Marahang bumaba si Derin sa hagdanan. Kabibihis niya lang kasi lalabas sila ng binata para mag-date. Kahit naniniwala siyang nanliligaw na ito sa kanya dahil sa mga regalo nito sa kanya ay hindi naman niya narinig ang gusto niyang marinig. Pero masaya pa rin siya dahil nakakasama niya ang lalaki. Nag-e-effort din naman kasi.
Napansin niyang may kausap ito at narinig niyang si Cammy pala. At ano raw? Buntis ito? Agad siyang tumakbo at nagtago sa isang sulok ng hagdan habang palakad-lakad sa may sala ang binata, parang problemado. Napahilot ito sa sentido habang nakikinig sa kausap. Ito ang ama ng bata?
Parang biglang nagunaw ang mundo niya sa mga sandaling ito. Ipinagsabay ba siya nito at ang ex nito nang hindi man lang niya alam? Ang tanga naman niya! She should’ve known! Simula lang. Simula nang nakisabay ang babae sa binata papuntang Manila ng siguro apat na buwan na ang nakalipas. Dapat ay nakinig siya sa kanyang instincts. Walang maidudulot sa kanyang maganda ang manyak na lalaking ito!
Naninikip ang dibdib niya. Nasapo niya ito. Biglang nangingilid ang luha sa kanyang pisngi.
“Derin? May problema ka ba?” Biglang sumulpot si Ate Lucinda sa harap niya.
Umiling siyang pinahid ang mga luha. Nang silipin niya ang binata sa may sala ay kausap pa rin nito si Cammy.
“P-pakisabi po kay Cairon na… na… masakit ang ulo ko, Ate Lucinda. H-hindi na kami tutuloy sa paglabas. Salamat,” sabi niyang sumalisi na paakyat ng hagdan patungo sa silid niya. Sinundan lang siya ng tingin ng mayordoma na may pagkalito sa mga mata nito.
Nag-impake na siya. Tutal naman ay aalis na siya bukas pabalik sa Manila. Kulang na lang ang finishing touches ng libro at ipapasa na niya ito sa kanyang publisher. Siguro ay maghihintay pa siya ng dalawang buwan bago siya makatanggap ng response pero sigurado siyang matatanggap iyon katulad ng iba niyang gawa. Iyon ang kanyang tantiya. Hindi nga inabot ng isang buwan ang mga iyon at nakatanggap na ng sagot na gustong i-publish ang mga ‘yon within the year. Baka naman ay hindi rin aabot ng dalawang buwan ang isang ‘to katulad ng iba.
Plano niyang pagkatapos nito ay tutulak siya ng California dahil napag-usapan naman na nila ni Gretchen na tutulungan niya ito sa paghahanda sa kasal nito. So, kahit paano ay may gagawin pa rin siya imbes na magmukmok pagkatapos ng pangyayaring ito.
Halos mapalundag siya nang marinig ang isang katok sa dahon ng pinto ng kanyang silid. Hindi nga pala niya iyon na-i-lock kaya pinihit iyon ng sinumang kumatok. Hindi naman siya nagkakamali.
Si Cairon iyon.
“Babe? Are you okay? Sabi ni Ate Lucinda na you’re not feeling well,” mahinang sabi nito. May pag-alala sa boses.
Parang gusto niyang lalong umiyak. Pero suminghot siya.
“I-I… yeah. I don’t feel well.” Hindi niya pa rin ito tiningnan.
Lumapit ito sa kanya at sinalat siya sa noo. “Buti naman wala kang lagnat. Pero masakit ba talaga ang ulo mo? Nagpakuha ako ng gamot kay Ate Lucinda. But what are you doing?” Napatingin ito sa kanyang bagahe nang nakasimangot nang ninakawan niya ito ng sulyap sa ilalim ng kanyang pilik-mata.
“I-I just don’t want to miss anything kaya nag-iimpake na ako para bukas.” Napalunok siyang napaatras mula sa lalaki.
He snorted. “You’re leaving.”
“Yes, that was the plan from the very beginning. Mag-i-stay lang ako rito ng apat na buwan habang ginagawa ang biography ni Estela. That’s it!” Pilit niyang magsalita nang derecho kahit na pakiramdam niya ay parang pinipiga ang puso niya sa mga sandaling ito. Kahit na nakatingin lang siya sa binata.
“Hell! Why don’t you just stay?” Nakapamaywang ito.
‘And what? Pretend that I didn’t hear your conversation with Cammy? Pretend that you’re not going to be the father of her child? Are you seriously going to ask me that? Don’t you care enough for me and just carelessly trample on my feelings?’ Pero hindi niya masabi.
Wala naman kasi siyang karapatan. Hindi sila official na magkasintahan nito. At malay nga ba niyang nagkabalikan na ang dalawa? Iyon ang opisyal. Siya ay… kumbaga sideline lang. Wala siyang laban doon. Kaya masakit. Napakasakit.
Marahas siyang napabuga ng hangin. “You can’t tell me that, Cairon. I have to go.”
“And then what? What about us?”
Napakurap-kurap siya at napaiwas ng paningin. “What about us? There’s no us, Cairon, and whatever we had, it’s over,” marahang tugon niya.
“What the hell? Are you seriously telling me that now, Derin?” Tumaas ang boses nito na ikinagulat ni Ate Lucinda na nakatayo sa nakaawang na pinto. Napalingon ito sa mayordoma. “Pakilagay na lang sa gamot sa bedside table niya, Ate Lucinda,” anitong pilit na huminahon ang boses at tumalima ang kinausap. Agad naman itong lumabas at isinara ang pinto para magkaroon sila ng privacy na dalawa.
Napalunok siya. “You can’t stop me, Cairon. I have my own life. You have yours. What we had… it was just… that.”
Napasuklay sa buhok nito nang marahas ang lalaki. Humihingal ito sa inis. It was clear. Nagsusumamo ang mga mata nitong napatingin sa kanya habang hinahawakan siya sa magkabilang balikat.
“Look at me, damn it!” matigas na anito. Halos niyugyog na siya nito. “I want you to stay, okay? I don’t want you to go. Ever.”
Pilit niyang lumunok. ‘Para ano pa? At bakit?’ sa isip pa niya. Pero umiling siya.
“No, Cairon. I can’t! I-I have a lot of things to do.” Napaiwas siya ng paningin. “I-I have to help Gretchen and Jace…”
Nabitiwan siya ng lalaki. Kitang-kita niya ang nagliliyab nitong mga mata bago ito tumalikod sa kanya.
“So… they’re more important than me?”
Hindi siya kumibo.
“I just don’t know why you’re being so stubborn! Fine! If you want to go, then go!” Tumalikod ito. “Hell! Women!” Ibinalibag nito ang pinto.
Ipinikit ni Derin ang kanyang mga mata. “Bakit? Para ano pa ang gusto mo para manatili ako rito? You’re going to be a father soon.” Paimpit na lang siyang napaiyak.
Nang dumating siya sa California, hindi na niya mapigilan pang lalo ang kanyang nararamdaman nang makita si Gretchen na sinundo siya sa airport kasama nito si Jace at dalawang bodyguards. Napahagulhol na siya na ipinagkatataka nito. Ikinuwento na lang niya ang lahat na parang hindi nito mapaniwalaan.
***
Isinubsob ni Cairon ang sarili sa trabaho. Anyway, may napakarami naman siyang gawain sa loob at labas ng opisina. Napapabayaan niya ang mga ito kapag bumabalik siya ng Sta. Ignacia kasi. At ngayon ay wala na si Derin. Makakahabol na rin siya. Ironically. Ilang linggo na rin ang nakalipas.
Wala siyang sapat na tulog. He looked miserable, he knew. But at least ay nabigyan na niya ng solusyon ang problema ni Cammy.
His freaking ex! Siya pa ang tinakbuhan para tulungan ito sa problema nito kay Morris. Binuntis daw ito ng gago at walang planong magpakasal ang kumag dahil natatakot sa responsibilidad. And to think it was that freaking bastard told him he was love sick? Morris was really a hypocrite!
Pagkatapos ng ilang beses na pakikipag-usap rito ay nahikayat din niyang magpakasal ang gago dahil kawawa ang bata. Pero sinabi niyang kung napipilitan lang ito ay huwag na lang kahit na mapapahiya si Cammy, which Morris did not want to happen. Comically and oddly enough. Ang komplikado ng dalawa. Mga walang kuwenta. Idinamay pa siya!
At heto siya. May sariling problema na hindi niya masolusyunan man lang. Really pathetic. Gusto niyang mag-amok pero hindi niya ginawa. Hindi naman ‘yon puwede. Sa halip ay ibinunton niya sa trabaho – o sa mga tauhan – ang kanyang galit, hinanakit, sama ng loob at frustration na rin. Nagkamali ba talaga siya kay Derin? Naniwala pa naman siyang meron talagang namagitan sa kanilang dalawa. O, pinaniwala lang niya ang sarili?
Sa weekend na iyon ay kahit ayaw niya ay pinauwi siya ni Tita Este niya. Gusto raw siya nitong kausapin. Naobserbahan din naman kasi nitong palagi siyang aburido.
“Ano?” Halos masinghalan na niya ang tiyahin nang marinig ang sinabi nito. He didn’t get it.
Napabuntong-hininga ito. Inikot ang mga mata. “Kasalanan mo kasi. Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang totoo sa simula pa lang? At ganyan ka na? Kahit sino na lang sinisinghalan mo! Pati ba naman ako?” sermon nito sa kanya. Nakapamaywang ang kanyang tiyahin na mala-donya.
“Sorry, Tita. I am just… Okay, I’m sorry,” sabi niyang nagtaas ng mga kamay. “Pero anong sinabi n’yo?” Hindi pa niya na-proseso sa isipan ang mga sinabi nito. “You may have an idea why Derin left in spite of me trying to stop her?”
“Weren’t you listening? Lucinda thinks it was that reason.” Inulit na naman nito ang istorya at napasapo siya sa kanyang noo. Napamura siya.
“I-I have to go.”
“Where?” malamig na tanong ng tiyahin.
“To Derin!”
“She’s not in the Philippines.”
“What?”
“Hindi ba niya sinabi sa ‘yo na pupunta siyang California? Nabanggit na niya sa ‘kin na tutulungan niya si Gretchen at Jace na maghanda sa kasal, ‘di ba?”
Naalala nga niya ito. Ngali-ngali na siyang nagpabili ng ticket sa kanyang sekretarya habang nag-iimpake ng ilang damit. Nagpasundo na siya ng helicopter para madaling makabalik ng Manila at nagpahatid sa airport para makahabol sa pinakamadaling flight.
Wala pang dalawang oras ay sakay na siya ng eroplano papuntang California. In about twelve hours and fifteen minutes, darating na siya. Napagdesisyunan niyang matulog sa buong biyahe at nang hindi naman siya haggard tingnan kapag humarap sa dalaga. Ayaw niyang mabawasan ang pagkagandang lalaki niya kapag humarap dito.
Ngayong napag-isip-isip siya ay ang lahat ng nangyari sa hiwalayan nila ng dalaga ay isang kagaguhan lang, maling akala at talagang hindi pagkakaintindihan nilang dalawa. Kahit gusto man niyang makatulog ay hindi rin naman siya mapakali. Nininerbyos siya nang hindi niya maintindihan. Parang dadagain na naman siya, eh. Pero dapat hindi. Dapat itama na niya ang lahat. Dapat hindi na siya bibitaw. Kinastigo pa niya ang sarili dahil sa kagaguhan niya.
Nasa harap na siya ng malaking bahay ni Gretchen sa Beverly Hills, California, at napabuga siya ng hangin. Nakaangat na ang kanyang kamay para mag-doorbell pero kabado pa rin siya. What if Derin still refuses him? What if she doesn’t feel anything for him even after what happened between them or after he’d tell her how much he loved her?
“Hey! What are you doing just standing there?”
Napalingon siya at napangiti kay Jace na nagmamaneho ng kotse nito. Hindi man lang niya ito napansin. Nag-shake hands sila nang lumabas ito ng kotse. Agad siyang pinapasok nito sa loob ng gate na binuksan gamit ang remote control. Nang makapasok ay nagulat si Gretchen na makita siyang kasama si Jace pero binati pa rin siya nito nang nakangiti.
“Gretch, I can’t go with you today. I really feel… sick.” Humina ang boses ni Derin nang makita siya nito.
“Um… why don’t you two talk?” suhestiyon ng aktres at hinila na ang fiancé para bigyan sila ng privacy na dalawa.
Gusto niyang halikan at pasalamatan ang Amerikana dahil rito.
“You’re here,” mahinang sabi ng dalagang napakurap-kurap.
Napahagod siya ng tingin sa dalagang mukhang galing lang sa pagtulog dahil nakasuot pa rin ito ng night shirt. Humakbang siya para yakapin ito. Hindi ito nakakilos nang gawin niya ito.
“I missed you. So much!” bulong niya at hinalikan ang buhok nito. Ang bango pa rin nito kahit mukhang hindi pa ito naliligo. Na-mi-miss na niya ang amoy nito. Napangiti siya sa sarili habang yakap ito.
“B-bakit ka nandito?” mahinang tanong nito. Nalilito.
“Bakit mo ‘ko iniwan? Dahil lang ba sa sumuko ako?” pakli niya na tiningnan ito sa mga mata. Hindi pa rin niya ito binitawan sa pagkakayakap.
“What? No. I just had to.”
“If you left me because of Cammy, then you didn’t trust me enough.”
Napakurap-kurap itong napatingin sa kanya. “A-ano?”
“I love you, Derin. So much! Hindi mo ba nakikita ‘yon?”
Napamaang ito. “P-pero… h-hindi ba kayo nagkabalikan ni Cammy? Hindi ba… hindi ba b-buntis siya?”
Napatawa siya nang mahina. “Yeah. She is. Sa pagkakaalam ko, ginawa niya ang batang ‘yon noong party sa bahay niya.”
Napamaang itong lalo. Lalo siyang napangisi rito. Hinampas siya nito sa dibdib.
“At alam mo kung sino ang kasama ko noon. Ikaw lang.”
Napakagat-labi ang dalaga. “P-pero bakit…?”
“You should have told me what you overheard! And you drew the conclusions outright! Hindi ko man lang alam!” Napabuga siya ng hangin. Teka lang, dapat walang sisihan.
“Sorry. Hindi ko naman kasi alam…” Napababa ito ng tingin. Mukhang napahiya.
Gamit ang daliri ay itinaas niya ang baba nito. “I freaking said, I love you.”
Unti-unti itong ngumiti sa kanya. “I heard you.”
Napataas siya ng kilay. “And?”
“Hindi mo pa sinabi sa ‘kin. Bakit ikaw ang tinawagan ni Cammy noong sinabing buntis siya?”
Napabuga siya ng hangin. Oo nga naman pala. Kaya naman ipinaliwanag na niya nang mabilis para matigil na ang pagdududa nito – at nang makaisa na siya.
‘Hep! Dapat hinay-hinay lang,’ aniya sa sarili. Gago talaga siya. Libog na libog lang naman kasi siya pagdating sa dalaga. Pinaalalahanan niya ang sariling dapat nga palang marinig niyang mahal din siya nito.
“Now, tell me you freaking love me, too, babe. Or else, I’ll just fly you back to the Philippines and to Sta. Ignacia and then lock you up in my freaking room!”
Napangiti ito sa kanya na may pagkagiliw sa mga mata. “Kailan ka pa ba titino, ha? Manyak ka talaga!” Hinampas na naman siya nito sa dibdib. “Oo na. Aaminin ko na. Mahal din kita.” Sumeryoso na rin ito pero nakangiti pa rin. “I… realized it… when we first made love.” At gumapang ang pamumula ng pisngi nito.
Ay, ang ganda talaga nito kapag nag-bu-blush, eh. Ang saya niya ngayong marinig ito kaya naman ay ginawaran niya ito ng halik hanggang sa lumalim ‘yon.
“Tell Gretchen never to bother you the entire day, would you?” bulong niya habang hinahalikan ito sa punong-tainga nang may buong lambing. “But… oh! You said you felt sick. Are you okay? Wala ka namang lagnat.” Sinalat niya ito sa noo. Hinaplos niya rin ang buhok nito at hinalikan sa bumbunan. Bango talaga nito.
Napatawa ito nang mahina. “May sasabihin pa ako sa ‘yo.”
“What is it?”
“We’re going to have a baby,” mahinang sabi nito.
Natigilan siya. “W-what did you say?”
Napangiwi ito. “Look. If you don’t want…”
Hinalikan niya itong muli. “I just want to hear it again. Oh, hell!” Napatawa siya sa saya. Magiging ama na siya!
‘Tsk! Hindi lang ang gagong Morris na ‘yon.’ Hinalikan niyang muli ang dalaga.
“I so freaking love you, babe! Wait ‘til Tita Este hears about this news!” Hinalikan niyang muli ang dalaga habang binanggit pa niya ang pagkahaba-habang listahan ng mga pangalan ng katiwala’t mga tauhan niya sa hacienda.
Tumikhim naman si Gretchen at kasama na naman si Jace.
“I hope you won’t ruin our wedding tomorrow. Tell your baby not to ruin it! I beg you, Derin! You’re my Maid of Honor!”
Napatawa sila. Nagsimula na siyang hilahin ang dalaga pabalik sa kung saan man ang kuwarto nito.
“We’re just gonna… um… go and talk to our baby,” aniyang kinindatan ang magkatipan bago bumaling sa dalaga. “Uunahan na natin sila sa kanilang honeymoon, babe. Kahit hanggang round three lang. Puwede ba?”
Binigyan siya nito ng isang matalim na tingin sabay siko at napatawa rito nang malutong. Wala lang. Ang sobrang saya niya lang. Mahal din kasi siya kahit sa pagka-mahalay niyang tao.
-- Wakas --