11

647 Words
3rd Person's POV; "Hoy babae anong nangyari sayo?"tanong ng dalagang so Fatima ng bumaba si Lucky na nangingitim ang ilalim ng mata. "Si Kill?"antok na antok na tanong ni Lucky kay Fatima habang pababa. "Kasama ang private doctor ni mommy nasa taas sila ngayon."sagot ng dalaga habang tinitingnan si Lucky na parang zombie na naglalakad papasok ng kusina. "Hoy sis ayos ka lang ba talaga?"tanong ni Fatima bago sundan ang dalaga sa kusina na umiinom ng tubig. "Ate!nasaan si Lucky?!" *cough!*cough!* "Ano bang nangyayari sainyong dalawa... may nangyari ba?"tanong ng dalagang si Fatima habang pabalik balik ang tingin kay lucky na inuubo at Killua na nakatayo sa pinto ng kusina. "A-Ano tataas na ako."paalam ng dalagang si Lucky bago nakayukong nilampasan si Killua na sinusundan ang tingin ng dalaga. "Anong drama yun?inano mo yun Killua?"tanong ni Fatima sa binatang nakatingin kay Lucky habang papataas. "Si Friolle."bulong ng binatang si Killua habang hinihilot ang bridge ng ilong nito at nakapikit ng madiin. --- "Anong sinabi mo kay Master?"tanong ng binata kay Friolle na nasa field habang nag gogolf. "Wala naman akong sinabi."sagot niya habang nakangising tinatanya ang paghampas sa golf ball. "Bakit nagkakaganun si Master?"naiinis na tanong ng binata na kinikibit balikat ni Friolle. "Bakit hindi siya ang tanungin mo?"sagot ni Friolle na kinaismid ng binatang si Killua. Lucky's POV; "Wala naman na siguro si Killua sa baba."bulong ko bago tumayo sa kama. "Nagugutom na ako hindi pa ako nagbebreakfast at naglulunch."ani ko habang naglalakad palapit sa pinto. Nang pihitin ko na yung door knob at buksan...nahugot ko ang hininga ko ng may humila sakin at isandal ako sa pader na kinalamig ng buong katawan ko at kinainit ng pisngi ko. "K-Killua."bulong ko ng makita ko si Killua sa harap ko na matamang nakatingin sakin. "May nagawa ba ako Master para iwasan mo ako?"tanong ni Killua na kinalunok ko. "W-Wala." 'Paglumapit si Killua may gusto siya sayo.' 'Paglumapit si Killua may gusto siya sayo.' 'Paglumapit si Killua may gusto siya sayo.' Nang marinig ko nanaman yun mabilis akong umiwas ng tingin at kinagat ang ibabang labi ko. Ano bang nangyayari sayo Lucky?for petes sake hindi kana highschool student para mahiya pa at mailang. "Ganyan ba ang wala...hindi ka makatingin sakin ng diretso?"komento ni Killua na kinalunok ko at kinapikit ko ng madiin bago mag angat ng tingin at salubungin ang itim na itim na mga mata ni Killua. "Ayan nakatingin na ako?...ano pang--." Para yatang nagskip ang pag t***k ng puso ko at pag hinga ko ng yumuko si Killua at ilapit ang mukha sakin. "A-Anong g-ginagawa m-mo?"nauutal na tanong ko ng makitang sobrang lapit niya sakin yung tipong naamoy ko na ang mabango niyang hininga...amoy mint. "Namumula ka Master...nilalagnat ka?"nag aalala niyang tanong hahawakan niya ako ng tabigin ko yun at lumusot sa ilalim ng mga braso niya para makaalis sa pagkakakulong ko sa pagitan ng mga braso niya. "A-Ayos lang naman ako."ani ko bago dali daling bumaba habang hawak ang dibdib ko. Mygosh!may sakit ba ako sa puso?mamatay na ba ako...ang lakas ng t***k ng puso ko. Nang makapasok ako sa kusina mabilis akong kumuha ng tubig sa ref at ininom...baka sakaling kahit konti mahibnawan ako. 3rd Person's POV; "Nasaan si Lucky?!"bulyaw ng isa sa mga armadong lalaki na pumasok sa mansyon ng mga Devodskie. "Anong ginagawa niyo sa pamamahay ko?"walang emosyong tanong ng matanda habang pababa ng hagdan kasunod ang asawa at ilang tauhan ng matanda. "May usapan tayo Mr.Devodskie...oras na dumating sa wastong gulang ang anak niyo ipapakasal niyo sakin diba?"nag iigting ang pangang sambit ng binata habang nakatingin sa matanda na kasalukuyang nakatingin sa mga lalaki. "Pero sinabi ko din na..nakay lucky pa din ang huling desisyon...at mababalewala lang ang kasunduan kung matatalo mo ang taong itatapat ko sayo."walang emosyong sagot ng matanda na kinayukom ng kamao ng lalaki. "Matagal na akong nag aantay Mr.Devodskie."ani ng binata bago makipaglaban ng titig sa matanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD