Lusianna INILAYO kaagad ako kay Grace dahil baka kung ano pa raw mangyari. Syempre, ako ang pinagalitan dahil kasalanan ko raw. Wala talaga ako sa sarili ko kanina. There was a sudden urge inside me that pushed me to slap her, and it was so satisfying. Alam ko na mawawalan ako ng trabaho dahil sa ginawa ko. Hindi pa nga ako nasweldo dahil hindi pa ako nakakaisang buwan, pero hindi ko na maatim ang mga ginagawa niya. Binigyan naman ako ng ice pack para gamutin ang namumula kong pisngi dahil sa pagsampal sa akin ni Grace, but unlike her, walang nagmamalasakit sa akin. Lahat ng kasambahay ay nasa kuwarto niya para gamutin ang namumula niya ring pisngi. Bumuntong-hininga ako at inilapat ang ice pack sa pisngi ko. It stings, pero kaya ko namang tiisin. I can’t believe I choose violence t