Chapter 5: Annoy

2001 Words
Chapter 5: Annoy Stacy's POV Kunot noo akong napatitig sa kaniya, ang bilis niya naman makababa, parang kanina lang, nasa loob siya ng magara niyang sasakyan. And now, he's here in front of me stopping me from going. Really? What is his problem? “Ano bang kailangan mo?” medyo irita kong sambit. Naiirita na talaga, takte, kanina pa dapat ako nasa jeep, kung hindi lang dahil sa tukmol na ito. “I already said it, Ihahatid kita.” pagpupumilit niyang sambit sa akin. Nanliit ang aking mga mata habang nakatitig sa kaniya. Hindi niya ba naintindihan ang sinabi ko or sadyang tanga lang siya? “And I already said it, ayoko. Kaya kong mag-commute mag-isa.” pigil ang inis kong sambit. “Hindi puwede,” sambit niya. Tuluyang napakunot ang aking noo, “Anong hindi puwede?” intriga kong tanong sa kaniya. Hindi naman siya nakasagot sa akin, bagkus ay tinitigan niya lamang ako, wala siyang maisagot sa akin. Malalim akong napabuntong hininga, kasabay ng pagpapahaba ko ng aking pasens'ya at pang-unawa. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa aking siko. Kasabay ng sarkastiko kong pag ngiti sa kaniya. “Alam mo, Mister Dos. Marami pa akong gagawin sa bahay, at marami pa akong dapat na asikasuhin. So... If you'll excuse me, I really need to go home--” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong hilahin palapit kasabay ng pagbuhat niya sa akin na para ba akong isang sako. “H-Hoy! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!” takot kong sambit. Aba eh, hindi porket gusto ko siya, doesn't mean na sasama na ako sa kaniya! Oh god! Saan niya ako dadalhin?! Ang bataan ko! Ang iniingat-ingatan ko! Nooooo!! Natigil ang pag-o-over think ko ng bigla niya akong isakay sa shotgun seat, sa katabi ng driver seat. Unti-unting gumapang ang kaba sa aking dibdib. Shit... What does he think he's doing right now? Damn... I shouldn't let my guard down! You're so bobo, Stacy! Mabilis siyang umikot,kasabay ng pagkuyom ng aking kamao ay ang pagsandal ko sa pintuan ng sasakyan, naka amba ang mga kamay ko, anytime na may gawin siyang hindi ko gusto. Hanggang makasakay siya ay matalim ko siyang tinitigan habang madiing nakakuyom ang aking kamao. Natigilan siya, at sa hindi malamang dahilan ay napatawa siya ng bahagya. Kaya naman ay nagtakha ako bigla, ang kapal ng apog nitong tumawa. Kinakabahan na nga 'yung tao e, nagawa pang tumawa ng pesteng 'to. “Anong tinatawa-tawa mo riyan?!” inis kong pagtatanong sa kaniya. Mas lalo siyang natawa, kaya naman ay nainis talaga ako ng sobra. “Pfft... What the f**k are you doing?” natatawa niyang sambit. “Eh bakit ba ha? Pakielam mo ba? It's my way protecting myself!” mataray kong sambit sa kaniya. “What?” gulat niyang pagtatanong. Nagkatitigan kami, ngunit ako na rin ang unang umiwas. Hindi ko kayang tumitig sa kaniya ng mabilis, potek, ang guwapo niya kaya. Mamaya mahalata niyang may gusto ako sa kaniya, dead end na yon. “Mukha ba akong may gagawing masama sa iyo?” hindi makapaniwala niyang tanong. Tinapunan ko siya ng tingin, “Be oo.” labas sa ilong kong sagot. “Pfft... Sa guwapo kong 'to?” mayabang niyang dugtong. Mabilis akong napatitig sa kaniya, at sa hindi malamang dahilan ay mahina akong natawa. “Pfft... Guwapo? Saan banda?” pang-aasar kong sambit sa kaniya. “I see na malabo na ang mga mata mo.” Pagak akong napatawa sa sinambit niya, haha! “Hindi ka guwapo, wag kang mag-assume. Pfft--” “Kaya pala nagustuhan mo ako?” pagputol niya sa aking sinasabi. Out of sudden, bigla akong natigilan kasabay ng pamumula ng aking pisnge. Traydor na katawang lupa! Mabilis akong nag-iwas ng tingin. “T-Tsk... Pinagsasabi mo.” kunwari ay maang-maangan kong sagot. Sa pagkakataong ito, siya naman ang tumawa ng mapang-asar at nakakainis lang, wala akong magawa or masabi man lang. “Can't deny the fact e?” he then said while smirking on me. Patagong napakuyom ang aking kamao, he was right. I can't do anything. But that doesn't mean na easy to get akong babae. Tsk,anong akala niya sa akin? Madadala niya ako sa paganyan niya? Mga padali niya oy, bulok na. “Wala akong sinabi.” mahina kong sambit. “Hindi mo rin itinanggi,” mabilis niyang sambit. Mariin akong napapikit, dang it! He got me. Bwisit! Ano ng sasabihin ko? Pisti... Lupa, kainin mo ako, ngayon din! Inis akong napatitig sa kaniya, masama ko siyang tinitigan. And only if looks could kill, maybe he's dead right now. Sa pikon ko ay binalak kong lumabas ng sasakyan niya, ngunit dahil sa ala-flash siya ay mabilis niyang nai-lock ang pintuan. Pisti! “You can't said no, nor escape me now, Bonita.” Kusang kumunot ang noo ko sa sinambit niya, ang dami niyang alam, no wonder kung bakit hinahabol siya ng maraming babae, napakabulaklak ng kaniyang mga salita. Kung sa tingin niya madadala niya ako sa ganiyan, puwes. Try harder, jerk. Basang-basa ko mga kilos niya. Inis akong napairap sa kawalan. “So where are we goin'?” para tanga niyang sambit, dahil sa ngiting-ngiti siya habang nakatitig sa akin. Wari mo sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin ay ako ang pinaka reward na nakuha niya. Napailing na lamang ako, tsk. As if naman talaga. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang ituro ang daan pauwi, wala rin akong mapapala kung magwawala ako, nakakapagod kaya. Isa pa, ako lang ang magmumukhang tanga. Diyos na ang bahala sa akin kung ano man ang mangyari sa akin, kung time ko na talaga, eh anong magagawa ko para pigilan ko yon? Tsk. Dahan-dahan ko na lamang isinandal ang aking ulo sa head rest, I'm really tired. All I need for me is to rest now. _______________ Naalimpungatan ako ng maramdaman ko ang pagtama ng sinag ng araw sa aking balat. Dahan-dahan akong nagmulat ng aking paningin. Unang bumungad sa akin ang nakakasilaw na sinag ng araw kaya naman napatakip ako ng aking mata. I rolled over the side of my bed. I need to sleep more, wala naman akong pasok pa dahil postponed ang graduation preparation namin. Speaking of, What the hell? Bakit sobrang lambot ng kama ko? Dahan-dahan kong kinapa ang aking kinahihigaan. Mabilis akong napamulat ng aking mga mata ng mapagtanto kong masiyadong malambot at makinis ang kumot at unan na akap ko. Shit! Hindi ko napigilan ang mapamura at mabilis na mapabalikwas sa pagkakahiga. Oh gosh! Where am I?! Mabilis akong napalibot ng tingin, infairness ang ganda. Pero potek! Nasaan ako?! Mariin akong napapikit kasabay ng pilit kong pag-alala sa nangyari kagabe. Ang huli kong natatandaan ay nakatulog ako sa kotse ni... Ano nga ulit name niya? I forgot.... Shit lang, Stacy. Napakatanga mo, sumama ka sa lalaking hindi mo pa kilala ng lubusan. Mahina akong napatampal ng aking noo, kasabay niyon ay ang paglangitngit ng pintuan, may papasok sa silid na ito. Kaagad na nanlaki ang aking mga mata, taranta akong napalibot ng tingin, what should I do? Halos mangiyak-ngiyak kong tanong sa aking sarili. Namalayan ko na lamang ang sarili ko na bumalik sa pagkakahiga, saktuhan ng maramdaman ko ang pagbukas ng pinto. Huminga ako ng malalim at pinilit ang sarili na magpanggap na tulog. Ramdam ko ang dahan-dahang paglakakad ng kung sino palapit sa akin, tumigil siya malapit sa akin. Naramdaman ko na lamang na lumubog ang kama na aking kinahihigaan. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin, ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya? Maya-maya pa ay narinig ko ang bahagyang pagtawa niya kaya naman ay kaagad akong natigilan. “Pfft... Hindi ka magaling magpanggap, Bonita.” mabilis niyang saad. Kaya naman ay mabilis kong naidilat ang aking mga mata kasabay ng masama kong pagtitig sa kaniya. Dahilan para mas lalong matawa ang lalaking nasa harapan, I finally remembered his name. “Dos...” hindi ko namalayan na naisatinig ko ang kaniyang pangalan. Sa sinambit ko ay napatitig siya sa akin at dahan-dahang natigil ang kaniyang pagtawa. “Hmmm?” mahina niyang sagot habang hindi inaalis ang tingin sa akin. “Bakit hindi mo ako inuwi sa amin? Nasan tayo? Bakit dito mo ako dinala?” sunod-sunod kong tanong, hindi ko napigilan ang aking sarili. Siya lang naman makakasagot sa lahat ng aking katanungan. “Woah, Woah, Woah, easy Bonita.” he then said. Mabilis ko siyang inirapan, nakakainis. Kating-kati na ang utak ko na malaman kung anong nangyari and why did I end up here? “Tsk.” “Pfft... Grabe tulog mantika ka kaya.” natatawa niyang sambit. “Huh?” lutang kong saad. “Ginigising kita for almost an hour, hindi ka magising. Grabe lalim ng pagkakatulog mo, I even pinched you, pero wala, tulog mantika ka.” “What?” “Yeah, so dahil tulog ka at hindi ko alam ang bahay mo, Nag-decide ako na iuwi ka. Nandito ka ngayon sa condo ko, hindi naman kita puwedeng iwanan sa hotel dahil unang-una, wala kang kasama don. And probably magtatakha ka gaya ngayon, sino nalang sasagot ng katanungan mo?” Napanguso ako, he was right. Grabe nga ako matulog, kahit si mama, hirap akong gisingin every morning, dahil sa pagiging tulog mantika ko. Mabilis kong tinignan ang aking suot, ayon pa rin naman ang suot ko kaya nakahinga ako ng maluwag. Bigla ay nakaramdam ako ng hiya, tinubuan ako ng hiya sa aking katawan, oh god. Anong mukhang ihaharap ko sa kaniya? Kung ano-ano na pinag-iisip ko. “Now, if you want to go home, Ihahatid kita. But first, you need to take a bath. Hindi na kita napalitan ng damit kagabe, because it's your privacy. I may be s*x addict and maniac, but I do know how to respect a woman.” he then explained while eyeing me from toe to my head. Kaya naman ay napatakip ako ng kumot, mahina ko siyang sinuntok. “Pervert!” hindi ko napigilang sigaw. Imbis na magalit sa akin ay malakas siyang tumawa. “Pfft!” Mabilis siyang lumayo kasabay ng pagtaas niya ng dalawa niyang kamay na wari mo ay sumusuko. “Fine, I'll leave you here. Lumabas kana lang pag tapos ka na. Take a bath, woman. Ang baho mo na.” nakangisi niyang pang-aasar sa akin. Napaawang ang labi ko sa sinambit niya. I am speechless right now. I couldn't help but to left there alone dumbfounded. Malakas akong napasinghal. “What the hell?” inis kong sambit. Masama akong tumitig sa pintuan na nilabasan niya kasabay ng pagbato ko ng unan sa pintong iyon. “Argghh!!” inis kong sigaw. He's getting on my nerves! Kuhang-kuha niya ang lahat ng inis ko! “f**k you, Dos!” hindi ko napigilang sigaw. Rinig ko ang malakas na pagtawa niya sa labas kaya muli ay malakas kong hinagis ang unan sa pinto. this guy... Mabilis kong inamoy ang aking sarili, hindi naman ako mabaho ah! Ang OA niya lang. Pisti siya! Napairap na lamang ako sa kawalan kasabay ng pagpasok ko sa banyo. A paper bag caught my attention kaya naman mabilis akong lumapit at tinignan iyon. Kinuha ko ang nasa loob, it was a plain red dress, a red brassiere and a red panty. The f**k? Mabilis kong kinuha ang note na nasa gilid. Wear this Bonita, you'll look hot wearing this, ah... s**t, you look so damn sexy while wearing this. Napatiim ako ng aking bagang sa inis, at napagtanto na I don't have a choice. He leave me no choice but to f*****g wear this shitty dress. “DOS!!!!!” DOS'S POV Halos hindi ko mabitawan ang aking tiyan sa kakatawa, seeing her getting annoyed makes me feel joy, hahaha! f**k, ngayon lang ako nag-enjoy na kasama ang isang tao. Ewan ko ba, I feel like I'm the happiest person kapag nakikita kong napipikon ko siya. She looks so cute. Bago pa siya lumabas ay mabilis akong tumakbo papunta sa living room, pfft. To be continued... K.Y.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD