( Chapter 8 - May bagong salta sa Pamilyang Ortega )
Red's POV
Pagpasok namin sa restaurant ni mama ay napanganga kami ni Pinky nang makita naming maraming taong kumakain doon ngayon. Akala mo’y fiesta ngayon sa dami ng mga tao. Hinatak ko tuloy agad si Pinky papasok sa kusina.
“Oh, bakit napunta kayo ngayon dito?” gulat na tanong ni mama na abalang-abala sa pagsasandok ng ulam. Halatang pawisan na rin ito.Hinatak ko agad ang dalawang apron na nakasabit sa dingding. Ang isa ay inabot ko kay Pinky at ang isa naman ay dali-dali kong sinuot.
“Sinadya po talaga naming tumungo rito para tulungan ka. Nabalitaan ko po kasi na wala ang dalawa niyong tauhan, saktong-sakto at marami pa lang kumakain ngayon, kawawa po pala kayo rito kung hindi kami nagpunta ni Pinky,” sabi ko.
“Naku, salamat naman at naisipan niyo akong puntahan. Hindi ko rin inaasahan na may darating na maraming tao ngayon. Mga turista sila na galing sa ibang lugar. Parang iskarsyon ata nila at dito sa kuweba ng Soberano Town sila tumungo ngayon,” sabi ni mama habang ang kanin naman ang sinasandok.
“Kaya naman pala,” sabi ko at saka ko na inagaw ang sandok sa kaniya. “Ako na po rito, alamin niyo na lang po ang iba pa nilang order at tiyak na nalilito na ang isa niyong tauhan sa loob—sa pagsulat ng mga order ng mga tao,” sabi ko pa kaya tumuloy na siya sa labas.
Nang tignan ko si Pinky ay nag-uurong na ito ng mga pinggan sa lababo. Marami-rami iyon kaya tiyak na maliliyo siya sa gutom. Kaya ang ginawa ko ay pinagsandok ko na siya ng kanin at ulam. Iniwan ko iyon sa lamesa.
“Kalahati lang muna ang ugasan mo at kumain ka na muna,” sabi ko sa kanya.
“Salamat, Ate Red,” dinig kong sagot niya.
Nang mapuno ko na ng kanin ang mga mangkok ay dinala ko na ito sa labas. Sinalubong naman agad ako ng mga lalaking waiter ni mama.
Nakita ko na tumutulong pala sa pagsasalin ng mga tubig si Papa sa mga taong kumakain doon. Hindi naman siguro mabigat ang trabaho niya kaya alam kong hindi siya mapapagod. Bumalik agad ako sa kusina dahil nakita kong kulang naman sa soup ang mga tao roon. Dali-dali kong hinanda ang mga lalagyan at saka hinilera sa lamesa. Nilipat ko ang malaking kaldero sa lamesa at doon ko nilagyan ng mga soup ang mga maliit na cup.
Hanggang alas dos kami ng hapon tuliro roon. Isang oras pa lang ang nakakalipas ay ramdam ko na agad ang pagod ko. Doon ko napagtanto na mas mahirap pala ang trabaho rito ni mama kaysa sa trabaho ko sa beauty parlor. Dito kasi, pagod ka na, naiinitan ka pa. Sa parlor, kahit mapagod ka, hindi ka maiinitan dahil naka-aircon.
Nang humupa na ang mga tao ay napayakap tuloy ako kay mama. “Napagod ka ba?” tanong nito sa akin.
“Ganito po pala kahirap ang work niyo. Dapat po pala na dalhin ko kayo sa masayang lugar para kahit pa paano ay nakakapag-relax kayo,” sabi ko sa kanya kaya napangiti ito.
“Sige ba, hindi ko tatanggihan ‘yan. I-set na agad natin ‘yan,” sagot niya habang tila na-e-excite sa sinabi ko.
“Ang sarap ng sinigang na baboy, puwede pa po ba akong dumukot pa ng isang sandok na sabaw?” paalam ni Pinky kaya nahinto kami sa paghuhunta.
“Nagpapaalam pa ito, kumuha ka na lang diyan,” sagot ni mama at saka na ito bumalik ulit sa loob ng kusina.
Pumunta naman ako sa mga lamesa na pinagkainan ng mga tao para tulungan ang mga waiter na maglinis doon. Dinala ko sa lababo ang mga nakuha kong malilibag na kasangkapan sa lamesa. Oras na para si Pinky na ang gumalaw. Masisiyahan siya dahil marami-rami siyang lilinising plato, baso, kutsara at tinidor.
Paglabas ko sa kusina ay isang guwapong lalaki ang bigla kong nakitang pumasok sa restaurant namin. “May pagkain pa ba?” tanong niya sa akin.
Sa sobrang guwapo nito ay naihawi ko tuloy ang buhok ko papunta sa likod ng tainga ko. Matangkad siya, kulot ang buhok, bilog ang mukha, matangos ang ilong at moreno. Ganitong-ganito iyong madalas magpatibok ng puso ko. Mukha pa siyang inosente. Bata pa ata, eh. Pero mukhang batak ang katawan niya sa trabaho dahil pang-hot daddy ang katawan niya. Siya siguro iyong masasabi ko na matured ang katawan, pero baby face.
“Mayroon pa. Kakain ka ba?” Hindi pamilyar ang mukha niya. Parang ngayon ko nga lang nakita ang mukha niya.
“Oo, nagugutom na kasi ako sa kakahanap ng bahay,” sagot niya kaya in-assist ko na siya. Dinala ko siya sa may malinis na lamesa.
“Lilipat ka? Bagong salta ka ba rito sa Soberano Town?” Tumango siya.
“Taga-Manila ako. Ayoko na roon dahil sawa na ako sa sobrang paghihigpit ng mga magulang ko. Gusto ko nang maging malaya,” sabi niya at bakas sa mukha nito ang pagiging malungkot dahil habang nagsasalita siya ay mamasa-masa ang mata nito.
“Anong kakainin mo? Mag-isip ka na at mamaya ay sasamahan na lang kitang maghanap ng bahay dito dahil hindi maganda ang trato ng mga ka lugar ko sa gaya mong dayo,” sabi ko sa kanya kaya napangiti ito. Kung hindi siya guwapo ay hindi ko talaga siya tutulungan. Charot!
“Salamat, ha! Anyway, ano pa ba ang available ninyong ulam?” tanong niya.
“Sinigang na baboy, menudo, tinolang manok at saka pinirito na daing na bangus,” sagot ko.
“Isang kanin lang, tapos, bigyan mo ako ng menudo at kung maaari ay makikihingi na rin ako ng free na sabaw ng sinigang na baboy. Pasensya ka na, nagtitipid kasi ako at hindi ko kasi alam ang halaga ng mga bahay dito. Baka, hindi ko kayanin eh,” sabi niya kaya bigla naman akong naawa. Nang makuha ko na ang order niya ay ako ang nag-ready ng pagkain niya. Una kong sinandok ang kanin. Palihim ko iyong dinagdagan dahil mukhang gutom ang lalaking ‘yon. Isa lang kasi ang order niyang kanin. Nagtitipid nga ito. Una kong sinandok ang menudo niya na dinagdagan ko rin. Sunod ang sabaw ng sinigang na baboy na palihim ko ring nilagyan ng gulay at malaking baboy. Ako na lang din ang palihim na magbabayad kay mama, mamaya para hindi na mahirapan ang lalaking iyon na tila kailangan ng hot mama na gaya ko. Charot ulit!
Ako na rin ang nagdala ng mga pagkain niya. Kahit bigat na bigat ako sa tray na dala-dala ko ay nilaban ko ‘yon para lang maka-awra pa rin ako sa kanya. Sorry na lang sa mga bakla ng Soberano town dahil nauna na ako rito kay Baby Boy. Hindi ko na ito pakakawalan.
Paglapag ko ng tray sa lamesa niya ay agad na niyang kinuha ang pagkain niya. “Kumain ka na at mukhang gutom na gutom ka na,” sabi ko sa kanya kaya sinuklian naman niya ako ng maganda niyang ngiti.
“Salamat po, Ate Ganda,” sabi niya kaya napakagat labi ako. Ate Ganda talaga?
Pabalik na sana ako sa kusina nang bigla niya akong tawagin. “Ate Ganda?” Lumapit tuloy agad ako sa kanya dahil naamoy kong bet niya rin ako.
“Bakit, Baby Boy?” tanong ko naman agad.
“Bakit po parang isang order na itong sinigang na baboy? Ang sabi ko po ay sabaw lang, ha? Wala po akong maibabayad dito kaya binabalik ko na lang po,” sabi niya.
“Naku, sinadya ko talaga ‘yan. Huwag ka na lang din magulo at ako na ang magbabayad ng pagkain mo dahil mukhang walang-wala ka nga,” sabi ko sa kanya kaya nakita kong napangiti ko siya. Ang guwapo talaga.
“Salamat po ulit, Ate Ganda,” sagot niya at nag-umpisa na itong kumain. Nang tignan ko siya kung paano kumain ay halatang-halata na kahapon pa ito walang kain. Sigurado ako na sobrang haba nang nilakbay niya. Sa tingin ko ay kung saan na lang siya binaba ng bus ay doon na lang ito bumaba. Suwerte siya at dito siya napadpad sa akin. Pagbalik ko sa kusina ay nakita kong pawis na pawis na si Pinky. Sa awa ko ay tinulungan ko na siyang magbanlaw ng mga plato.
“Kawawa kang tignan, ganiyan ang napapala ng mga inom nang inom, pero hindi naman kaya,” sabi ko sa kanya. Kapag wala kasi siyang hangover ay mabilis itong gumalaw. Ang isang katutak na urungin sa kanya ay saglitan lang sa kanya kapag maayos ang pakiramdam niya.
“Sorry na,” paulit-ulit niyang sabi.
“Mauuna akong aalis at may tutulungan lang ako na tao,” paalam ko sa kanya.
“Sige lang, kami nang bahala rito. Paubos naman na rin ang mga pagkain. Sabi ni mama ay magsasara na rin siya mayamaya,” sagot niya sa akin.
Umaga at tanghali lang kasi open ang restaurant na ito. Hindi ko na pinapayagang magbukas sa gabi si mama dahil maraming lasing kapag gabi. Minsan, napapahamak siya at hindi nababayaran sa sobrang kukulit ng mga lasing. May minsan na muntikan pa siyang mabaril ng isang lasing na gangster. Nang malaman ko ‘yon ay nangilo ako at nagalit talaga.
Pagkatapos naming mag-ugas ng mga kinainan ng mga tao ay nag-ready na ako. Pero bago ako tuluyang umalis sa restaurant namin ay palihim ako naglagay ng 200 pesos sa lalagyanan ng pera ni mama. Bayad iyon sa kinain ni Baby Boy.
Nadatnan ko si Baby Boy na nag-aabang sa labas ng restaurant namin. Nang makita niya ako ay sinalubong niya ako nang maganda niyang ngiti. Bitbit na nito ang isang sako. Mukhang doon nakalagay ang mga damit at gamit niya. Naawa tuloy ako lalo.
“Teka nga, bago tayo maghanap ng tutuluyan mo. Magkano muna ang budget mo?” tanong ko sa kanya. Napakamot naman agad ito ng ulo. Tila nahihiya siyang sabihin kung magkano na lang ang pera niya.
“Nakakahiya mang sabihin ay 500 na lang kasi ang pera ko,” sabi niya kaya nalaglag ang panga ko.
“Jusko, iho, wala ng 500 pesos na bahay sa panahon ngayon. Ang bahay na ngayon ay mahina na ang 1,500 pesos kada-buwan,” sabi ko kaya nakita kong nalungkot siya.
“Delivery boy lang kasi ako ng bigas dati sa amin, minsan pumapasok naman akong construction worker kapag may malapit na bahay na nagpapagawa sa amin. Ang 80 percent na sahod ko ay kay papa napupunta at 20 percent na lang ang natitira sa akin. Minsan nga ay walang natitira sa akin kapag lasing si papa. Binubugb*g niya ako para kuhanin lahat ng pera ko. Wala namang pakelam ang mama ko kahit nakikita niyang ginugulo ko ni papa. Gusto pa nga ata nito ang ginagawa sa akin ni papa kaya lumayas na talaga ako sa amin. Tignan ko na lang ngayon kung hindi sila mamatay sa gutom.” Napapangiwi ako sa kuwento niya. Kaawa-awa naman pala talaga ang taong ito.
“Hindi bale, pahihiramin na lang kita,” sabi ko kaya nakita kong nabuhayan na agad siya ng loob.
“Salamat po, Ate Ganda. Promise ko naman po sa inyo na kapag nagkaroon ako ng trabaho ay babayaran ko po kayo ka agad ang utang ko,” sabi niya kaya nag-umpisa na kaming maglakad. Hindi ko na rin siya ilalayo dahil ang ganitong mabait na tao ay madaling maloko. Tamang-tama, walang nakatira ngayon sa lumang bahay na dati naming tinirahan nila mama. Sarado iyon at nakakandado. Dati namin pinapaupahan iyon. Maarte ang mga tao dahil kapag nakikita nila ang loob nito ay hindi na nila tinatanggap. Masyado na raw pangit iyon eh, sa nakikita ko naman ay kayang-kaya naman iyong pagadahin pa.
Doon ko na lang patutuluyin si Baby Boy para malapit lang din siya sa akin. Maganda na rin ito para may kasama na rin kaming lalaki sa bahay. Sakop na rin naman ang maliit na bahay na iyon ng gate namin. Kadikit na kadikit lang iyon ng bahay namin.
“Hindi ka naman maarte?” tanong niya.
“Hindi. Kahit anong hilingin mo sa akin ay papayag ako. Kahit ayain mo pa ako ng s*x ay okay lang, mabait ka naman at maganda kaya ayos lang sa akin,” sabi niya kaya nalaglag ang panga ko. Ewan ko ba, nang makita kong parang kasing tanda lang ito ni Pinky ay hindi ko na siya pinagnasahan pa. Kapag alam ko kasing mabait ang isang tao ay ginagalang ko na rin ito. Tao kung tignan niya ako kaya tao ko rin siyang tuturingin ngayon.
“Ano ka ba, walang ganoon, Baby Boy. Hindi ka dapat matuto sa mga ganoong maling gawain. Isa pa, kapag narito ka na ay umiwas-iwas ka sa mga bakla at maraming malalandi rito,” pangaral ko sa kanya kaya nahiya siya bigla. “Mali ang pagkakaintindi mo. Kaya kita tinanong kung maarte ka ba ay dahil sa katabing bahay namin ay may bakanteng bahay. Dati kaming nakatira roon. Doon na lang kita patutuluyin para libre na ang bahay mo. Maging masipag ka na lang sa buhay mo para mas makahanap ka ng magandang bahay,” sabi ko sa kanya kaya bigla itong napayakap sa akin.
Nakakatuwa siya. Ganoong pa man ay nakakakiliti ang mga muscle niya kapag nadidikit sa akin. Mukhang batak na batak nga ang katawan nito sa mabibigat na trabaho kaya ganitong kaganda ang katawan niya. Kahit mukhang bata pa tuloy ang mukha niya ay parang pang-hot daddy na talaga ang katawan niya. Huwag nga lang akong tatamaan ng lib*g at hindi ko talaga mapipigil ang sarili ko na harutin siya. Charot!
Seryoso. Aalagaan ko ang isa ito. Ituturing ko siyang isang tunay na pamilya para makita niya na hindi lahat ng tao ay masama, para maranasan niya ang ganda ng buhay na hindi niya naranasan noon sa pinanggalingan niya.
Welcome to Ortega family, Baby Boy.