Lusianna SINABI ni Baste sa akin na siya na ang bahalang makipag-usap sa pamilya ni Grace. Umalis siya ngayon para gawin ‘yon. Gusto kong sumama pero pinigilan niya ako. “Bakit hindi ka mapakali?” tanong sa akin ni Adela. Alam ni Adela ang mga nangyari dahil sinabi ko sa kanya. “Pumunta si Baste ngayon sa bahay nina Mayor. Kakausapin niya ata dahil nga sinampal ko si Grace at inaakusahan nila akong nakabasag ng mamahaling vase,” sagot ko naman sa kanya. “Kung naandoon na si Baste, wala ka nang dapat ipag-alala. Kaya niya na ‘yon.” Hindi ko alam bakit tila kampante si Adela ganoong kinakabahan ako. Nang makauwi si Baste, agad ko siyang sinalubong. “Anong nangyari?” Mukhang dapat nga ay sumama ako sa kanya at hindi siya hinayaan na pumunta roon na mag-isa. Hindi mawala ang kabang na