chapter 2

876 Words
Napanganga ako sa laki ng bahay ni Don Germio. Alam kong mayaman ang mga Santibañez pero nagulat pa rin ako kung gaano talaga sila kayaman. Nasa harapan ko ang three stories mansion nila na nakatayo sa pinakamalaking pangmayamang subdivision ng bansa. Halos malula ako nang tuluyan kaming pumasok sa loob ng bahay nila. Nakahilera ang halos sampung unipormadong katulong at magalang na bumati sa pagdating ng Don. Iyong mga bodyguards naman ni Don Germio na lagi niyang kasama tuwing dumadalaw siya sa ampunan ay nagpaiwan sa labas ng bahay kasama ang mga security guards na siyang sumalubong kanina sa pagdating namin. "Rose, iha..ito si Manang Zelda. Siya ang namamahala sa buong bahay. Siya na ang bahalang magpakilala sa iyo sa ibang mga makakasama mo dito," pakilala sa akin ni Don Germio sa may edad na babaeng siyang tanging hindi nakasuot ng uniform katulad nung iba. " Hello po, kumusta po kayo," magalang kong bati. Salamat kay Mother Superior Layana at tinuruan ako ng magandang asal. "Welcome sa bago mong bahay," nakangiting sabi ni Manang. " Zelda, ikaw na ang bahala sa kanya. Siya ang inatasan kong titingin-tingin kay Xavier habang wala ako. Ibigay ni'yo lahat ng mga kailangan niya," bilin ng Don na kinaalarma ko. " Bakit po? Aalis kayo? Iiwan niyo ako dito?" nataranta kong tanong. "Ikaw talagang bata ka. Di ko ba nasabi sa iyo kanina na may aasikasuhin ako sa branch ng company namin abroad?" paalala nitong sabi sa akin. Napaisip naman ako kung kailan niya nabanggit sa'kin ang pag-alis niya. Parang wala naman siyang nabanggit ah! Sino ba sa aming dalawa ang prone sa pagiging makakalimutin? Sigurado naman akong hindi ako iyon dahil bata pa ako! " Nasaan ba si Xavier?" hanap ng Don sa apo nito. Walang sumagot at nagsiyukuan na lang ang lahat. Malungkot namang umiling si Manang Zelda. "Ang batang iyon talaga! Magdasal na lang tayo na this time ay di na natin siya pulutin sa presinto o maging sa hospital," parang pagod na pagod na sabi ng Don. Nainis naman ako bigla doon sa apo niya. Ano bang trip nito sa buhay at pinapasakit nito ang ulo ng mabait na Lolo niya? " Pasensiya ka na Rose, mukhang bukas pa kayo magkakilala ng apo ko pero huwag kang mag-alala may message na akong pinadala sa kanya para di naman niya pa itanong ang presensya mo." "Okay lang po iyon." "Aalis ako mamayang hatinggabi kaya wala na ako dito bukas. Ikaw na ang bahala sa apo ko." "Huwag po kayong mag-alala. Sisiguraduhin ko pong papasok siya sa school at iiwas siya sa gulo," kompyansa kong pangako sa matanda. " May tiwala ako sa iyo. Saksi ako kung paano mo napatino ang mga delinquents sa bahay ampunan. Huwag kang mag-alala kay Sister Layana at sa mga batang naroon dahil pwede mo naman silang dalawin kahit anong oras mo gusto." "Salamat po Don Germio. Salamat sa lahat," buong puso kong pasasalamat. Kahit kasi di niya pinaalam sa akin ay sinabi ni Sister Layana ang karagdagang buwanang sustento na binigay niya sa bahay ampunan bilang pasasalamat daw sa ginawa kong pagpayag na tutulungan ito sa sutil nitong apo. Ramdam ko ang laki ng tiwala sa akin ng Don kahit maging ako ay di alam kung paano ko patitinuin ang apo nito. "Ako dapat ang magpapasalamat sa iyo. Mapapanatag ako doon sa pupuntahan ko dahil alam kong di mo pababayaan si Xavier. Matigas ang ulo ng batang iyon kaya alam kong kokontrahin ka niya sa lahat ng bagay kaya binibigyan kita ng karapatang gamitan siya ng dahas kung kinakailangan," seryosong sabi ng Don. Napakurap naman ako sa mga sinabi niya. Okay lang sa kanya na saktan ko ang apo niya? " Pero sana naman ay di na umabot sa ganun. Mag-iingat ka rin. Ayaw kong masaktan ka dahil sa apo ko." Gusto kong matawa sa sinabi ng Don. Imposibleng masaktan ako ng apo niya noh. Ako kaya si Rose Gracia, kinatatakutan yata ito ng sanggano sa kanto. Mabait ako pero di ako iyong uring parang pangdrama na papaapi lang. "Sige na iha, sasamahan ka ni Zelda sa magiging kwarto mo. Feel at home." "Salamat po." HABANG sinsundan ko si Manang Zelda ay tinuturo niya naman sa'kin kung ano at kanino ang bawat silid na nadadaanan namin. "Ito iyong silid ni Xavier isang silid lang ang pagitan ng mga silid ninyo. Bukas ituturo ko sa iyo kung saan ang kusina." "Salamat po." Nginitian niya lang ako bago iniwan sa labas ng magiging silid ko. Napangiti ako nang mabuksan at makita ko ang loob ng tinalagang silid para sa akin. Grabe ang ganda, parang hotel. Napansin ko agad ang mga gamit ko na maayos na nakapatong sa kama ko. Una kong kinuha ay iyong black card na binigay sa'kin ni Don Germio kanina. Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako nahiga sa malambot kong kama habang dito ako nakikitira. Naalala ko bigla ang higaan ko sa bahay ampunan. Kahit di kasing lambot at laki nito iyon ay namimiss ko pa ring matulog doon. Babalik din naman ako doon. Tutulungan ko muna si Don Germio sa apo niya. Habang iniisip ang mga bata sa ampunan at ang maingay na si Ellie ay tuluyan akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD