15

716 Words
Lucky's POV; "Anong nangyari Killua?"tanong ko ng makitang nakatingin si Killua sa isang bulletin board mag lilimang minuto na kasi ito nakatingin dun. Hindi ko alam kung ano ang tinitingnan niya...yung artista na babae o lalaki. "Hoy!"ani ko habang hinihila ang laylayan ng suot ni Killua na kinatingin niya. "Anong tinitingnan mo?"tanong ko ng makita ang pagtataka nito. "Yung bulletin board."maikling sagot nito na bigla kong kinainis so?tinitingnan niya talaga yung baba--. "Gusot nanaman yang mukha mo."komento niya bago padaanan ng palad niya ang mukha ko. "Ano ba?!"naiinis na sambit ko bago tabigin yun at tumingin sa labas ng bintana ng kotse. Kainis na traffic ito hindi na nawala wala. "Nagugutom kana ba at mainit ang ulo mo?"tanong ni Killua dahil sa naiinis ako hindi ko siya pinansin. "Naawa ako kay Bullet."ani ni Killua. Yung sikat na artista ba ang tinutukoy niya?pano niya nakilala yun ni hindi nga yata ito nanonood ng T.V. Pero pano niya nakilala yung artista...ibig sabihin kilala niya din yung bab--." "Mas maganda pa yung Master ko sa girlfriend niya... nakakaawa hindi ba siya marunong pumili."napatingin ako kay Killua ng out of the blue na sambitin niya yun. Wait ako maganda? Matamang tinitingnan ko lang si Killua habang nakapatong ang mga braso nito at baba sa manubela at nakatingin sa bulletin board. "Gusto mo na bang kumain?"napakurap ako ng tumingin si Killua sa pwesto ko at tanungin ako. "H-Hindi ako gutom."sagot ko bago umiwas ng tingin at tumingin sa labas ng bintana. Natatakot ako...pigilan mo Lucky hindi ka pwedeng mahulog sa kupal na yan...delikado. Napahawak ako ng mahigpit sa dapat ng puso ko. "Hindi pwede."bulong ko. --- Pagtapak ko pa lang ng entrance ng company ko napuno na ng bulungan ang mga empleyado lalo na ng makita si Killua na nasa likod ko. "Yo boss."bati ni Castro ng makalapit samin at nagsalute. "May mga bisita kayo sa opisina niyo may appointment daw sila."bungad ni Castro habang papasok kami ng Elevator. "Sino daw?"tanong ko habang pinipindot ni Castro ang elevator. "Hindi ko na naitanong...sinabi lang din sakin ng secretary niyo."sagot ni Castro. Sino naman kaya ang bibisita ng ganito kaaga? --- "Thea?"ani ko ng pagbukas ko ng pinto bumungad sakin ang tatlong babae na nakaupo sa sofa. "Ohmygosh...ikaw ba talaga yan Lucky?"hindi makapaniwalang tanong ni Thea bago ako ihead to toe. "Ang ganda mo n--." "Magkano magpaplastic surgery?"tanong ng babaeng kasama ni Thea na kinakunot ng noo ko. "Excuse me."nakataas ang kilay na tanong ko. "Ano ba Vanessa?grow up hindi na tayo mga bata."saway ni Thea sa kasama niyang babae n--. "Master kinuhanan kita ng pagkain sa baba."napatingin kami parepareho sa pinto ng bumukas ulit yun at niluwa si Killua na may dalang mga paper bag kasunod si Castro na kinukulbit si Killua dahil tuloy tuloy itong punasok at nilagay yun sa table ko. "May bisita si boss."ani ni Castro na kinatingin samin ni Killua. "Hi."malanding sambit ni Vanessa...ow I knew it naalala ko na tss. "Sino ba namang makakalimot sa pinakatalanding babae sa campus."ani ko na kinalingon nina Thea. "What do you mean?"naiinis na sambit ni Vanessa na kinairap ko sa kawalan bago mag cross arm sa harap niya. "Wait...ano nga ba sabi mo kanina?plastic surgery?"tanong ko bago ni head to toe si Vanessa. "Turo mo nga sakin nasan ang tunay diyan?...kahit saan kasi ako tumungin puro plastic ang nakikita ko...at lahat FAKE."ani ko na kinalukot ng mukha ni Vanessa. Wala na dapat akong balak patulan siya pero dahil nagbago isip ko...nvm na lang. "Ika--." "Saang bundok ka ba nanggaling Killua at hindi mo sila kilala?"naputol ang sasabihin ni Vanessa at parepareho kaming napatingin sa table ko ng makita namin si Castro at Killua na nag uusap. "Pag hindi kasi importante hindi ko inaalam at inaalala."walang buhay na sagot ni Killua na mukhang kumakain ng ice cream habang nakatalikod sa pwesto namin. "Guys tama na yan...andito kami para iinvite ka Lucky."ani ni Joan bago ibaba ang isa invitation card sa coffee table at tumayo. "Magkakaroon tayo ng reunion next week sana makapunta ka...andun lahat ng kabatchmate natin."dagdag ni Joan bago ako irapan at maglakad palabas kasunod ni Vanessa na sumulyap pa kay Killua na kinairap ko sa kawalan. Landi talaga. "Pumunta ka Lucky...dahil may tao din na inaasahang pumunta ka.. gusto ka na din niyang mameet."ani ni Thea bago lumabas ng opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD