16

454 Words
Lucky's POV; "Nasaan sina ate?"tanong ko ng makitang wala ng gwardya sa mga mansyon tanging kami na lang ni Killua,Castor at Mr.Jones ang naiwan. "Nagpakuha sila sakin ng passport papuntang England mukhang duon na sila titira..for good."sagot ni Mr.Jones ng salubungin ako nito at yumuko. "Buti naman."bulong ko bago bumuntong hininga. "Atleast alam kong safe sila."dagdag ko bago maglakad papasok ng mansyon at ibagsak ang katawan ko sa couch bago bahagyang hilutin ang sintido ko. "Magpahinga kana."napaangat ako ng tingin ng makita kong may maglapag ng kape sa harap ko. "Pagod ako...mukhang mahihirapan nanaman ako nito makatulog."sagot ko na kinabuga niya ng hangin at umupo sa tabi ko. "Kailangan mong matulog namumutla kana at nanlalalim ang mga mata mo."sagot niya bago hawakan ang balikat ko at ihiga ako sa lap niya na kinasinghap ko ng magkasalubong ang mga mata namin. "Matulog kana."ani niya bago padaanan ng palad niya ang mukha ko na dahilan para mapapikit ako sandali. Dahil nga ayaw ko pa matulog minulat ko ulit ang mata ko at tinitigan siya hanggang sa bumaba ang tingin ko sa bandang collar bone niya. Dahil sa mukhang tinanggal nito ang coat at necktie niya tanging longsleeve na lang ang suot niya na bukas ang tatlong botones kaya mas naexpose ang tattoo niya...napansin ko din ang ilang peklat sa katawan nito. Gusto ko sanang magtanong pero.. "What's that face?"tanong ni Killua na kinatingin ko sa mukha niya. "Wala."sagot ko bago umiwas ng tingin at tumagilid para humarap sa kabilang direksyon. Gusto kong magtanong pero ayoko siyang matrigger... kung ano man yun siguradong masyadong sensitive kung ioopen ko dahil hindi siya magiging ganito kung hindi dahil sa kung anong tinatago at nakaraan niya. "Killua...may tanong ako."ani ko ng maramdaman kong suklayin niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. "Pwede mo nanaman ako iwan diba?napakababaw naman kasi ng dahilan mo para mag stay ka dito at pumasok sa gulo ng pamilya ko."ani ko bago pumikit. "Yung dahilan mababaw...pero yung taong dahilan kung bakit ako nandito...sapat na siguro yung rason para mag stay kahit delikado."sagot niya na kinamulat ko ng mata. "Killua natatakot na ako."ani ko bago pasimpleng hinawakang ang tapat ng puso ko. "Sabi sayo diba poprotek---." "Kung sasabihin ko sayong ayoko ng umalis ka...ayokong iwan mo ako."putol ko na kinatigil niya. "Hindi mo kilala ang taong pinagsstay mo sa tabi mo Master."sagot niya na kinangiti ko ng mapait. Sabi ko na nga ba iiwan niya din ako. Killua's POV; Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako tatagal. Pero kung may pagpipiliian lang ako gusto kong mag stay sa tabi mo...habang buhay. Gusto kong sabihin ang mga katagang yan...pero ayoko siyang umasa at masaktan sa huli. Dahil kahit ako hindi ako sigurado sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD