Kabanata 0001- Substitute Bride

1293 Words
Geraldine's Point of View* Mahalaga ang kasal sa maraming kababaihan dahil isa ito sa mahahalagang selebrasyon sa kanilang buhay, lalo na kung ang mapapangasawa nila ay ang lalaking mahal nila. Yun ang paniniwala ng ibang mga babae at iba sa akin. Ngayon ay nakatingin ako sa groom ko na naghihintay sa altar na nakangiti habang nakatingin sa akin at napangiti na lang din ako habang naglalakad. Patuloy siyang nakangiti hanggang sa tuluyan na akong makarating sa harap niya at agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan niya ang likod ng palad ko. “Baby, sa wakas. I'm so lucky to have you in my life." “Yes, di ko aakalain na umabot din tayo sa kinatatayuan natin ngayon, my Senador.” Mahina naman siyang natawa sa sinabi ko at ngumiti ako sa kanya. "Before that may message ako sandali, okay?" Dahan-dahan naman siyang tumango at kinuha ang mikropono sa gilid na kinataka ng lahat at nakikita ko ang excitement sa mukha niya. "My check, my check, ayan gumana...." Napatawa naman silang lahat na kinatingin ko. "Isang mensahe lang bago ako tumakas sa kasal na ito.” Nagulat ang lahat sa sinabi ko at nagsimula silang magbulungan at maging si Josh ay litong-lito sa nangyayari. Ugh... Tatlong buwan ko na siyang nilalandi, kaya alam kong baliw na baliw siya sa akin ngayon. Madali lang naman kasi siyang landiin. Tsk. “Josh Forger, itigil na natin ang kasal na ito, baby.” Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, saka napatingin sa mga bisita niya nang may kaba sa mukha at bumalik ang tingin niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko at parang mangiyak-ngiyak na habang nakatingin sa akin. “Baby, bakit? May nagawa ba akong mali? Anong gusto mo na lumuhod ako ngayon sa harapan mo? Kung may mga naririnig ka ay hindi yun totoo. Please, magpapaliwanag ako." Napaluhod siya sa harapan ko at nagpapanik na ang lahat ng bisita dahil sa nangyayari at di ko sila pinakinggan sa sigaw nila at nakatingin ako sa kanya na walang emosyon at napabuntong hininga na lang at ngumiti sa kanya. “Humihingi ka ng tawad? Hmm... hindi sa akin, kundi sa kanila.” Itinuro ko ang limang buntis na babae na nakatingin sa kanya habang umiiyak at may mga dala na rin silang mga pulis at ibang mga pamilya nila na galit na nakatingin sa senador. “Panagutan mo kami, Senator! Buntis kami dahil sa’yo, tapos iniwan mo kami!” Kitang-kita ko ang mga butil ng pawis sa noo niya habang nakatingin sa akin, tila nagmamakaawang huwag akong maniwala sa kanila. “Tapos na ang misyon ko rito. Panagutan mo ang mga babae mo at mga anak mo, Senator Josh." Ngumiti ako sa kanya at pinat ko ang ulo niya. "Let's not see each other again, baby." Napailing-iling siya habang umiiyak at binigay ko sa kanya ang flowers na hawak ko. "Bigay mo yan sa mga biktima mong mga babae." "N-No, baby!" Lumakad na ako habang nakangiti, habang nagsimula nang magulo ang paligid sa likuran ko dahil sinugod na nila si Senator. Pindot ko ang earpod sa tenga ko. “Mission accomplished.” Ang kausap ko ngayon ay ang chief ko, isa sa mga nagmo-monitor sa akin sa misyon na ito. Ang mga babaeng sumugod sa kanila ang nanghingi ng tulong sa akin lalo na't nasa position ang lalaking iyon. Ang gusto nila ay makapaghiganti sa lahat ng kasalanan nito sa kanila at panagutan sila at mga pulis na ang bahala sa iba nun. “Good job, agent. Makakaalis ka na ngayon dahil nasira mo na ang reputasyon niya at napahiya na siya sa lahat kagaya ng gusto ng mga biktima." “Deserve niya iyon dahil babaero ang politikong iyon. Buti na lang maraming camera para malaman ng lahat ang totoo. Tapos na ako ngayon kaya deserve ko nang matulog, right?" “Oo, magpahinga ka muna at hintayin ang susunod mong misyon sa susunod na buwan.” Napakunot ang noo ko. Susunod na buwan? “Wala bang misyon na hindi aabutin ng isang buwan? Ang boring kaya—” “Bibigyan kita ng plane ticket para magbakasyon sa Europe bukas. Ang flight mo ay 12pm. Gusto mo iyon, di ba? Kaya bye!” Nagulat ako sa sinabi niya at napangiti ako habang tumatalon sa tuwa. Ito ang gusto ko sa chief ko eh ginagawa niya talaga ang kagustuhan ko matapos kong makatapos ng mission. Naglakad na ako palayo pero napansin ko ang isang babaeng hinihiya ang groom nito, na nakaupo sa wheelchair, sa harap ng maraming tao. Napakunot ang noo ko. “Hinding-hindi kita papakasalan. Lampa ka na at hindi mo na kayang maglakad. May iba na akong papakasalan.” Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa babae. Lumapit pa ang isang lalaki at hinawakan ang kamay ng babae. Mukhang siya ang lalaking sinasabi nung babae. “Maaaring mayaman ka, pero mas mayaman ang boyfriend ko ngayon.” Tahimik lang ang lalaking nasa wheelchair, at naawa ako sa kanya, lalo na’t pinag-uusapan na siya ng mga bisita. Tahimik lang siya at nakikita ko na parang wala na siyang laban sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Hindi niya deserve ang ganitong klaseng kahihiyan. Hindi naman niya kasalanan na nauwi siya sa ganoon, di ba? Napatingin ako sa pangalan nila sa maliit na banner sa labas ng pintuan at Michael ang pangalan ng lalaki. Napabuntong hininga ako at nagdesisyong tulungan siya. Tinanggal ko ang wig ko, kaya bumagsak ang mahaba kong buhok na abot-bewang. Tinanggal ko rin ang mahaba kong palda, kaya naka-dress na lang ako ngayon at tinanggal ko din ang belo ko. “Mikeeeyyy!” Lumingon ang lahat sa akin, lalo na ang lalaking si Michael, at natigilan ako nang makita ko siyang gwapo pala talaga. Ginising ko ang sarili ko at paulit-ulit kong sinabihan ang sarili kong maging propesyonal. Napabuntong-hininga ako at tumingin sa kanya, pero parang nai-in love ako. Buti na lang nakasuot ako ng puting dress parang ikakasal na rin ako ulit. At tumakbo ako papunta sa kanya at marahang itinulak ang babaeng nanghiya sa kanya kanina. “Bakit mo pakakasalan ang babaeng yan na walang kwenta? Ako ang mahal mo, di ba? Napagtanto ko na mahal na mahal din kita at ayokong makita kang magpakasal sa iba,” sabi ko nang may emosyon habang nakatingin siya sa akin, tila naguguluhan pa rin. Nag-sign ako na makipag-cooperate sa akin, at dahan-dahan siyang tumango. Mabuti hindi siya slow. “Hindi ka deserve ng gold digger na yan. Tinatanggap kita ng buong-buo, kahit hindi ka na makalakad. Mamahalin kita hanggang kamatayan. Ano naman ang masama kung bubuhatin kita parati?" “Ano?! Sino ka? Anong sinabi mo sa akin?” Tiningnan ko ang babae, at namumula na siya sa galit. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. “Bakit? Tinamaan ka ba?” Hinawakan ko ang kamay ni Michael at tiningnan ko ang babae nang may pagmamalaki habang nakatingin sa babaeng gold digger. “He's mine, at hindi siya magiging sa ’yo. Bumalik ka na sa lalaki mo at hindi ka bagay sa isang tulad ni Mikey. Guards!” Kaagad na lumapit ang mga guwardya at pinalabas sila. Napabuntong-hininga ako at tiningnan ang mga bisita, saka ngumiti sa kanila. Pagkatapos ay tiningnan ako ni Michael, at nagulat ako nang hinila niya ako para paupuin sa kandungan niya. Hawak-hawak niya ako habang nakatingin ako sa mga mata niya. At tatayo sana ako baka kasi masaktan siya pero hindi niya ako binitawan. “I'm yours? So if you're claiming me... then you're mine as well, Mrs. Muller." Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang halikan ang mga labi ko, at lahat ng tao ay pumalakpak sa ginawa ni Michael. Waaaa! First kiss ko iyon! Hindi! Hindi ito kasama sa plano ko! ******** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD