Agad akong pumunta sa hallway ng isang building sa school ng sabihin ni Zia na nag aaway doon si Paolo at Kiel. Expect kong gagawin to ni Kiel. Inamin sakin ni Paolo kagabi yung tungkol sa kanila ni Avery. Tinawagan niya ko dahil bigla akong nawala sa bar. Sinabi niya na naging sila ni Avery kahit kami pero tapos na daw yun. Nag sorry siya sakin. Mahal daw niya ko at ayaw niya kong mawala sa kanya pero hindi ko alam kung paniniwalaan ko yun base sa nakita ko na sitwasyon nila noon ni Avery sa bar i sense na may feelings siya kay Avery. Naguguluhan ako. Mahal ko siya. Ayaw niyang makipaghiwalay sakin at pakiramdam ko ayoko rin nun. Naabutan kong sinasakal ni Kiel si Paolo na nakasandal sa pader. "Kiel tama na". Hinawakan ko yung uniform niya sa likod habang hinihila siya para bitawa