Geraldine’s Point Of View*
Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya na hinahalikan niya ang labi ko at dahan-dahan naman niyang hiniwalay ang labi niya sa akin na kinapalakpak ng lahat ng nandodoon at napangiti naman siya habang nakatingin sa akin.
At ako naman ay nananatili pa ding nanlalaki ang mga mata ko. Teka ninakaw niya ang first kiss ko na para sa future husband ko?
“Y-You kiss my lips?” mahinang ani ko sa kanya.
“Shh, nakatingin pa din silang dalawa at nandidito pa ang mga kaibigan at parents ng real Bride ko.”
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Pinasok ko ang gulong ito kaya paninindigan ko ang bagay na ito.
Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko siya.
“Yung tip ko ha.”
Mahina naman siyang natawa at dahan dahan na tumango at niyakap niya ako pabalik.
“Of course, later.”
Humiwalay na ako ng yakap sa kanya at dahan dahan akong tumayo galing sa kandungan niya.
Wala na at naging side line ko na talaga ito ngayon parang ang tip ko ngayon ay parang baon ko sa bakasyon ko.
“Mag-e-exit na ba?” mahinang ani ko sa kanya.
“Magsisimula pa lang, my wife.”
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa pare sa harapan namin na nagulat dahil iba na ang bride na kaharap ngayon sa kanya. Ah oo nga pala kakasimula pa talaga. Bakit nakalimutan ko ang bagay na yun?
“Just continue, she's my real bride for this day, Father.”
Dahan-dahan na lang napatango si Father.
“Anong itatawag ko sayo, Iha?”
“Call me Gerry," nakangiting ani ko sa kanya at dahan-dahan naman siyang napatango.
“Okay, let’s start the wedding ceremony of Mr. Michael and Ms. Gerry.”
Di ko alam pero parang kinakabahan ako sa mangyayari ngayon. Waaa pero just keep the act lang talaga tayo ngayon. Okay, be professional, Gerry.
Marami ngang nangyayari kagaya ng normal na kasal sa simbahan hanggang makarating na kami sa oath stage.
“I take you to be my lawfully wedded Wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part.”
Nakatingin lang ako sa kanya habang nakatingin siya sa mga mata ko habang sinasabi ang lahat ng iyon. From the heart atah ang groom ko ngayon huh.
“I promise to honor, love, and cherish you all the days of my life.”
Hala may pahabol pa pala? Ako ano ang sasabihin ko? Ah gagayahin ko na lang ang sinabi niya. Waaa sorry na Lord kung puro hindi makakatohanan ang sasabihin namin ngayon sa harapan ninyo.
“I take you to be my lawfully wedded Husband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part. I promise to honor, love, and cherish you all the days of my life.”
Madali lang sa akin ang memorization kaya chilax lang sa akin ang bagay na yun.
“It is with great joy and love that I pronounce you officially married. You may seal your vows with a kiss.”
At ganun na nga ang huling nangyari at napatingin ako sa kanya at nagsign na lumapit ako sa kanya at ginawa ko naman at dahan dahan niyang tinaas ang belo at natulala na naman ako sa kagwapuhan niya.
Sa role ko na ito ay isa akong babae na nangangailangan ng pera na easy go lucky lang kaya panindigan ko ito!
“Ang gwapo mo. Di ako nagsisisi na piliin ka ngayong araw.”
Nakangiting ani ko sa kanya at mahina na lang siyang natawa at at isang iglap ay hinila niya ang batok ko at nagtama ulit ang labi namin. Waaaa pati ba naman second kiss!
Nasa sasakyan kami ngayon at papunta kami sa hotel kung saan gaganapin ang kainan at tamang tama ay gutom na ako.
“Let’s talk the money later…. Ah by the way hindi naman talaga ako gold digger uhmm ayoko lang kasing may ginaganun. In short hate ko ang mga ganung babae.”
Nakikita ko na nakikinig lang siya sa akin. Nakangiti lang siya kanina pero ngayon ay wala siyang emosyon. Para siya yung mga nababasa ko sa mga novels na coldhearted CEO. Damn! Nakakakilig yun!
“Talk more.”
Napatingin ako sa kanya at sumandal siya at pumikit.
“Eh? Matutulog ka?”
“I said talk more.”
Napapout naman ako sa sinabi niya at pinalo siya na kinamulat niya.
“Di pa ako baliw na makikipag-usap sa tulog noh.”
Napahawak naman siya sa braso na pinalo ko.
“Bakit? Para kang nakakita ng kaluluwa?Nakakagulat ba dahil hinawakan kita… Teka nandidiri ka ba sa akin? Hindi ako bayarang baba--- uhmm… ibang kaso sa akin ngayon pero hindi ako kagaya ng iba na pera kapalit katawan. I’m pure and innocent.”
“Really? Di ko nakikita.”
Nanlaki ang mga mata ko at sinamaan talaga siya ng tingin.
“You!”
Nagcrossarms siya habang nakasandal pa din sa sandalan ng inuupuan namin.
Syet! Bakit ang hot niya para siyang model at parang ang perfect ng pagka-sculpture sa kanya ng mga Gods and Goddesses?
“Asset mo talaga ang kagwapuhan mo noh?”
Napatingin naman siya sa akin.
“Kung ano talaga ang nasa isipan mo ay sinasabi mo talaga noh? You’re fearless.”
“Basta realidad na ang pag-uusapan ay fearless talaga ako. Kagaya ng kagwapuhan mo kaya dagdag mo yun sa tip ko mamaya ang pagsabi ko na gwapo ka."
Kumindat ako sa kanya at nakikita ko ang gulat sa mukha niya.
“You’re really unbelievable. You're not the same as others."
“Am I? Ah oo nga pala. Counted sa p*****t ang first and second kiss ko. Bayaran mo din yun.”
“Bayaran?”
“Yes, bayaran mo yun.”
Bigla siyang lumapit sa akin at nanlaki ang mga mata ko nung ilang inch na lang ang mukha namin.
“Gusto mo din bang lagyan ng interest? Kaya kong ibigay ngayon mismo."
Nakatingin siya sa labi ko at balik sa mga mata ko habang sinasabi niya iyon.
Damn, don’t lost yourself. Tinulak ko ang mukha niya palayo sa akin.
“Nope, I need money.”
Kulang pa kasi ang pocket money ko kung isang buwan ako sa Europe noh!
“You really like money huh.”
“Yes, because money is everything. Kaya nagsisikap ako.”
“Okay, I will give it to you later.”
Napangiti naman ako at magsasalita sana ako nang biglang tumunog ang tiyan ko.
Nanlaki ang mga mata ko at agad akong napatingin sa kanya na pinigilan ang matawa at uminit naman ang mukha ko habang nakatingin sa kanya.
"H-Hindi ako yun. Baka yung driver sa harapan."
Nagulat naman ang Driver sa sinabi ko at agad napailing iling.
"Don't blame others for what happened to you."
"Hindi nga ako! Baka ikaw!"
Bigla na namang tumunog ang tiyan ko at napahawak ako doon. Kanina pa talaga akong gutom at gusto ko ng kumain at syempre uminom dahil successful ang pera ko nung last mission ko at lalo na ngayong side line ko.
"Marami bang beer doon?"
"Yes, why? Umiinom ka?"
"Of course! Hindi kaya ako nalalasing. Never akong nalalasing sa mga alak."
"Hmm... Really?"
"Oo naman, sus ako pa."
Ako yata ang pinakamatagal malasing sa organization namin at walang makakatalo sa akin sa bagay na yun.
Nakarating kami sa isang malaking hotel at inanalayan naman nila akong lumabas at nasa wheelchair pa din si Mike at lumakad na kami papasok sa hotel.
Napapansin ko na nakatingin sa amin ang mga tao at hindi ko naman iyon pinansin hanggang makarating kami sa malaking pintuan at pagkabukas ay nanlalaki ang mga mata ko dahil ang ganda ng lugar.
"Wow, ang ganda."
Napatingin ako sa gilid at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga hard drinks. Wow yun ang pinaka kailangan ko!
Target kita mamaya.
"Wag kang magpahalata, my Wife."
Napatingin ako kay Mike na nakatingin na pala sa akin.
"O-Okay, let's start."
Lumakad na kami at nagpalakpakan ang lahat. Magpapakalasing ako ngayong gabing ito... Mamaya pa pala.
******
LMCD22