Lusianna MINSAN naiisip ko kung importante pa bang bumalik ang mga alaala ko dahil pinaparamdam naman ni Baste sa akin na hindi mahalaga kung anong buhay ang mayroon kami noon, at ang nakakatakot doon ay para bang nakukumbinsi ako. Sinubukan ko ulit magluto noong sumunod na Sabado. Hindi nakapunta si Adela ngayon dahil naandiyan ang asawa niya. Sinigurado ko naman na sinunod ko ang lahat ng instruction sa recipe na ibinigay niya sa akin. Huminga ako nang malalim nang matapos. “Sana magustuhan ni Baste.” Isang linggo akong nag-aaral magluto bago umuwi si Adela sa hapon. So far, hindi pa naman ako naabutan ni Baste dahil madalas ay gabi siyang umuwi. Ibinalot ko ang mga pagkain at naghanda ako papunta sa site nila. Bago naman ako pumunta ay nag-text ako kay Baste. Me: Can I visit you