chapter 1

532 Words
"Rose, nandiyan na si Don Germio... Bilisan mo na riyan, nandoon na lahat ng mga bata," excited na tawag sa'kin ng kaibigan kong si Ellie. Si Don Germio ay ang pinakamayamang sponsor ng Angels Home na bahay ampunan kung saan kami lumaki ni Ellie. Sa edad na 17 ay tumutulong kami sa ampunan sa kahit na anong kaya naming itulong habang nag-aaral din kami sa college. Ang ampunan din ang tumulong sa amin upang makakuha ng scholarship. Malaki ang utang na loob ko kay Mother Layana ang namumuno ng Angels Heaven. Parang nanay na naming lahat si Mother Layana at ang tinuturing namang Tatay ng lahat ay si Don Germio. Naiiba siya sa lahat ng mga nagbigay donasyon sa ampunan dahil di lang pera ang idini-donate niya kundi pati oras at sinserong pagmamahal sa mga batang kapus palad. Pero... nitong mga nakaraan, parang may napapansin ako sa mga ngiti ni Don Germio. May lumbay sa mata nito tuwing ngumingiti ito. May problema kaya ito? Matanong nga mamaya at baka may maitulong ako. Kawawa naman ang Don kung may problema itong dinadala tapus walang mapagsabihan dahil mula noong mamatay ang anak nitong si Ma'am Michelle ay wala na itong kasakasamang dumalaw sa bahay ampunan. Sayang nga iyong anak nito, sobrang bait at ganda pero maagang namatay dahil sa aksidenti. Pero balita ko ay may anak daw ito sa asawa nitong kasabay nitong namatay sa aksidenti. Kawawa naman ang apo ni Don Germio katulad din naming maagang naulila pero maswerti pa rin ito dahil may Lolo itong katulad ng Don. "Rose...kumusta ka na iha?" masayang salubong sa akin ng Don nang makita ako nito. " Heto po, nagtitiis pa rin sa sobrang ganda," kibit balikat kong sagot na ikinatawa nito. " Di ka pa rin nagbabagong bata ka, makwela ka parin." " Kayo po? Kumusta po kayo?" Biglang natigilan ang Don sa tanong ko. Biglang lumungkot ang mga ngiti nito. " Naalala mo ba iyong naikwento ko sayong anak ni Michelle... si Xavier Jean? Namomroblema ako sa kasutilan ng batang iyon," pabuntunghininga nitong kwento. "Araw araw na lang kung anu-anong gulo ang pinapasok. Mas marami pa sigurong attendance iyon sa presinto kaysa eskwelahan!" patuloy na kwento ng Don. "Sana kung buhay pa ang ina ng batang iyon ay siguro hindi ganun katigas ang ulo ng isang iyon. Sana may taong papayag na magbantay sa batang iyon upang kahit naman papano ay mabawas-bawasan ang kalokohan nito." " Bakit po di kayo kumuha ng tagabantay para sa kanya?" "Marami na akong nakuha , yun nga lang lahat sila sumuko.Walang tumagal sa ugali ng batang iyon." "Kung gusto n'yo po ako na lang!" Ooops! Teka! Nasabi ko ba talaga iyon? Gusto ko sanang sabihing joke lang kaso biglang umaliwalas at nagliwanag ang mukha ng Don! Paktay tayo niyan! Mapapasubo yata ako nito. Hindi ko pwedeng bawiin ang sinabi ko dahil nakita ko ang kislap ng kasiyahan sa mga mata ng Don. Wala naman sigurong kaibahan ang pagbabantay ko sa mga pasaway na bata dito sa ampunan at ang pagbabantay na gagawin ko sa apo niya. Kinaya ko nga ang higit sa sampung mga batang pasaway dito sa Angels Heaven kaya sisiw lang iyong isa,di ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD