Lucky's POV;
"Ang anak ko!"napangiti ako ng makita ko si tita na salubungin ng yakap si Killua.
Na sa unang pagkakataon nakita kong nagkaekspresyon si Killua at ngumiti.
Parang hindi siya yung Killuang nakita ko sa rooftop na magpapakamatay.
"Alam mo ba kung gaano ako nag aalala sayong bata ka?!"naiiyak na sambit ni tita habang parang batang ginumos ang mukha ni Killua na kinatawa ko ng mahina.
"Mama hindi na ako bata kaya ko ang sarili ko."ani ni Killua hindi ko alam kung ako lang pero may dumaang pag aalala at takot sa mga mata ni tita.
Agad din namang nawala yun ng yakapin niya ulit si Killua.
"Haynaku minsan nakakaselos na parang si Killua lang anak mo mommy."nakangusong reklamo ni ate Fatima.
"Ito naman para nag aalala lang ako sa kapatid niyo."sagot ng ginang bago dumako ang tingin niya sa pwesto ko.
"Wait...ikaw ba yan Lucky?"tanong ni tita na kinangiti ko.
"Ako nga po."nakangiting sagot ko bago dahan dahang lumapit sakanila.
"Hala!ikaw nga hindi kita nakilala napakaganda mo na hindi na ikaw yung baba--."
"Mom!"putol ni Friolle na kinatawa ko ng mahina.
"Lahat naman nagbabago tita..walang permanente sa mundo."nakangiting sambit ko bago yakapin si tita na agad niya naman akong niyakap pabalik.
"Masaya ako para sayo iha."ani ni tita na kinangiti ko.
"Bakit ka pala andito iha?dahil ba kay Frioll--."
"She's with me mama."putol ni Killua sa sinasabi ni tita.
---
Matapos kong ikwento lahat...hindi ko alam kung pano pero parang bumigat ang athmosphere ng kwarto.
"Nagtangka ka nanaman mag suicide...Kill?."napatingin ako kay tita ng makitang paiyak itong nakatingin kay Killua na nakayuko.
"Ano bang gagawin ko anak para tigilan mo na yang pagtatangka mong magpakamatay?"tanong ni tita na kinatigil ko.
Ibig sabihin hindi yun yung first time na magtangka si killua magsuicide?.
--
"Pag pasensyahan mo na yung nangyari kanina."ani ni ate Fatima pagkalabas namin ng kwarto.
"Ibig sabihin hindi talaga yun yung first time na magsuicide si Kill?"tanong ko na kinailing ni ate Fatima habang pababa kami.
"Simula ng ampunin namin siya ganun na siya...ilang psycharatist na din ang pinagdalhan namin sakanya pero wala...walang nangyayari hindi siya nagsasabi ng kung ano."sagot ni ate na kinatigil ko
"Ampon?"ulit ko na kinatango ni ate.
"11 years old siya ng muntikan na siyang masagasaan ng kotseng sinasakyan ni mama...ilang buwan kaming nag antay na kumuha kay Kill pero wala kaya yun inampon na siya ni mom at tinuring naming kapatid."sagot ni ate.
"Nung una okay naman si Kill pero nung araw araw na siyang binabangungot... ilang beses na din namin siyang nahuhuling nag lalaslas o tatalon sa rooftop...naging suki na din kami ng hospital dahil sa madalas na paglalaslas ni Killua kaya nakita mo kanina ang daming black in men na hinire si Friolle lahat yan bantay ni Kill."dadag ni ate na kinaangat ko ng tingin.
Damn ganun kalala ang lagay ni Kill kaya ganun na lang ba ang pag aalala ni Tita?
"Nung nasa hospital siya kung saan mo siya nakita...nilaslas niya ang pulso niya sa bathub."dagdag pa ni ate this time hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko.
"Lagi niyang sinasabing nabobored siya...kaya gusto niya ng mamatay...pero alam kong hindi yun ang reason."ani ni ate Fatima.
---
"Anak...bakit sa condo mo pa kayo mag sstay pwede naman dito?"ani ni tita kay Kill habang inaalalayan siya nito pababa.
"Mama kasama ko si Lucky at--."
"Kill ayos lang kung dumito ka muna kami na lang ni Castro ang magssta--."
"No."putol ni Kill bago kami tingnan ni Castro.
"Killua kaya ka nga andito para sa mama mo diba?pano mo siya mababantayan kung nasa condo ka?"naiinis na sambit ko na--.
"Eh bakit kasi hindi na ka din muna magstay dito Girl...may guest room naman safe ka din naman dito."suhesyon ni ate Fatima na kinasang ayunan ni tita.
Wala namang problema pero ang akward nasa iisang bubong kami ni Friolle kasama ang pamilya niya.
Pero si Killua...haist.
"Ahm sige po."nakangiting sambit ko na kinatalon ni ate Fatima.
"Yes!tara gurl im sure mag eenjoy ka dito katulad ng dati mag gigirl bonding tayo."tuwang tuwa na sambit ni ate na kinakamot ko sa pisngi.
Lagot na.