09

600 Words
Killua's POV; "Kuya tingnan mo oh binigyan ako ng ale ng tinapay hati tayo." Tumatakbong sambit ko ng makita ko si Kuya na nasa poso n mukhang magiigib para sa mga kapitabahay. "Kill sayo na yan busog pa naman si Kuya."Ani ni kuya habang nagbobomba. *grr.* napatigil ako at napasimangot ng marinig ko ang tiyan ni kuya. "Haynaku kuya nag sisinungaling ka nanaman gutom kana eh...ito oh...hati tayo."ani ko bago hatiin ang isang balot na tinapay at binigay kay kuya. "Teka kill bakit maliit sayo?"tanong ni Kuya na kinatingala ko. "Eh kuya malaki ka kaysa sakin ako maliit ang bituka sayo malaki."inosenteng sagot ko bago kumain. "Kill."tawag ni kuya bago lumuhod sa harap ko at hawakan ang magkabilang braso ko. "Oras na dumating sila at kunin ka samin...wag mong kakalimutan ang mga aral na tinuro namin ni mama sayo."ani ni kuya na kinatingin ko. "Sinong sila kuya?at bakit ganyan ka magsalita?"inosenteng tanong ko ng makita kong nagluluha mata ni kuya. "At bakit ka din umiiyak?"sunod na tanong ko na kinangiti niya ng konti. "Mahal na mahal ka namin...kill." -- Nahugot ko ang hininga ko bago umupo sa ibabaw ng kama habang pawisang inilibot ang paningin ko sa loob ng madilim na kwarto. "Ayoko na."napasabunot ako s sarili ko ng maramdaman ko nanaman ito. "Kailangan ko ng sakit...tama yung sakit."dali dali akong tumayo at wala sa sariling bumaba para kumuha ng kutsilyo. "Nasaan ang kutsilyo?"parang tangang tanong ko ng makita ko ang kutsilyo...susugatan ko na ang sarili ko ng--. "Tama na Killua."parang may kung pumukpok sa ulo ko at humaplos sa dibdib ko ng may yumakap mula sa likod ko. "M-Master."ani ko bagi bitawan ang kutsilyong hawak ko at mahulog yun sa sahig. "Nag promise ka poprotektahan mo pa ako"napatigil ako ng pihitin ako ni Master paharap sakanya. "Bakit may hawak ka nanamang kutsilyo?"tanong niya bago mag angat ng tingin. "Wag mong sabihing boring ka Kill...dahil hindi yan ang nakikita ko sa mukha mo ngayon...nung una ayokong maniwala kay ate Fatima na magagawa mo ito...pero kitang kita ko ngayon at hindi ako tanga para hindi malaman ang balak mong gawin sa kutsilyong yan."ani niya bago naiiyak ba nakatingin sakin. "Andito ako Kill hindi ka nag iisa sa mundong ito...kailangan kita kaya please tigilan mo na ang kahibangan na ito."ani niya bago hawakan ng mahigpit ang mga kamay ko. "Kailangan kita Killua...kailangan kita sa tabi ko...kahit yun na lang ang panghawakan mo."bulong niya bago sumubsob sa dibdib ko na kinatigil ko. "Please...please Killua."umiiyak na sambit niya na kinablangko ng utak ko. Dahil sa unang pagkakataon may taong nagmakaawa sakin mabuhay lang ako...may taong kailangan ang tulad ko. Lucky's POV; Nang maaga akong nagising pag mulat ko ng mga mata ko. Hindi na ako nagulat ng mukha ni Killua ang bumungad sakin...mahimbing ang tulog nito habang ang braso niya nakayakap sa bewang ko na kinainit ng pisngi ko lalo na ng marealize kong ilang dangkal lang ang layo ng mukha ko sa mukha ni Killua. Matapos kasi ng nangyari kagabi natakot akong iwan si Killua kaya napagpasyahan kong patulugin muna ito hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na din ako. Wait?baka bumangon ito kagabi?...para makasigurado tininingnan ko ang kabuuan ni Killua lalo na ang mga braso nito na---. Napatigil ako ng may makita akong mga peklat sa pulupulsahan ni Killua. "Buti naman wala siyang sugat."bulong ko ng makitang mga peklat lang ang nanduon. Nang iangat ko ang tingin ko matamang tinitigan ko ang maamong mukha ni Killua. Yung kagabi...yun yung unang pagkakataon na nakita ko siyang ganun. Yung tipong matatakot kang hawakan siya dahil sa isang pagkakamali mo lang anytime pwede siyang mabasag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD