Lusianna MASAMA ang pakiramdam ko nang maimulat ko ang aking mga mata. Tinangka kong bumangon pero ang bigat ng nararamdaman ko. Sinapo ko ang aking noo at napagtanto na nilalagnat ako. Inisip ko kung bakit ako may sakit ngayon, naalala ko na nagpaulan ako at nagpalit lamang ng damit kahapon kaya siguro ako may sakit ngayon. Sinubukan ko pa ring bumangon kahit na hindi maayos ang nararamdaman ko. Kumuha ako ng sweater na mayroon ako at iyon ang isinuot ko dahil nilalamig din ako. Hindi nagpapakita ang araw pero hindi na maulan. Pagbukas ko ng pinto at paglabas ko ng kuwarto, natigilan ako. Nakita ko si Baste na nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader sa tabi ng pinto ng kuwarto ko. Nakapikit ang kanyang mga mata, mukhang doon na siya natulog. Bakit siya diyan natulog? Lumapit ako