Huminga ako ng malalim bago lumabas sa cr. Pagdating sa sala nakita kong hawak ni Paolo yung cellphone niya. Parang mainit yung ulo niya. Ano kayang nangyari? "Damn it". Binitawan niya yung cellphone sa sofa at sinandal ang ulo sa headrest. Napapahilamos sya ng palad sa mukha. Parang may problema siya. "What happened?" Tanong ko sa kanya. "Okay ka na?" Tanong niya. "Yes" sagot ko. "Let's go". Kinuha niya yung bag ko sa sofa at hinawakan ako sa kamay. "Where are we going?" Tanong ko. "Sa Moonsky" "Moonsky?" Yun yung bar ng kaibigan niya na parati niyang pinupuntahan. Bakit kaya kami pupunta dun? Kung kailan nakapagdecide na kong bibigay na sa kanya bigla naman naudlot. Siguro hindi pa talaga yun nakatadhana sakin. Mabuti naman din kung ganun. Pagdating doon agad kong nakita sa