EPISODE- 5

1913 Words
MATAPOS ang halos dalawang oras na paglalaro ng golf ni Lorenzo ay umalis na sila. Ang buong akala niya ay uuwi na sila ng mansion. Ngunit mali pala dahil pumasok ang sasakyan nila sa isang eksklusibong lugar. At hindi iyong kagaya ng ibang mamahaling hotel. Sa nakikita ng kanyang mga mata ay mga bilyonaryo lamang ang may kakayahang magmay-ari ng lugar na yon. "Nasaan tayo at anong gagawin natin dito?" Hindi siya nakatiis ay tinanong niya ang asawang si Lorenzo. "Dito muna tayo dahil gusto kong mag-relax. Isa pa ay kailangan mo ng maging familiar sa lugar na ito." "What for? Hindi naman ako interesado sa mga ganitong karangyaan." "Kahit ayaw mo ay dapat mo pa rin malaman ang lahat ng assets ko. Sapagkat asawa kita at nasa iyo ang lahat ng karapatan." "Ibig mong sabihin ay sayo ang napakagandang mansion na 'to?" "Yes, my dear wife. At walang ibang nakakapasok dito kundi ako lamang. Ang mga trusted bodyguard, kaibigan o kapatid ko. Ngayon na asawa kita ay ikaw lang ang may full access dito. Here the exclusive card. Hawakan mo yan at pagkalipas ng isang oras ay pwede mo ng magamit." "Bakit mo ito binibigay sa akin ay hindi naman ako nakakaalis ng wala ka?" "Tama, pero ang card na yan ay kailangan mo sa bawat pintuan na iyong papasukan. Sa elevator yan din ang access card mo, ganun din sa Spa, Salon o Shopping mall dito mismo sa loob." "Shopping? Bakit may mall ba dito sa loob?" Gusto kong matawa sa mga iniisip kong walang kwentang bagay. "Yes, my dear wife, kaya hindi mo na kailangan magtungo sa ibang shopping mall. Dahil lahat ng kailangan mo ay naririto sa loob ng building." Ayaw niyang basta maniwala, malay niyang gino goodtime lamang siya ni Lorenzo. "Come with me at ituturo ko sayo ang master bedroom natin." Wala akong imik na nagpatianod na lamang sa kanya. "Ang dami mong bahay, pang ilan ba ito sa mga mansion na pagmamay ari mo. Ganito ba talaga ang pinuno ng Mafia?" "Hindi pa ako pinuno ay marami na akong assets. Sapagkat isa akong matagumpay na negosyante. Kaya walang kinalaman ang pagiging pinuno ko sa lahat ng ito." Gaano ka kagaling sa larangan ng pagnenegosyo upang makuha mo lahat ng 'to. O baka naman ay galing ang lahat ng yaman mo sa mga illegal na negosyo?" "Hindi ako kagaya ng mga negosyante na kilala mong yumaman sa masamang paraan." wika pa nito at akmang tatalikuran niya ito nang bigla siya nitong niyakap. "L-Lorenzo, a-anong ginagawa mo. B-Bitawan mo nga ako." "Hanggang kailan mo ba ako titiisin, bakit hanggang ngayon hindi mo magawang ipagkaloob sa akin ang katawan mo?" "Dahil isa kang kriminal, pinatay mo ang aking ama! Kaya huwag kang umasa na maibibigay ko sayo ang nais mo." Subalit siniil siya nito ng halik, halik na mapag parusa. Sinubukan niyang itulak ito ngunit hindi man lang natinag. Ang malabakal nitong mga bisig ay mahigpit ang pagkaka hawak sa kanyang batok at ang isang braso ay sa kanyang baywang. Kaya balewala ang lakas niya na para lang tumulak sa pader. Napasinghap siya ng pumasok ang isang palad nito sa kanyang dibdib. At ang kanina lang na mapag parusang halik. Ngayon ay napalitan ng banayad at tila naghihintay ng kanyang tugon. Kapag nagtagal pa ay baka hindi na niya magawa ng kontrolin ang sarili. Malamang na bumigay siya sa panunukso ng kanyang asawa. "You're mine, hindi man ngayon kundi sa mga darating na araw. At sisiguruhin ko na ikaw mismo ang lalapit sa akin!" Wika nito matapos siyang bitawan. Pagkatapos ay tinalikuran siya nito at iniwan. Ilang oras na ang lumipas ngunit nananatili siya sa loob ng silid kung saan siya iniwan ni Lorenzo. Nakatulog na pala siya sa sobrang inis. Nang sulyapan niya ang bintana ay madilin na rin ang paligid. Akmang tatayo siya nang biglang bumukas ang pintuan. "Gising ka na pala, my dear wife. Halika na at kailangan na natin mag-dinner.” sabay abot nito sa kanyang kamay ngunit hindi niya ito pinansin. “Kaya kong bumangon at maglakad mag-isa. Kaya pwede ba ba lumayo ka sa akin!” “Sweetheart, huwag kang laging nagagalit. Dahil mas lalo mo akong pinasasabik na dalhin ka sa ibabaw ng kama.” “Bastos! Wala talagang magandang salita na naririnig sa bibig mo.” “Ano ba ang gusto mong marinig sa akin. Ang salitang mahal kita, my dear wife? O sabihin ko sayo na lagi mong pinapasakit ang aking balls. Dahil ayaw mo akong pagbigyan. Samantalang tungkulin mo bilang asawa na ibigay ang mga pangangailangan ko.” "Ginagampanan ko ang mga tungkulin ko bilang asawa mo maliban sa isang bagay. At kailanman ay hindi ko yon magagawang ipagkaloob sa isang tulad mo!" Sabay talikod niya kay Lorenzo at nagmartsa pababa patungong dining room. "Wait for me, sweetheart. Ayaw kong maghinala ang isa man sa mga taong naririto. Dahil kahit trusted bodyguard ko sila ay hindi magandang nagkaroon sila ng idea tungkol sa pagsasama natin." Napipilitan siyang huminto sa paglalakad at kagaya ng nais nito ay hinintay niya ito. "Kailangan mong magpanggap bilang isang mapagmahal na asawa. Doon man lang ay mapaniwala ko silang supportive sa akin ang babaeng mahal ko." Hindi siya nakasagot tama ba ang nabanaagan niya sa boses nito? Nasasaktan din ba ang isang tulad nitong demonyo? O talagang ganito lang ang ipinakikita nito sa lahat. Upang hindi paghinalaan na isang mamamatay tao. Pagdating nila sa dining room ay hindi lamang pala sila ang naroroon. Kundi ang kapatid nito at ang triplets Montemayor. Ganun pa man ay sinikap niyang maging maayos ang pagharap sa mga ito. At gaya ng sinabi ni Lorenzo, todo pretend siyang mapagmahal na asawa. Ang simpleng paglalagay ng pagkain sa plano ng kabiyak. At minsan ay sinusubuan din niya ito or nginingitian ng akala mo ay in love sila sa isa't-isa. "Thank you at pinaunlakan nyo ang aking imbitasyon." "Paano ba tumanggi sa isang tulad mo, Mr. King?" biro ng isang triplets. "Simple, magpanggap ka lang na busy upang may alibi ka." Sa sinabing yon ni Lorenzo ay tila pinatatamaan siya nito. Kaya minabuting tumayo at magtungo sa higanteng refrigerator. Binuksan niya yon at naghanap ng kahit anong matamis na pagkain. Nakita niya ang fruit cake at ice cream, kinuha ang fruit cake at dinala sa dining table. Nag slice siya at nilagay sa plato ni Lorenzo, nakita niyang natililan ito. Ngunit hindi niya pinansin, ano bang meron sa cake na yon at nag-react ito? Pero sa huli ay dinampot ang kutsara. At bago kainin ay nagpasalamat pa sa kanya. "T-Thank you, sweetheart." "You're welcome, my hubby." Pagkatapos at nginitian pa niya ito ng matamis. Nang maubos nito ang isang slice ay nilagyan pa niyang muli. Subalit bigla na lamang itong nahirapan huminga. Hindi niya alam kung ano itong kanyang nararamdaman. Pero bigla na lang siyang nakaramdam ng takot. "Kuya Rowen, anong nangyayari sayo? Calem!" Rinig ko ang malakas na sigaw ng kapatid nitong si Raven. "Anong nangyari kay Bigg Boss?" Iisa halos ang tanong ng mga bodyguard. "Oh, sh*t call the family doktor!" Pagkatapos ay mabilis na pinasan ni Calem ang kanyang asawang si Lorenzo. "May allergy siya sa fruit cake." Sa narinig ay halos mamutla siya sa takot pagkatapos ay tumakbo ng sumunod pababa sa basement. Pagdating doon ay binaba ito sa isang kama, saka lamang niya na pagmasdan na clinic pala ang lugar na yon. A few minutes later. "What happened to him?" "Doc, nakakain siya ng fruit cake." "Hindi ba lagi kong sinasabi na huwag kayong naglalagay ng mga bawal sa kanya na pagkain?" "Lagi naman pong nag-iingat kaya lang pinabili iyon ni Boss para sa kanyang asawa." "Kung ganun bakit siya kumain ng pagkain na yon ay alam naman niya na bawal yon sa kanya?" "I'm sorry, ako po ang nagbigay sa kanya ng fruit cake. Hindi ko naman alam na may allergy pala siya sa pagkain na yon." Mangiyak ngiyak siya habang nakamasid sa asawang hirap na hirap ng huminga. "Doon na muna kayo sa labas, Calem stay here at kailangan kita dito." "Ako pwede bang dito lang din?" "It's okay, total kapatid ka niya." "Halika na Mrs. Terran, doon na muna tayo sa labas." Wala siyang nagawa ng sumara ang kurtina. Kaya napilitang humakbang palabas ng clinic at maupo sa waiting area. ".... Hindi mo ba alam na meron Allergy sa prutas ang asawa mo?" "No," sabay iling niya at napa yuko na lamang. "Huwag mong sisihin ang iyong sarili dahil alam naman ng asawa mong bawal sa kanya yon pero bakit niya kinain?" Sa sinabing yon ng triplest ay napaisip siya kung bakit sinunod siya ni Lorenzo. Nang sabihin niyang kainin nito ang cake… oh, God! Kaya pala bago nito iyon kinain ay tumitig pa muna ang asawa sa kanya. "Mrs. Terran, may sinasabi ka?" "Ahm, w-wala naman, may naalala lamang ako." Hindi naman sila masyadong naghintay ng matagal dahil maya maya lamang ay lumabas ang doktor. Agad siyang tumayo at kinumusta ang kalagayan ng asawa. "He's fine now, pero next time sana maiwasan niya nang makakain ng bawal. Paano kung ma-timing na nasa malayo kayo at walang doktor. Napaka delikado ng allergy niya dahil mabilis ang epekto at konektado sa puso. Paki-monitor mo ang mga kinakain ng iyong asawa, dahil baka sa susunod ay hindi na siya magawang iligtas." "Salamat po doc, mula ngayon ay iiwasan na ang mag pasok ng mga pagkain dito sa bahay. Nang sa gayon ay hindi na maulit ang pangyayaring ito." "Mabuti naman kung ganun, sige ako ay aalis na at kung meron kayong kailangan ay tawagan nyo lamang ako." "Stable na ang kalagayan ni Lorenzo at nagpaalam na rin ang triplets. Ganun din ang kapatid nitong si Raven, kaya siya na lamang ang naiwan. Ang nga bodyguard ay balik sa post ng mga ito. "Ano ba ang nasa isipan mo at kumain ka ng bawal sayo?" Sita niya sa asawa ng makitang gising na ito. "I'm sorry kung pinag-alala kita. At kaya ko yon kinain dahil mula sayo at utos mo." "Utos ko kaya sinunod mo, kung sasabihin ko pala sayo na kumain ka ng tae. Gagawin mo rin dahil utos ko?" nagpupuyos siya sa galit ngunit pinipigilan niyang mapasigaw. "Hindi naman sa ganun, saka bakit ang dami namang pwedeng ihalintulad bakit tae?" "Dahil yon ang gusto ko!" "Ah, okay. Ikaw kung uutusan mo akong kumain ng ganun. Papayag pa rin ako pero pagkatapos non ay papayag ka rin na magpahalik sa akin?" "No way!" "See? Tapos gusto mong kainin ko?" Tumahimik na lamang siya at dinampot ang hot towel. Pagkatapos at lumapit kay Lorenzo at pinunasan ang pawisan nitong mukha. "Mas mabuting matulog ka na lang muna upang maging mabilis ang iyong paggaling." Palusot niya dito ngunit bigla nitong hinuli ang kanyang palad. “Mahal mo rin ba ako kaya ganyang na lamang ang pag-alaala mo sa akin?” “Hindi ah, bakit kita mamahalin ay alam mo naman sa sarili mong hindi yon mangyayari.” “Eh, bakit worried na worried ka sa aking kanina?” “Kagaya ng salita mo ay nagpapanggap lamang ako. Syempre nariyan ang kapatid at kaibigan mo.” “I see,” at binitawan na nito ang kanyang kamay. Agad naman siyang lumayo sa asawa. Upang hindi nito mahalata ang kanyang kilos at mga tingin. Sapagkat nangako siya sa sariling kailanman ay hindi niya bibigyan ng kasiyahan ang demonyong lalaking ‘to. Dahil hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isipan ang ginawang pagpatay nito sa kanyang pinakamamahal na ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD