Chapter 2

2143 Words
"Hazel.. Gusto mo bang sumama sa akin mamaya? Para naman makalabas ka rito," sabi bigla ni Kuya Christian habang nagwawalis ako dito sa sala. Huminto ako sa ginagawa at hinarap siya. "Saan tayo pupunta, kuya?" "Samahan mo akong mag grocery…" ngumuti siya sa akin at itinuon ulit ang atensyon nya sa laptop niya. "Uhm, sige po," sagot ko na lang at pinagpatuloy na rin ang ginagawa. Wala pa ring nagbabago kay kuya Christian. Mailap pa rin talaga siya. Kung kakausapin man niya ako, masyadong mabilis lang. Agad din itong matatapos. Kaya paano ko nga ba siya matutulungan kung ganyan siya palagi? Humahanga talaga ako sa kanya dahil kahit na nasasaktan na siya, minamahal pa rin niya ang babaeng nanakit sa kanya. Ako, pinapangarap ko na may magmahal din sa akin. Kaso isinasantabi ko na muna ang ganyang bagay. Mas kailangan kong ituon ang atensyon ko sa mga kapatid ko pati na rin kay tatay. Makakapaghintay naman kasi ang pag ibig na ‘yan. Darating din yan sa tamang oras. Kaninang umaga, maaga akong nagising. Tumungo ako sa bahay namin. Nakausap ko si tatay ngunit mabilis niya akong pinaalis. Ang sabi niya’y huwag muna akong umuwi sa amin dahil hindi pa ‘ko ligtas. Hindi kami nakapag-usap ng maayos ni tatay. Ang sabi lamang niya, manatili muna ako kung nasaan man ako para hindi ako mahanap ni nanay. Kaya lang, hindi ko pa rin talaga maiwasan na hindi mag-alala sa kanya at sa mga kapatid ko. Naunang maligo sa akin si kuya Christian. Habang hinihintay ko siyang matapos, inayos ko na muna ang mga gamit niya. Ang dami dami nyang ginagawa. Mukhang abala talaga siya sa trabaho niya. Napangiti ako nang makita ang isa sa mga ID niya. Nakalapag kasi ito sa mesa. Kinuha ko ito at binasa ang buong pangalan niya. Christian Edward Z. Arevalo. Ang ganda ng pangalan niya. Tunog pa lang, pang mayaman na talaga. Tinuloy ko na ulit ang pagliligpit ng iilang mga gamit niya. Umilaw ang kanyang cellphone kaya napatingin ako doon. Mabilis din naman na namatay ang ilaw pero pansin ko na 'yung wallpaper niya ay isang babae na nakatagilid habang nakangiti. Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya dahil malabo ang pagkakakuha nito. Siya siguro ang dating kasintahan na sinasabi niya. Ilang sandali pa ay lumabas na sa banyo si Kuya Christian. Tapos na siyang maligo. Tulad ng inaasahan ko, tahimik na naman siya. Hindi niya ako kinikibo dahil wala naman siyang importanteng sasabihin. Tumuloy na lang din ako sa banyo at mabilis na naligo. Nakakahiya naman kasi kung paghihintayin ko pa siya. "Saan mo gustong pumunta pagkatapos nating  mag grocery?" Tanong ni Kuya Christian habang nasa kalagitnaan kami ng byahe. Medyo nagulat pa ‘ko nang magsalita siya. Ang akala ko kasi, hindi na naman kami magkikibuan hanggang mamaya. "Ikaw ang b-bahala kuya…" Natawa siya ng bahagya. Nilipat ko ang tingin sa kanya. Nakatingin siya sa daan ngunti may ngiti sa kanyang labi. "You know what… stop calling me kuya. Pwede mo naman akong tawagin sa pangalan ko eh. Hindi naman ako magagalit." "Pero—" "Huwag mong iparamdam sa akin na matanda ako sa 'yo," aniya at tumawa ulit. Yumuko na lang ako at kinagat ang ibabang labi. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa ‘yun, pero parang bumilis ang pintig ng puso ko nang makita siyang tumatawa. Totoo kasi ang tawa niya ngayon. Hindi tulad ng mga nauna. Napaisip tuloy ako na baka may nangyaring maganda kaya siya naging masaya ngayon. Palihim kong pinagmasdan si Kuya Christian habang nasa grocery store kami. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya dahil sa ngiting nakapinta sa mukha niya. Gusto kong malaman kung ano ang nasa isip niya ngayon. Pero… ano ba ang karapatan kong itanong ‘yun sa kanya? Tinutulungan lang niya ako. Dapat ay alam kong ilugar ang sarili ko. "Uhm, gusto mo bang matikman ang luto ko?" bumaling siya sa ‘kin. Natigilan ako at mabilis na tinggal ang tingin sa kanya. Mabuti na lang at hindi niya napansin na panay ang titig ko sa kanya simula kanina. "I-ikaw ang bahala, kuya…" Nagbaba ako ng tingin at pinaglaruan ang aking mga daliri. "Okay. I'll cook. Matagal na din akong hindi nagluluto," tumalikod na siya at nagsimula na ulit mamili. Tahimik lang akong nakasunod kay Kuya Christian hanggang sa matapos kami sa pamimili. Nang makabalik kami sa apartmeht niya, ganun pa rin ako, tahimik lang. Hindi kami nag uusap dahil tahimik din naman kasi siya. Isa pa, wala rin naman akong alam sabihin o i kwento para may mapag usapan kami. Ilang araw na kaming magkasama pero mabibilang lang sa daliri kung ilang beses na ba kaming nag usap. Minsan, sobrang bilis pa ng mga pag uusap na ‘yun. Siguro pinakamatagal na yung pag uusap namin kagabi. Medyo nakainom kasi siya kaya humaba ang usapan namin. "Hazel, come here. Samahan mo ako." Nagulat na naman ako nang magsalita si Kuya Christian mula sa likuran ko. Maglalakad na kasi sana ako palayo dahil ang akala ko'y siya na lang mag isa ang magluluto. Baka kasi hindi siya kumportable sa presensya ko kaya naisipan kong iwan na muna sana siya. Humarap ulit ako sa kanya. Hindi pa rin makatingin ng maayos. "S-sige.."  Binalikan ko ang mga pinamili namin sa mesa at isa isang inilabas ang mga iyon. Si Kuya Christian naman ay nasa tabi ko. Halos manlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hinubad ang kulay itim na t-shirt niya. Napalunok ako bigla. "I hope you don't mind. Mas sanay kasi ako na magluto ng walang damit."  Tumango lang ako. Hindi ko siya tinignan. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa. Umalis rin naman sa tabi ko si Kuya Christian. Pumunta siya sa may lababo at binuksan ang gripo para hugasan ang mga kamay niya. Sinulyapan ko siya habang nakatalikod sa ‘kin. Grabe, ang laki ng katawan niya. Mukhang sanay na sanay siya sa mabibigat na trabaho. Napalunok ulit ako. Iniwas ko na ang tingin sa kanya. "Hazel, paabot naman ng manok," tawag ni Kuya Christian. Sakto naman at tapos na ako sa paglalabas ng mga pinamili namin. Dinampot ko agad ang manok at inabot ito sa kanya. Hindi ko pa rin siya matingnan ngt maayos. Dahil bukod sa nahihiya ako, wala siyang suot na damit. Hindi ako sanay na makita siyang ganito. "You're looking away. Why?" Mukhang napansin na yata niya na hindi ko siya tinitingnan kanina pa. Kung hindi ako nakayuko, sa ibang direksyon naman ako nakatingin. Iniiwasan ko talagang magtagpo ang mga mata namin. Dala yata ito ng sobrang kahihiyan sa hindi ko rin naman malaman na dahilan. "W-wala… wala lang..." mabilis ko siyang sinulyapan. Lumapit ako sa kanya at idinirekta ang mga mata ko sa hawak niyang manok. "Ano pala ang lulutuin mo? Para maihanda ko na lang ang mga gagamitin," pag-iiba ko sa usapan. "Tinola." Tinanguan ko lang ulit siya at inihanda na ang mga kakailanganin niya. Ayan na naman ang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa. Napaka misteryoso talaga ni Kuya Christian. May pagkakataon na bigla na lang syang magsasalita. Pero madalas, tikom ang bibig niya. Kaya wala… wala talagang usapan. "Ahh! Fck!" Sigaw niya bigla, kaya naman tarantang lumapit ako sakanya. "Anong nangyari?"  Umiling siya at natatawang tiningnan ang kamay niya. "Napaso lang ako. But I'm okay…" hahawakan ko sana ang napaso niyang kamay pero pinigilan ko ang sarili kong gawin iyon. Bumalik na lang ulit ako sa ginagawa. Tahimik na ulit kami hanggang sa matapos si Kuya Christian sa pagluluto. Wala man akong masyadong ginawa, dahil siya ang nagluto ng lahat. Taga abot lang ako ng mga kailangan niya. Kaya naman ako na ang nag-ayos ng mesa. "Let's eat," ani Kuya Christian nang nakahain na ang lahat sa mesa. Tumango ako at tahimik na tumabi sa kanya. Kinuha niya ang kaninang t-shirt at muling isinuot ‘yun. Mabuti naman. Ang akala ko kasi ay kakain siyang walang damit. "Ang tagal ko na ring hindi nagluluto," kwento nya bigla habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. "Ahh. Kailan ka ba huling nagluto?" Tanong ko. Unti unti ay napawi ang ngiti sa labi nya. Lumungkot ito. Alam ko na... Bakit ko pa kasi tinanong? "Sorry. Hindi na dapat tinanong."  "It's okay. Tara, kain na lang tayo." Hindi na kami ulit nagkibuan pa. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Naisip na naman niya ang babaeng mahal na mahal niya. Pakiramdam ko tuloy ngayon, bawat tanong ko ay magkakaroon na ng koneksyon sa kanya at sa babaeng mahal niya. Natatakot na tuloy akong magtanong pa. Ako na ang nagpresintang maghugas ng mga plato pagkatapos naming kumain. Hinayaan lang naman niya ako. Malungkot na naman siya. Nakokonsensya tuloy ako. Hindi ko naman sinasadya, pero dahil sa tanong ko, malungkot na naman si Kuya Christian. Dumiretso agad ako sa sala pagkatapos kong hugasan ang mga plato. Naabutan ko si Kuya Christian na nilalaro ang kwintas na ipinakita niya sa akin kagabi. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. "Uhh… sorry talaga. Hindi ko sinasadya na itanong—" Natigilan ako sa pagsasalita nang tingnan niya ‘ko. "Ayos lang ‘yun. Wag ka ng magsorry dahil wala ka namang ginawang mali. Nalulungkot lang talaga ako kapag naaalala ko siya..." bumalik ang tingin niya sa kwintas. "Huwag ka ng malungkot…" bigla na lang lumabas ang mga salitang yan sa bibig ko. Hindi ko kayang nakikita syang malungkot. Kung sakali kaya, pwede akong pumasok sa buhay niya para lang malaman ang lahat? Para malaman ko kung paano ibalik ang mga ngiti niyang madalang lang niyang ipakita? Gusto kong malaman kung paano ulit siya mapasaya. Ngunit… Alam kong masyadong imposible ang hinihiling ko. Hindi dapat ako maghangad ng ganun. Nilagay ni Kuya Christian sa mesa ang kwintas at muli akong tiningnan. "Gusto mo ba akong marinig na kumanta?" Nagulat man, tumango pa rin ako. Nagsimula nag kumanta si Kuya Christian. Nakatuon ang buong atenayon ko sa kanya. Wala siyang kahit na anong instrumentong gamit pero sapat na ang malamig at maganda niyang boses para makuha ang atensyon ko. We'll do it all Everything On our own Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? Ano ba itong nararamdaman ko? Kakaiba. Ngayon ko lang naramdaman. If I lay here If I just lay here Would you lie with me and just forget the world? Nakatuon ang mga mata ni Kuya Christian sa ‘kin sa bawat bigkas niya ng lyrics. Kinikilabutan ako sa paraan ng pagtitig niya. Bakit nangungusap ang mga mata niya? Tila ba marami siyang gustong sabihin sa akin pero hindi niya magawang i-kwento ang lahat ng pinagdaanan niya. Forget what we're told Before we get too old Show me a garden that's bursting into life Kahit na tapos na ang kanta ay parang naririnig parin ng mga tainga ko ang boses niya. "You like it?" Tanong niya na siyang nagpakurap at nagpabalik sa akin sa realidad. "Ang ganda ng boses mo..." ‘yun lang ang tanging salita na nailabas ng bibig ko. "Thanks, Hazel…" yumuko siya. Huminga ako ng malalim at naglakas loob na hawakan siya sa balikat."Hindi ka pa ba napapagod?" Nag angat ulit siya ng tingin. "H-ha?" Nagtatakang tanong niya. "Mahalin ang taong hindi ka na mahal?" Natawa siya ng bahagya at umiling. Nakatitig pa rin kami sa isa'tisa. "Hindi. Kahit kailan… hindi." "Kahit hindi ka na niya mahalin pabalik? Kahit may mahal na siyang iba?" "Ganyan talaga kapag mahal mo ang isang tao. Lalaban ka… kahit alam mong talo ka na talaga."  Tinanggal ko ang kamay ko sa balikat niya. Ako naman ngayon ang napayuko. May pupuntahan pa ba ang usapan namin na ito? Kahit na anong sabihin ko, ang mga sagot niya ay magiging paulit ulit lang. Iikot lang ang mundo niya sa babaeng mahal niya. Hindi ito iikot sa iba… "Pero…" napa angat ulit ako ng tingin nang dugtungan ni Kuya Christian ang sinasabi niya. Nakatitig pa rin siya sa ‘kin. "Sinusubukan ko namang magmahal ulit. But, I guess, I'm still scared I might fall to the wrong person again." "Paano kung nandyan na pala yung tamang tao pero akala mo maling tao siya kaya binabalewala mo?" "I don't know," nagkibit balikat siya. "Naranasan mo na bang magmahal?" "Hindi pa… pero nakikita ko na pagmamahal ang dahilan kung bakit nagiging masaya ang isang tao." "At ito rin ang magiging dahilan kung bakit ito masasaktan at iiyak ng paulit ulit," dagdag niya sa sinabi ko. Napabuntong hininga na lang ako. "Maniwala ka lang. Magiging masaya ka ulit dahil sa pag ibig." Tumuwid ang tingin nya sa mga mata ko. Tila nililunod ang pagkatao ko sa paraan ng pagtitig niya. "Really?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Halos maramdmanan ko na ang pag hinga niya sa mukha ko. "Then, make me believe again..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD