5 Years Later...
Third Person's POV
Abalang-abala sa pagpipinta ang isang babae sa loob ng tahimik na studio.
Tutok na tutok ang kaniyang paningin sa kaniyang pinipinta, halos maglilimang oras na siyang nakaupo roon.
Ngunit hindi niya namamalayan ang oras, sapagkat sa tuwing nagpipinta siya ay talaga namang puso at kaluluwa niya ang nakataya.
Buong pagkatao niya palagi ang nakasalalay. Kaya naman ay talagang mahuhusay ang mga pinipinta niya.
Hindi siya sikat na pintor, sapagkat pinamimigay niya lamang ang kaniyang mga gawa.
Usually ang subject ng kaniyang painting ay ang kaniyang nawawalang anak. Lahat ng maaaring tungkol sa panganay niyang anak ay kaniyang ipinipinta.
It's been five long years, and yet... Hindi pa din nila nahahanap ang nawawala nilang anak.
Kaya naman hanggang ngayon ay puno ng hinagpis ang kaniyang puso.
Hindi niya namalayan na tumulo na ang luha sa kaniyang mga mata nalaman niya lamang ng makita niyang may kung anong pumatak sa hawak-hawak niyang brush.
Malungkot siyang napangiti kasabay ng pagtitig niya ng maigi sa kaniyang pinipinta, isa iyong batang lalaki na kung ta tansyahin ay nasa apat na taong gulang.
Nasa gitna ito ng kagubatan, at naglalakad ito, ngunit walang mukha, lahat ng kaniyang pinta ay nakatalikod ang bata.
Dahan-dahan niyang pinaglandas ang kaniyang daliri sa kaniyang ipinita, hanggang ngayon ay nalulunod pa rin sa kalungkutan ang kaniyang puso.
Pagsisisi at sakit ang namutawi sa kaniyang isipan.
She was in that situation when someone hugged her tight from behind.
Sandali siyang natigilan ng marinig ang mahinhing hagikgik ng batang babae.
And unconsciously, her lips formed a smile.
“Hi,mommy!” cute na sambit ng bata.
Tuluyan nang napalitan ng ngiti ang kaninang malungkot niyang mukha. Dahan-dahan niyang nilingon ang kaniyang anak.
“Mommy, are you done na ba? I miss you na po...” malungkot nitong sambit.
Kaya naman ay inilapag niya sa table ang hawak na brush at mga pang kulay niya, mabilis siyang naghugas ng kamay at binuhat ang anak.
Pina-upo niya iyon sa kaniyang hita.
“Hmmm? Did you miss me already?”
“Yes Mommy, wala po akong kalaro e... Sila Tita Tasha at tita Chelsea nasa school pa po e... Si Mommy La naman pagod na... Si Daddy Lo naman busy... Si Papa Lo naman may ginagawa din po... Si Daddy naman,wala po... Mommy... Let's play?” pa cute nitong sambit kasabay ng pagpapacute nito.
She blink fast as if she wanted to act like a doll.
Napatawa na lamang ang dalaga.
“Alright, let me wash first okay?”
“Alright Mommy!” she giggled while staring at her.
She placed a kiss on her forehead before she exited the room.
She was left alone on that room... Again.
And again, she saw a painting of a boy that looks like wandering on a forest.
Iba-iba man ang maipinta ng kaniyang ina, ngunit pare-pareho ang subject nito.
It's all about him.
Napatitig na lamang siya, batid niyang ito ang nawawala niyang kapatid, matalinong bata si Fyre.
Madali niyang makuha ang ibig sabihin ng isang bagay sa unang tingin, ngunit hindi aware ang kahit na sino doon.
Dahil lahat ng mga tao sa bahay nila ay may kani-kaniyang pinagkakaabalahan.
Sa murang edad ay nakaramdam agad siya na para bang nangungulila siya, tipong nanlilimos siya ng atensiyon sa kahit na sino.
Lahat ng tao ay abala, at dahil apat na taong gulang pa lamang siya ay hindi pa siya nag-aaral.
Mag-aaral pa lamang siya.
Palaging ganito ang ginagawa niya noon pa man, palagi niyang pinupuntahan ang kahit na sino para makipaglaro sa kanila ngunit abala ang lahat.
Especially her mom, she's always busy on painting her brother.
Ngunit gano'n pa man ay hindi niya magawang magtampo o magalit dahil hindi naman nagkukulang sa pag-aalalaga at pagbibigay ng mga kailangan niya ang kaniyang pamilya, sapat na iyon kahit ang gusto niya lamang ay atensiyon.
Pilit siyang ngumiti kasabay ng pagtakbo niya palabas.
_______
“Sleeping beauty was on a deep sleep, and when a prince kissed her, she regained her consciousness...”
Kasalukuyan na binabasahan ng story ng kaniyang ina si Fyre.
Para sa kaniya ito ang the best feeling.
She closed her eyes as she imagined that she was that princess.
“And then mommy?”
“That prince marry the sleeping beauty, and they live happily ever after.”
“Wow Mommy... I want to have a prince like him mommy!”
“Really?”
“Hmm-mmm!”
“Then be a good girl and do whatever we say to you, dahil para naman sa iyo ang lahat ng sinasabi namin.”
Sandaling napatitig ang kaniyang anak sa kaniya.
“Pero Mommy...”
“Hmmm?”
“Is it true that I have a twin brother?” inosenteng pagtatanong ng kaniyang anak.
Sa narinig ay biglang nanigas ang ginang. She was caught off guard.
Hindi niya inaasahan na itatanong iyon ng kaniyang anak. Ni minsan ay hindi nila nabanggit na may kapatid pa ito.
Nabalot ng pagtatakha ang mukha ng ginang habang nakatitig sa kaniyang anak.
Her face is filled with confusion.
“M-Mommy... Did I say something wrong?” paiyak na sambit ng kaniyang anak.
Doon siya natauhan at mabilis na niyakap ng mahigpit ang kaniyang anak.
“Mommy...” she utter between her tight hug.
Mariin na napapikit ang ginang kasabay ng pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata.
“Shh... It's okay, wala kang sinabing masama... Nagulat lang si mommy...”mahina niyang sambit.
“Mommy...”
“Pasensiya kana anak, hindi ko lang akalain na tatanungin mo ako ng ganiyan, and here I thought you're really a kid well I guess I'm not...”
“...”
“I see that you understand behind those painting. Anak...”
“Sorry po Mommy...”
“Nah...” paulit-ulit itong umiling kasabay ng pagngiti niya. “It's okay, I'm glad to know that my daughter is smart...”
“Mommy...”
Sandaling natigilan ang ginang ngunit matamis siyang napangiti at inalala ang lahat, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-o-open up siya at sa anak niya pa.
Umayos siya ng pagkakaupo sa kama ng kaniyang anak, sumandal siya sa pader at nagsimulang magkuwento.
“Oo anak, may kakambal ka, at nauna ko siyang ipinanganak, so kuya mo siya...”
“Talaga po?”
“Oo..."
“...”
“Kami na yata ang pinakamasayang mag-asawa nang mga panahong isinilang ko kayo sa mundong ito...”
“Pero Mommy where is he po?”
“H-He's gone...” basag ang boses niyang sambit.
“Mommy...”
“We lost your kuya, isang linggo pa lamang magmula nang kayo ay isilang ko, nawala sa akin ang kuya mo...”
“...”
“Ikaw lang ang naihatid sa akin ng nurse, ngunit ang kuya mo... Hindi na namin muli pang nakita. Your Daddy tried to saves him, but got failed... He saved another baby that time.”
“...”
“And ever since anak, ginawa na namin ang lahat ngunit hindi namin nakita pang muli ang nakatatanda mong kapatid...”
“...”
“It's been five long years, pero parang kahapon lang ang lahat... Hindi pa din maalis sa isipan ko ang lahat. Sariwang-sariwa pa ang lahat.”
“...”
“Kaya siya ang subject sa lahat ng pinipinta ko, well, may mga naipipinta akong abstract at madalas ay nature, pero pinaka paborito ko talagang ipinta ay ang kuya mo at ikaw...”
“Pati rin po ako?”
“Oo naman anak, nasa studio ko sa kabilang subdivision ang lahat ng mga naipinta ko, pati buong pamilya natin ay naipinta ko...”
“Talaga po Mommy?”
“Oo naman anak, bakit? Iniisip mo ba na gayong wala si kuya mo dito ay mas mahal ko siya?”
Napayuko naman ang bata sa narinig. “Patawad anak, kung iyon ang nararamdaman mo at ang naging dating sayo... "
“Ang totoo ay, sobrang nagpapasalamat ako, sapagka't nariyan ka upang palagi akong iligtas...”
“Po?”
“Alam mo ba anak, nung mga panahong gusto ko ng mamatay, sobrang lito ako, nawala sa'kin si Kuya mo, tapos si Daddy mo, ilang araw ng comatose sa hospital... Pakiramdaman ko pinagtaksilan ako ng mundo, but then there you are... You saved me, you saved both of us ng Daddy mo...”
“...”
“Binigyan mo ako ng rason para magpatuloy at lumaban, akala ko kase, wala ng natira sa'kin... I almost forgot about you, sa mga panahong malungkot ako, at kinakain ako ng pagsisisi at lungkot, palagi kang sumusulpot at naglalambing sa'kin.”
“...”
“Alam kong hindi mo sinasadya pero palagi mo kaming nililigtas sa pagkabaliw ng Daddy mo... Just like a while ago, sa tuwing naiiisip ko kuya mo... Natatalo ako ng isipan ko, kung ano ano na gusto kong gawin, but then, you always there to remind me that I still have you and I need to pull myself together, kung gusto kong mabuo tayo...”
“...”
“Alam kong hindi mo pa ako naiintindihan, pero nawa... Pagdating ng panahon, maunawaan mo ako, sobrang sakit at sobrang hirap mawalan ng anak... Hindi gano'n kadali dahil hanggang ngayon Fyre... Umaasa pa din ako na makikita at makakasama natin ang kuya mo at mabubuo tayo...”
Sa isip-isip ng kaniyang anak ay, 'mali ka Mommy... Hindi ko man maintindihan lahat ngunit sa puso ko, alam ko ang ibig mong sabihin... Sorry po Mommy...'
Mahigpit na yumakap ang kaniyang anak kaya naman ay niyakap niya din ito pabalik.
“I love you Mommy...” naglalambing na saad ng bata.
“Mommy loves you more, Fyre anak... Sobrang mahal ka ni Mommy, I don't know what do if I lost you too...”
To be continued...
K.Y.