Chapter 1

1525 Words
Lovi's POV Panay ang lingon ko sa paligid. Nandito ako ngayon sa tapat ng isang sikat na bar. Hindi ko kilala kung kaninong bar ito pero hindi na mahalaga pa 'yon. Nandito ako ngayon upang ibenta ang aking katawan sa unang lalaki na paparada ng sasakyan sa may nakalagay na reserved parking lot. Kailangan ko ng pera upang maoperahan ang kapatid ko na twelve years old pa lamang. Nasagasaan siya at tinakasan ng walang pusong taxi driver. Nabalian siya ng buto sa kaliwang binti at kung hindi maaagapan ay maaring maputulan siya ng paa. Gagawin ko ang lahat mapagamot ko lamang ang aking kapatid. Napakabata pa niya para maranasan ang kalupitan ng mundo. Isang daang libong piso ang kakailanganin ko kaya ko gagawin ito. HINDI naman nagtagal ay isang magarang itim na sasakyan ang pumarada sa reserved parking lot. Hindi maayos ang pagkakaparada nito pero hindi naman siya binabawalan ng guard. Kumabog ang dibdib ko at hindi ko na maintindihan ang gagawin ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang hinihintay kong lumabas ang driver nito. Bumukas ang pintuan at isang gwapong lalaki ang iniluwa ng sasakyan. Para na lamang biglang nag slow motion sa akin ang lahat habang pinagmamasdan ko ang gwapong lalaki na naglalakad papasok sa loob ng club. Napakakisig niya, ang pangahan niyang mukha na binagayan ng makakapal niyang kilay, mapipilantik na mga pilikmata at ang napakatangos niyang ilong. Ang bilugan niyang mga mata na nagkukulay berde ay hindi maitatago ang kalamigan nito. Napahinto siya at napatingin sa akin at agad din niyang binawi ang kanyang paningin. Nagsimula ulit siyang maglakad at gumewang-gewang pa ito kaya alam kong lasing na ito. Huminga ako ng malalim at bigla ko siyang nilapitan. Sasamantalahin ko na ito habang lasing ang lalaking ito. "Kuya, kailangan ko po ng isang-daang libong piso upang maoperahan ang kapatid ko kapalit ang katawan ko." ani ko at tuluyan ng nalaglag ang aking mga luha. Habang kausap ko ang gwapong lalaki ay isa pang sasakyan ang pumarada sa tabi ng sasakyan ng lalaking ito. Kung hindi siya papayag ay sa lalaking 'yon ako lalapit. Tinitigan ako ng lalaking kaharap ko at amoy na amoy ko sa kanya ang tapang ng alcohol. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya nakaramdam ako ng panliliit sa aking sarili. Hinawakan niya ang baba ko at iniangat ang mukha ko. Tinitigan niya akong mabuti kaya nagsimulang lumikot ang itim ng mga mata ko. Naamoy ko ang kaniyang hininga at kahit amoy alak ito ay talaga namang napaka-bango at nakakahalina. "Follow me." ani niya. Napakalamig ng kanyang boses, para siyang taong tuod na walang pakiramdam. Ganoon ang nakikita ko sa kanya. Sumunod lamang ako sa kanya sa pagpasok sa loob ng club at muntik pa itong mabuwal dahil sa pagewang-gewang niyang paglalakad. Hinarang ako ng guard pero isang kumpas lang ng kamay niya kahit hindi na siya magsalita ay sumusunod agad ang mga tao sa paligid niya. Isang lalaki ang tinawag niya at itinuro niya ang third floor kaya maging ako ay napatingala. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok nito. Matinding takot ang nararamdaman ko ngayon dahil hindi naman ako masamang babae. Wala pa nga akong karanasan sa pakikipagtalik. Hindi nga rin ako marunong humalik kaya talagang bago ang lahat ng ito sa akin. "Sumunod ka sa akin sa itaas." ani niya kaya para lang akong nagpapatianod sa agos ng buhay. Mag-aalas diyes na ng gabi. Kailangan ko ang pera sa mas lalong madaling panahon. Nakarating kami ng third floor at isang silid na may naka-ukit na initials na AM ang pinasok niya. Nakatayo lamang ako sa pinto dahil pakiramdam ko ay gusto ko ng tumakbo pauwi sa amin pero sa tuwing naiisip ko ang kapatid ko ay napapapikit na lamang ako. "Papasok ka ba o uuwi ka na lang!" ani niya na kahit pumipiyok ay matatakot ka. Napapitlag ako dahil sa gulat sa sobrang lakas ng boses niya. Mabilis naman akong pumasok at isinara niya ang pintuan. "Hospital name." ani niya. Hindi ko maunawaan ang ibig niyang sabihin pero dahil ang tanong niya ay pangalan ng hospital kaya mabilis kong sinabi kung saang hospital naroroon ang kapatid ko. "Name of your brother?" ani niya pang muli. "Eugene Sanchez, twelve years old po." mabilis kong sagot at pagkatapos kong sabihin ang pangalan ng kapatid ko ay may tinawagan siya sa telepono. "I sent you a message; check on that kid in the hospital, and if any actions are required, take that action as soon as possible. Call me back when it's done." ani niya sa kausap niya sa telepono. Pinatay niya ang telepono niya at ibinaba sa isang maliit na lamesa. Hinubad niya ang suot niyang coat habang hindi inaalis sa akin ang kanyang paningin. Hindi ko naman siya magawang tignan dahil natatakot ako sa kanya. Gwapo siya, sobrang gwapo pero ang mga mata niya ay tila ba may madilim na nakaraan. Kakaibang takot ang nakikita ko sa kanyang mga mata kaya hindi ko siya magawang tignan. "Take off your clothes." utos niya. Hindi ako makakilos. Natatakot ako dahil ito ang kauna-unahang beses na gagawin ko ito. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ako masamang babae pero alam ko na hindi naman siya maniniwala sa akin at isa pa ano ba ang pakialam niya kung malinis ako o hindi? Sa tingin ko nga sa kanya ay hindi niya maaalala kinabukasan kung ano man ang mangyayari sa amin ngayong gabi dito. "Maghuhubad ka ba o palalayasin kita rito at hahayaan kong mamatay ang kapatid mo sa hospital?" ani niya na papiyok-piyok dahil sa kalasingan. Nakikita ko ang galit sa kanyang mukha kaya sa takot ko ay isa-isa kong hinubad ang damit ko pero hindi ko ito tuluyang mahubad dahil sa takot ko sa kanya. Kinuha niya ang bote ng alak na nasa maliit na table at tinungga ito na animo ay umiinom lamang ng tubig. Napahawak ako sa aking noo dahil nararamdaman ko ang malamig at butil-butil na pawis dito dahil sa takot ko. Lumapit siya sa akin at hinablot niya ang damit ko na muntikan pang mapunit. Bunuhat niya ako at ibinalibag niya ang maliit kong katawan sa malaking kama. "Te-Teka lang po..." ani ko na nauutal dahil matinding takot na ang umiiral sa akin ngayon. "Bayad ka na dahil ooperahan na ang kapatid mo. Wala ka ng magagawa kung hindi ibigay sa akin ang gusto ko. Ikaw ang lumapit sa akin, ibinenta mo sa akin ang katawan mo kaya wala ka ng magagawa pa!" galit niyang ani at mabilis niya akong pinatungan. Wala na akong nagawa pa kung hindi ang umiyak dahil tama naman siya, ibinenta ko na ang katawan ko sa kanya. Napapikit ako at nagsimulang manginig ang katawan ko lalo na ng marahas niyang hinimas ang katawan ko. Dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko ay hindi na ako makahinga. Nagdidilim ang paningin ko at pakiramdam ko ay papanawan na ako ng ulirat. Itinulak ko siya ng bahagya ngunit napakabigat niya kaya hindi man lang siya natinag. Umiyak ako dahil nagawa kong ibenta ang katawan ko sa isang estranghero. Gustong-gusto ko ng umurong pero hindi ko magawa, nanghihina lang ako hanggang sa tuluyan na nga akong nawalan ng malay. NAGISING na lang ako na sobrang sakit ng katawan ko. Ang pagitan ng aking mga hita, pakiramdam ko ay namamaga. Napatingin ako sa lalaking natutulog na nakadapa sa tabi ko ng walang kahit na anong saplot. Tinitigan ko ang napaka-gwapo niyang mukha, at least kahit sa huling araw na ito ay maiwan sa aking ala-ala ang kaniyang gwapong anyo. Napahagulgol ako at maingat akong bumaba ng kama. Mabilis akong nagbihis at nagtatakbo na ako palabas ng silid na 'yon. Pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko. Hindi na rin ako naiiba sa mga babaeng nagbebenta ng aliw. Madilim pa sa labas, siguro ay nasa mga bandang alas kwatro pa lamang ng umaga, pumara ako ng taxi at nagpahatid na ako sa hospital. Pagkarating ko ng hospital ay malaking katuwaan ang naramdaman ko ng malaman ko na naoperahan na pala ang kapatid ko. "Mamayang hapon ay makakauwi na siya. Wala ka ng dapat alalahanin dahil nabayaran na lahat ng bills ng kapatid mo." ani ng doktor. Ang mga mata ng mga tao sa aking paligid ay sa akin nakatingin. Hindi ko maunawaan kung bakit tila ba pinag-uusapan nila ako. Tumayo ang doktor at may kinuha siyang coat at iniabot sa akin. "Ibalik mo na lang 'yan dito kapag may time ka. Pinag-uusapan nila ang mga marka mo sa katawan at leeg mo." ani niya kaya bigla akong napatayo at pumasok ako ng banyo. Ganuon na lamang ang gulat ko ng makita ko ang hitsura ko. Gulong-gulo ang buhok ko, may mga pula akong marka sa itaas na parte ng dibdib ko hanggang sa aking leeg. Napaiyak ako dahil hindi naman ako inosente at alam ko kung saan ko ito nakuha. Naghilamos ako at isinuot ko ang coat na ibinigay sa akin ng gwapong doktor at saka ako lumabas ng banyo. "Salamat po, babalik na lang po ako mamaya upang sunduin ang aking kapatid at isauli ang coat ninyo." wika ko at patakbo na akong lumabas ng hospital ng tinanguan ako ng doktor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD