12

571 Words
3rd Person's POV; "Nasaan si Kill..Dark."bungad ng dalagang si Lucy at binalewala ang mga tauhan nitong nakatutok ang baril sakanya. "Kung sasabihin ko...ano namang makukuha kong kapalit?"tanong ng binata habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa sofa na naglalaro ng chess nag isa. "Hindi ka pa rin nagbabago lahat na lang ng bagay may kapalit."pailing iling na komento ng dalaga bago umupo sa sofang kaharap ng sinasandalang sofa ng binata. "Wala ng libre ngayon sa mundo Lucy."walang emosyong sagot ng binata habang nakapatong ang baba sa tuhod nito at naglalaro. "Fine fine yung kotse ko sa labas... okay na ba yun?"naiinis na sambit ng dalaga na kinangisi ng binata. "Nasa Laguna siya ngayon."sagot ng binata na kinakunot ng noo ng dalaga. "Saan sa lagu---." "300 million kuya Dark...kuhanin mo si Kill at itago mo...siguraduhin mo ding wala siyang magagawa na kung ano sa sarili niya."sabat ng binatang si Luther na kinatingin ng dalagang si Lucy. "Call."nakangising sagot ng binata bago mag angat ng tingin kay Luther pagkatapos nitong itumba ang mga chess piece. --- "300 million?seriously?"nakakunot ang noong sambit ni Lucy habang nakatingin kay Luther na nagdidrive. "Para matapos agad ang usapan."sagot ni Luther na kinahilot ng sintido ni Lucy. "Kailangan lang naman natin ang location ni Killua para--." "Hindi safe na gumala gala si Killua alam mo yan... either may magawa siya sa sarili niya or Sa ibang tao."putol ni Luther kay Killua na kinatingin ni Lucy. "Dont tell me mas delikado pa si Killua kaysa kay Trigger?"tanong ni Lucy na kinadilim ng anyo ng binata. "Sa ibang paraan...oo"maikling sagot ni Luther na kinatigil ng dalaga. --- Nabitawan ng dalagang si Lucky ang hawak na baso ng--. "A-anong nangyari k-kina mama at papa?"nanlalamig na tanong ng dalaga habang hawak ang telepono. ["Sumabog ang sinasakyang kotse nina Mr and Mrs Devodskie kaninang umag--."] Pagkatapos nitong mabitawan ang telepono matutumba ito ng mabilis siyang saluhin ng binatang si Killua na kanina pa nakatayo sa likuran ng dalaga. "K-Kill sina p-papa."nakatulalang sambit ng dalaga habang tumutulo ang mga luha ng maiupo ito ng binata sa sofa napahagulhol ito ng iyak na dahilan para mapababa ang mga Villiegas. "Ohmygod!lucky girl!anong nangyari?!"nag aalalang tanong ng dalagang si Fatima bago umupo sa tabi ng dalaga na umiiyak. "Ate sina papa at mama w-wala na... ate."umiiyak na sambit ng dalaga habang yakap ni Fatima na naiiyak na ding inaalo ang dalaga. -- "Killua o-okay lang naman kung kami na lang ni Castro ang babalik sa mansyon."ani ng dalaga habang nagdidrive ang binatang si Killua. "Boss...hindi yata maganda mood ni Killua hayaan niyo na."bulong ng binatang si Castro na nasa backseat na kinabuga ng hangin ng dalaga at tumingin na lang sa labas ng bintana --- "Kasalanan mong lahat ito Lucky!"bungad ng dalagang si Destiny ng makitang umiiyak ang dalaga sa labi ng ama at ina nasa loob ng morgue. "Wala akon---." "May pumunta dito na mga lalaki at hinahanap ka!dahil sayo namatay sina papa!"bulyaw ng babae sasampalin ito ng dalaga ng saluhin yun ng binata. "Watch your words young lady."malamig na sambit ng binata bago bitawan ang namumulang kamay ng dalaga na agad ding napaatras ng makita ang pagdidilim ng mukha ng binata. "Lady Lucky."napatingin ang dalaga sa pinto ng pumasok si Mr.Jones ang attorney at kaisa isang taong pinagkakatiwalaan ng ama. "Kabilin bilinan ni Lord Leonardo na kung may mangyari mang masama sakanya...gusto niyang humingi ng tawad ngayon pa lang."panimula ni Mr.Jones na kinatigil ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD