Patago kong inabangan sa labas ng comfort room ang keringking na si Ellie. Letseng babaeng iyon, dito pa talaga gumawa ng kabalbalan kasama ang isang Carson eh ang daming nagkalat na mga high profiles na tao sa paligid! Nagkalat ang mga reporters at media men sa paligid upang i-cover ang event na ito at sikat ang mga Carson tiyak malaking issue kung may makakita sa kanilang magkasama sa loob ng cr ng mga babae! Narinig ko kanina sa isa sa mga bisita kasama sa founding anniversary na ito ang promotion diumano sa isang story series na gawing movie. Kaya pala sobrang bongga ng event na ito pero iyong kaibigan kong lumaki sa kumbento nakakita lang ng gwapo, hayon nag-jack 'n poy na! Wala bang pang-hotel ang mga iyon at sa cr na lang ginawa? Sa hotel nga nila ginawa, sa public cr ng hotel