TEASER
WALANG pagsidlan ng kaligayahan ang puso ni Elizabeth, matapos ang araw ng kanyang pagtatapos. Ngayon ay handa na siyang magtungo sa bansang Europa. Upang doon ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina. At pangako niya sa kanyang mga magulang na balang araw ay kikilalanin siya bilang isa sa pinakamagaling na manggagamot.
“Anak, mag-ingat ka doon ngayon mapapalayo ka na sa amin ng iyong papa ay hindi namin maiwasan hindi mag-alala. Unang beses na magkakalayo tayong tatlo kaya naman ay huwag mong kakalimutan ang magdasal. Iwasan mo rin ang lumabas sa gabi upang masiguro ang iyong kaligtasan.”
“Ikaw talaga mama, may isang buwan pa naman bago ako magtungo doon. Kaya huwag mo muna iyong isipin, okay?” sabay yakap niya sa kanyang mama upang hindi nito mahalata na nalulungkot din siya. Ang isipin pa lamang na mapapalayo sa mga ito ay nahihirapan din ang kanyang kalooban. Ngunit kailangan niya iyong gawin upang matuto rin siyang mamuhay mag-isa. At syempre matutupad niya na rin ang kanyang mga pangarap.
“Ang mabuti pa ay magpahinga na tayo, dahil maaga pa ang alis mo bukas, Eli--." may bahid ng kalungkutan ang boses ng kanyang ama.
“Tama po papa, sige maiwan ko na kayo ni mama. At papasok na po ako sa aking kwarto, maya maya ay magpahinga na rin kayong dalawa.” wika pa niya pagkatapos ay humalik pa siya sa mga magulang bago niya iniwan ang mga ito.
Subalit ginising siya ng magkakasunod na putok ng baril. At nang mapatingin sa orasang nakasabit sa dingding ay napag-alaman niyang hatinggabi pa lamang. Agad na pumasok sa isipan ang mga magulang kaya napabalikwas siya ng bangon. Wala siyang sapin sa paa na tumakbo palabas ng kanyang silid. Subalit nanghilakbot siya ng makitang nakahandusay na sa sahig ang katawan ng ama at wala na itong buhay. Samantala ang kanyang ina ay tulala habang nakalupasay sa tabi nito. At ang magkabilang kamay ay nakatakip sa bibig nito habang tumatangis.
Ayon naman sa aura ng lalaking nakatayo sa gilid ng mga magulang ay ito ang bumaril sa kanyang ama.
Bugso ng galit at awa sa mga magulang ay sinugod niya ang lalaking nakasuot ng itim na jacket. Pinagsusuntok niya ito sa katawan habang nanlalabo ang mga mata dahil sa pagbulwak ng masaganang luha. Ngunit tila hindi siya nito pinapansin. Kaya ang ginawa niya ay malakas na sinipa ang harapan nito.
"Putang*na! Papatayin mo ba akong babae ka?" pagmumura nito habang nakayuko sa sakit na nararamdaman. Ang gusto pa nga niya ay ulitan ng isa pang sipa kaso humarang na ang lalaking may malaking katawan.
“Big Boss, ayos ka lang ba?”
“Tang*na, nagawa mo pang magtanong? Nakikita mong tinamaan ang kakambal ko tapos tatanungin mo ako ng ganyan!?” sabay kalabit nito ng gatilyo at walang buhay na bumagsak ang lalaki sa tabi ng ama. “At ikaw babae, anong karapatan mong saktan ang pinakamahalagang parte ng katawan ko?” parang kulog ang malagom nitong boses na umalingawngaw sa kalagitnaan ng gabi.
Akmang aatras siya upang tumakbo palayo nang may kamay na sumaklit sa kanyang baywang. Kasunod ay umangat siya sa eri at walang nagawa ang kanyang pagpoprotesta ng ilabas siya nito sa kanilang pintuan.
“Bitawan mo ako, hayop ka mamamatay tao!” malakas niyang sigaw ngunit hindi yata siya nito naririnig. Pagkatapos ay bumukas ang pinto ng isang itim na sasakyan.
Muli sana siyang sisigaw ng bumalibag ang kanyang katawan sa loob ng sasakyan. Mabuti na lamang at malambot ang upuan kundi ay baka nabali ang kanyang baywang.
“Dalhin siya sa aking bahay bakasyunan. At siguraduhin na hindi siya makakatakas!”
“Masusunod po, Big Boss.” Pero bago pa sumara ang pinto ay mabilis siyang nakababa at kumaripas ng takbo.
Ngunit hindi pa man lang siya nakakalayo ay isang putok ng baril ang muling umalingawngaw sa kadiliman ng gabi.
Napahinto siya sa pagtakbo at nangatog ang kanyang buong katawan sa sobrang takot. Napaluha na lamang siya ng isang kamay ang biglang dumakblot sa mahaba niyang buhok.
“Bitawan mo siya! O baka gusto mong barilin din kita?”
“Pasensya na, Big Boss. Naisip ko lang na baka matakasan niya tayo.”
“Binabalan kita, isang beses mo pa siyang hawakan. O kahit dulo ng daliri niya ay bubutasin ko na ang ulo mo!” at kahit nanginginig siya sa nerbyos ay kitang kita niya sa liwanag ng buwan ang matinding takot ng lalaking humila sa kanyang buhok.
“Patawad po hindi na mauulit, Big Boss.” at lumuhod pa ito habang nagmamakaawa.
“Umalis ka sa harapan ko!” malakas na sigaw nito sa lalaking nananatiling nakaluhod. Pagkatapos ay bumaling ito sa kanya at hinila siya sa braso. “Sumakay ka!” utos nito sa kanya sabay bukas ng pinto at muli siyang ipinasok sa loob.
Ang buong akala niya ay aalis na ito. Subalit sumakay din at doon pa naupo sa kanyang tabi. Kaya napasiksik na lamang siya sa gilid ng sasakyan sa matinding takot. Kitang kita rin niya sa dilim ang kumikinang nitong suot na kwintas. Ganun din ang malaking singsing na mayroong batong dragon sa gitna.
“Hoy! babae, huwag mo ng tangkain na takasan akong muli. Dahil hindi mo magugustuhan ang parusang ipapataw ko sayo. At gusto kong malaman mo na bukas ay magiging asawa na kita. Kaya mula sa araw na yon ay ako na ang nagmamay-ari sayo.”
“Ayaw ko, hindi ako kailanman magpapakasal sa isang tulad mong kriminal!” hindi niya alam kung saan siya kumukuha ng lakas upang sumagot at tanggihan ang mga salita nito.
“Huwag mong subukan ubusin ang maikli kong pasensya. Dahil hindi ako mangingiming saktan ka!” natamimi siya ng muli itong sumigaw. Samantalang ang lalaking nagmananeho at taong nasa tabi nito sa bandang unahan ay tila walang naririnig. Tuloy lang ang kwentuhan ng mga ito at hindi niya iyon maintindihan. Dahil ibang lengwahe ang gamit na mga salita. Luminga siya sa paligid ngunit puro kadiliman ang nakikita ng kanyang mga mata.
“Ano ba ang kailangan mo sa akin at saan mo ako dadalhin na hayop ka?” hindi ito sumagot ngunit nabanaagan niya ang bahagyang ngisi nito. “Talagang nagagawa mo pang ngumiting demonyo ka?”
“Isang salita pa at may kalalagyan ka sa akin, huh!”
“Gago! Akala mo ay natatakot ako sayo….” Ngunit nilamon ang ibang sasabihin niya ng sumara ang kanyang bibig. At agad siyang nakaramdam ng pandidiri dahil sa marahas nitong halik. Unang beses na may humalik sa kanya at kriminal pa.
Malakas niya itong itinulak ngunit hindi man lang ito natinag. Bagkus ay mas dumiin pa ang halik at nalalasahan na rin niya ang dugo sa kanyang labi.
Binitawan lamang siya nito ng halos mawalan na ng hangin ang kanyang dibdib.
Kaya nang makabwelo siya ay malakas niya itong sinampal. “Napaka bastos mong hayop ka. Wala pang lalaking nakakahalik sa akin tapos ikaw pa talagang demonyo ka?”
“Mabuti naman pala, kaya huwag kang magpapa halik sa iba o kahit hawakan ng kahit sino ay huwag kang papayag. Dahil akin ka lang at ako lang ang may karapatan sa buong katawan mo, okay?”
“Walang hiya ka ang kapal ng mukha mo!” galaiti niyang sigaw dito sabay hampas sa dibdib nito. Ngunit hinuli lang ang kanyang dalawang braso at mahigpit na hinawakan.
“Tumigil ka sa pananakit na gingawa mo sa akin! O gusto mong lagyan ko ito ng posas?” malakas niyang hinila ang kanyang magkabilang braso. Mabuti at binitawan naman siya nito. Kasabay non ay napaiyak na lamang siya. Lalo na ng maalala ang nangyari sa mga magulang.
Paano na ang kanyang mama sino na ang makakasama nito, ngayon wala na ang ama. At ang bangkay ng papa niya wala na bang pagkakataon na makita niya ito.
Sana bago man lang dalhin sa huling hantungan ang mga labi nito ay masulyapan man lamang niya.
Sa kawalang pag-asa gamit ang sariling mga palad ay naitakip na lamang sa sariling bibig. Upang pigilan ang pag hagulgol ng iyak. Napaka walang puso talaga ng taong ito na kumitil sa buhay ng kanyang ama. Hinding hindi niya ito magagawang patawarin. Ang demonyong lalaking ito na ngayon ay dumukot naman sa kanya.
================================
DISCLAIMER;
"Ito ay isang gawa ng kathang-isip. Anumang mga pangalan o tauhan, negosyo o lugar, kaganapan o insidente, ay kathang-isip lamang. At kung may pagkakahawig sa mga aktuwal na tao, buhay o patay, o aktuwal na mga pangyayari ay nagkataon lamang."