Chapter 1

1128 Words
Ang bait sa 'kin ni Kuya Christian. Napagalaman ko na dalawampu’t anim na taong gulang na pala siya at nagta-trabaho bilang isang Civil Engineer sa ginagawang kalsada malapit sa bayan. Tatlong araw na ako dito sa apartment niya. Binilhan pa niya ako ng mga damit noong nakaraang araw. Hindi nga lang kami masyadong nag-uusap dahil palagi siyang abala sa trabaho. Minsan ay gabi na kung umuwi siya. Nahihiya naman ako na makipagkwentuhan sa kanya. Kahit na, sa totoo lang, gusto ko siyang makilala. Napaka misteryoso kasi ng dating niya. Tila ba ang dami niyang itinatagong sikreto. Ayaw ko naman magtanong na lang basta basta dahil baka isipin niya na masyado akong nanghihimasok sa personal niyang buhay. Kagabi, pinag luto ko siya ng adobo. Ngunit nang tingnan ko ito kaninang umaga, hindi man lang nagalaw ang niluto ko para sa kanya. Siguro’y nag hapunan na siya kaya hindi na niya iyon kinain. Kanina ko pa siya hinihintay pero hanggang ngayon ay wala pa siya. Gusto ko sana siyang kausapin para makapagpaalam na bibisita ako sa bahay namin bukas. Alam ko naman na hindi pa ligtas ang pagbalik ko doon dahil baka mahanap ako ni nanay. Pero nag-aalala rin kasi ako kay tatay at sa mga kapatid ko. Baka binalikan sila ni nanay at nung dalawang lalaking manyak. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sakanila. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pintuan. Tumayo agad ako mula sa sofa na kinauupuan ko. Nandito na si Kuya Christian. Tiningnan lang niya ako pagpasok niya. Hindi na gano’n katuwid ang paglalakad niya kaya naman nilapitan ko siya para alalayan sa paglalakad. "Kuya… anong nangyari sayo?" Nilagay ko ang isang braso niya sa balikat ko para mas maalalayan siya. "Oh! Hi Hazel! Gising ka pa pala," Patawa-tawang sabi niya. Inamoy ko siya ng bahagya. Nakainom ata siya dahil amoy alak siya. Inalalayan ko siya at pinaupo sa sofa. "Kuya, d'yan ka lang. Magtitimpla ako ng kape para mahimasmasan ka."  Nagtungo agad ako sa kusina para gawan siya ng kape. Pagbalik ko, ganun pa rin ang ayos ni Kuya Christian. Nakayuko siya habang nasa mukha ang dalawang kamay. Ngayon ko lang napansin na magulo ang buhok niya. Pati na rin ang suot niya, medyo lukot na ito. Umupo ako sa tabi niya. "Kuya, kape oh. Inumin mo muna."  Tinanggal niya ang mga kamay na nakatakip sa kanyang mukha nang marinig niya ‘ko. Nginitian pa niya ako ng tipid. Kinuha niya ang kape at inimon 'yun. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Ang lungkot ng mga mata niya. Parang kakagaling lang niya sa pag iyak. Ang itim din ng paligid ng mga mata niya. Para siyang laging puyat o walang tulog. Nilapag niya sa mesa ang tasa ng kape pagkatapos niya itong inumin. Tumungin siya sa akin. Nag ayos ako ng upo at iniwas ang mga mata kong nakatitig sa mukha niya. "I love her," malungkot na bulalas ni Kuya Christian.   Tumingin ulit ako sa kanya. Umiiyak na siya. Tuloy tuloy sa pag agos ang luha mula sa kanyang mga mata. Kahit na wala ako sa posisyon niya, ramdam ko ang sakit na dinadanas niya. Nasasaktan siya dahil sa isang babae. Ngayon alam ko na kung bakit madalas siyang tahimik at mailap. Naiintindihan ko na kung bakit gusto niya palaging mag-isa. May pinagdadaanan pala siya. May kinuha siya mula sa bulsa ng kanyang pantalon. Isang kwintas na may puso at susi. Inilahad niya ito sa harapan niya, pinagmasdan ito atsaka tumawa ng tipid. "Puso ko ‘to pero binalik nya sa 'kin three years ago. K-kasi hindi na niya ako mahal. May mahal na siyang iba…" mas lalo kong naramdaman ang sakit na nararamdaman niya nang sabihin niya iyon. Ibig sabihin, minahal niya ng husto ang babaeng 'yun pero nawala ang pagmamahal ng babae sa kanya dahil nagmahal ito ng iba? Bakit niya nagawang iwan si Kuya Christian? Kahit na ilang araw ko pa lang siyang kilala, alam kong mabuti siyang tao. Hinalikan niya ang kwintas. Umiiyak pa rin siya. Hindi ko alam kung ano nga ba ang gagawin ko. Gusto ko siyang damayan. Gusto kong sabihin niya sa ‘kin ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Gusto kong malaman kung ano nga ba ang nasa isip niya. Kung pwede ko lang siyang tulungan para suklian ang kabaitan na ginawa nya sa'kin, ginawa ko na. Ngunit alam ko naman na hindi ganun kadali ‘yun. Habang mahal niya ang babaeng sinasabi niya ay patuloy pa rin siyang masasaktan. Pinunasan ni Kuya Christian ang mga luha niya. Binulsa niya na ulit yung kwintas atsaka tumingin sa 'kin. "Pasensya ka na. Nakita mo ang kadramahan ko. Gusto ko lang ng may mapagsasabihan. Pakiramdam ko kasi, nababaliw na ‘ko kapag ang sarili ko ang kausap ko araw araw..." Tumango ako. "Ayos lang, kuya."  "She said I need to be happy. Pero paano ko gagawin ‘yun? Siya lang naman ang magpapasaya sa 'kin... ang hirap magpanggap na hindi ako nasasaktan sa harapan niya. But deep inside... I'm already dying. Bakit... ba’t hindi na lang kasi ako mamatay para tapos na ting nararamdaman kong sakit." "Huwag mo ngang sabihin yan, kuya. Hindi dahil nawala siya sa ‘yo ay hihilingin mo nang mamatay ka na. Ang daming taong may sakit ang hinihiling na mabuhay ng matagal, pero ikaw gusto mong mawala agad? Paano na lang ang ibang nagmamahal sa ‘yo?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na sabihin iyon sa kanya. Naging seryoso ang tingin nyia sa'kin. Yumuko lang ako. Ayaw ko lang kasing naririnig ang ganung bagay. Ang dami pa naman kasing pwedeng mangyari sa buhay niya. Malalampasan naman kasi niya ito. Iniisip lang niya na hindi niya kaya kaya nagkaka ganyan siya. Pero kung tatanggapin niya ng buo na hindi na siya babalikan ng taong mahal niya, maghihilom na ang sugat niya. "I want to stop the pain... b-but I can't. I love her."  "Tutulungan kita." Hindi ko alam kung saan naggaling ang lakas ng loob ko para sabihin ito sa kanya. Nag angat ako ng tingin. Sinalubong ko ang mga mata niya. Gusto kitang tulungan, Kuya Christian. Gusto kong makita ang totoong ngiti sa mga labi mo. Gusto kong makita ang mga mata mo na kumikislap dahil sa saya hindi dahil sa mga luha. Hayaan mo lang akong gawin yun, Kuya Christian. "Don't do that, Hazel. Kaya ko 'to..." Umangat ang sulok ng kanyang labi. Binigyan na naman niya ako ng pekeng ngiti. "Magpanhinga ka na. Salamat sa pakikinig," Tumayo na siya. Muntik pa siyang matumba kaya agad ko siyang dinaluhan. Ngumuti ulit siya pagkatapos ay pumasok na sa banyo. Napabuntong hininga na lang ako nang makapasok na siya doon. "Tutulungan pa rin kita, Kuya Christian. Kahit tumanggi ka…" mahinang bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD