansin niya siguro ang naging reaksyon ko sa pagpasok niya kaya agad siyang lumapit. “Are you okay?” tanong niya sa akin. Pinagmasdan akong mabuti ni Baste. Kumunot ang noo niya nang mapagtanto na basang-basa ako ng pawis. “I-I’m fine.” Tumayo siya at pumunta sa cabinet. Kumuha siya ng damit at bumalik sa tabi ko. “Magbihis ka muna. Baka magkasakit ka.” Kinuha ko ang damit na ibinigay niya sa akin. Tinitigan ko iyon bago magtaas ng tingin sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa akin. Kunot pa rin ang kanyang noo na akala mo ay hindi niya gustong nagkakaroon ako ng hindi magandang panaginip. He’s concerned, huh? “Uhm…” Huminga ako nang malalim. “Can you turn around so I can change?” Kahit sinabi niya na mag-asawa kami, parang hindi ko ata kaya na maghubad na lamang sa harapan niya. Napaupo siya nang tuwid at tumikhim bago tumingin sa katawan ko. Napayakap ako sa katawan ko nang mapagtanto na tinititigan niya iyon. I feel so exposed. “Right,” saad nito bago tumalikod. Mabuti naman at hindi na siya nakipagtalo pa sa akin. Naghubad ako ng suot kong damit kanina at nagbihis. Hindi siya lumingon kaya’t nakapmante ako. “You can look now.” Dahan-dahan siyang humarap sa akin matapos kong magbihis. “Nanaginip ako,” sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla ko iyong sinabi sa kanya. Halata rin naman sa mukha niya na gusto niyang malaman ang nangyari sa akin. “Anong napaginipan mo?” Inalala ko ang panaginip ko pero…para bang hindi ko bigla maalala. Ang tanging natira lamang sa panaginip na iyon ay… “Nasa loob ako ng kotse and it crashed.” Hindi ko na maalala ang buong detalye. Akala mo ay binura ng isipan ko ang lahat. “Maybe that was during your accident.” Nagtaas ako ng tingin kay Baste. “Alam mo ba ang nangyari sa akin nang maaksidente ako? Kung bakit wala akong maalala? Can you tell me?” Nagbabaka sakali lang ako na baka kapag may sinabi siya sa akin ay magawa kong maalala. “I don’t know the details. Nalaman ko na lamang noon na naaksidente ka at nasa ospital,” panimula nito. “Nang kahit papaano ay maging maayos ang lagay mo, nagdesisyon ako na ilayo ka sa syudad. Mas ligtas ka rito at payapa ang buhay natin. Naandito rin ang trabaho ko.” “Why? Anong ibig sabihin mo sa ligtas? May nagtatangka ba sa buhay ko?” His lips pressed into a thin line as if he didn’t want to speak. “Your family has many business rivals. As your husband, it’s my duty to ensure you’re protected. Until now, no one knows what happened to you. Mas maganda nang malayo muna tayo sa syudad.” I know he’s hiding something from me. Kung magtatanong ako, alam ko na hindi niya rin naman sasabihin sa akin. “Huwag ka munang mag-isip. Hindi ba at sinabi ng doktor na makakasama iyan sa ‘yo?” Kinagat ko ang labi ko at tumango. Bakit nakikinig sa kanya ang katawan ko kahit na ang isipan ko ay tila gustong magrebelde sa kanya dahil hindi ko naman siya kilala. Weird. “Nagugutom ka na ba? Nakapaghanda na ako ng makakain. Kumain na tayo ng hapunan.” “Hindi pa ako nagugutom—” Naputol ang binabalak kong sabihin nang tumunog ang tiyan ko. Napapikit ako sa kahihiyan. Nang tumingin ako kay Baste, there’s a small smile on his lips. Kumain na kaming dalawa sa hapag-kainan. Namangha pa ako na marunong siyang magluto. “Binili mo ba ito?” “Hindi, nagdesisyon ako na magluto na lang. Baka makatulong sa ‘yo na may maalala.” His words puzzled me. Madalas niya siguro akong lutuan noon. Habang abala sa pagkain, hindi ko maiwasang isipin kung anong klaseng lalaki si Baste. “Baste lang ba talaga ang pangalan mo?” Natigilan ito sa aking tanong. Sandali siyang nanahimik bago magsalita. “Just Baste,” sagot niya. “Anong trabaho mo?” Dahil hindi ko gusto ang katahimikan na namumuo sa aming dalawa, hindi ko na napigilan na magtanong. Tiningnan ako ni Baste pero hindi kaagad ito nagsalita. Tinitigan ko rin naman siya habang naghihintay sa kung anong sasabihin niya. “Ang trabaho ko—” “Tao po!” Natigilan kaming dalawa sa pag-uusap dahil sa tao sa labas. “Sandali lang,” sabi niya at tumayo. Umalis si Baste at nagpunta sa pinto ng bahay. Sumilip din ako roon at may isang lalaki na kinakausap si Baste. May dala itong prutas. Kahit gustuhin kong malaman ang pinag-uusapan nila, hindi ko naman marinig sa distansya na mayroon kami. Nang mapansin ko na pabalik na si Baste sa hapag-kainan ay agad akong bumalik sa kinauupuan ko. “May dala sina Mang Manuel na mga prutas. Gusto mo ba? Ipaghihiwa kita.” Tumango ako sa kanya. “Oo, gusto ko iyang mansanas.” Kinuha na ni Baste ang kutsilyo and he skillfully slice the apple. Mabilis lamang iyon at inilagay niya sa isang pinggan at dinala sa akin. Hindi ko na maalala kung anong tinatanong ko kay Baste kanina dahil masyado akong nasarapan sa mansanas. Masyadong nakatuon doon ang atensyon ko na hindi ko nga napansin na tinititigan na pala ako ni Baste. Kumabog ang dibdib ko nang magsalubong ang aming paningin. “Bakit mo ako tinititigan?” Hindi ako komportable. Bumabaliktad ang sikmura ko at hindi ko alam kung magandang indikasyon ba iyon. Kagaya kanina, may nakita na naman akong maliit na ngiti mula kay Baste. “Bakit? Masama bang titigan at hangaan ang ganda ng asawa ko?” Natigilan ako sa pagkain dahil sa sinabi niya. Dahan-dahan ay pinamulahan at pinag-initan ako ng mukha. Lalong lumawak ang ngiti ni Baste. “You’re cute when you’re shy, Sianna.” “I am not shy!” Nag-iwas na ako ng tingin sa kanya at nagkunwaring nagsusungit pero ang totoo ay itinatago ko lang sa kanya ang pagpulang muli ng mukha ko. Sinilip ko si Baste. He’s still smiling while looking at me. “Some things never change. You might forget everything, including your memories with me, but you’re still the Sianna I know and the woman I married.” Tuluyan akong napatingin sa kanya dahil sa mga salita niya. Nagkasalubong ang titig namin at may lumandas na emosyon sa mga mata niya. May kung anong kirot akong naramdaman dahil sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD