19

696 Words
3rd Person's POV; "Kyaaah!si Fear!"tili ng mga estudyante sa labas ng classroom ng dalaga na kinatingin nito. "Ang cool niya talaga."komento ng dalaga ng makita ang binata na nakajacket at headset kasama ang ilan sa tropa nito. "Gwapo pala talaga siya."bulong ng dalaga ng mapagmasdan ang binatang nakangisi ngayon at nakikipag usap sa mga kaklase niyang babae. "Hoy Girl."napatingin ang dalaga sa babaeng nangangalanv Fatima ng bigla itong umupo sa tabi ng dalaga habang kumakain ng kung ano. "Dont tell me interesado ka rin sa asungot na yan."komento ng dalaga na kinalaki ng mata ni lucky at namumulang umiwas ng tingin. "Hala ka nagbublush siya!...hoy girl wag kang magtitiwala sa mga kupal na yan."paalala ng dalaga bago ilapit sa mukha ng dalagang si Lucky. "Kung may dapat kang iwasan...yung kakambal ko na yun at si Friolle."dagdag ng dalaga na kinasimangot ni Lucky. "Mga kapatid mo kaya yung sinisiraan mo sakin...at mabait si Fear niligtas niya ako kanina muntikan na akong mabangga ng skateboars ni Friol--." "Wait sigurado ka bang si Fear yun?"hindi makapaniwalang tanong ng dalaga habang nakakunot ang noong nakatingin sa dalaga. "Tinawag ni Friolle na Fear yung lalaking nakahood."sagot ng dalagang si Lucky na halatang hangang hanga ito sa binata. Samantalang ang dalagang si Fatima nakatingin lang sa hawak na pagkain na tila malalim ang iniisip. --- "Yo Caddy my brother...himala pumasok ka."komento ng binata ng makita ang lalaking nakahiga sa sahig ng rooftop at nakatingin sa kalangitan. "Sa eskwelahan lang na ito may laya ako...wala akong buntot."bored na sagot ng binata bago pumikit ng madiin at damhin ang hangin. "Don tell me babantayan mo din ako."tanong ng binata ng maramdamang naglakad palapit sakanya ang lalaki at umupo sa tabi ng hinihigaan nito. "Baka tamaan ka nanaman ng saltik mo sa utak maisipan mong tumalon dito sa rooftop."balewalang sagot ng lalaki. "Thanks sa suggestion."sagot ng binata na kinabuga ng hangin ng lalaki bago sipain ang skate board na dala palayo. "Lakas na talaga ng tama mo sa utak."komento ng lalaki na kinangisi ng binata. --- "Ahm..h-hi Fear."nauutal na sambit ng dalaga sa harap ng binatang si Fear na nakikipagtawanan sa mga tropa niya sa field. Nang mag angat ng tingin ang binata nakaramdam ng kaba si Fear lalo na ng makaagaw siya ng pansin sa mga estudyanteng nakatambay. "F-Fear...a-ano--." "Anong kailangan mo...Nerd?"tanong ng binata bago siya ihead to toe na mas lalong kinakaba niya. Lumunok ng ilang beses ang dalaga bago ilabas ang hawak niyang papel at---. "GUSTO KITA FEAR!"sigaw ng dalaga bago iabot yun at nakapikit ng madiin habang nakayuko na----. "Pft hahaha!ibang klase talaga karisma mo Pare pati nerd nagkakagusto sayo!" "Hahaha langya." Napuno ng kantyawan at tawanan ang field pagkatapos magtapat ng dalaga. "Isang Campus hearthrob ang kausap mo ms."napaangat ng tingin ang dalaga ng tumayo ang binata habang nakapamulsahan. "At wala tayo sa libro para bumagay ang nerd sa hearthrob."dagdag ng binata na kinatawa ng lahat na kinagilid naman ng luha ng dalaga. "Pero kung Virgin ka pa...pwede ng pagtiyag---." *paaak* Napatigil ang lahat ng tumagilid ang mukha ng binata ng sampalin siya ng dalaga na nagsisimula ng umiyak bago tumakbo palayo at binitawan ang hawak nitong sulat. "Hhmm."ani ng isang binata na nakakita ng sulat at damputin yun. "Hahaha aray sakit nun!" "Tangina mo!"mura ng binatang si Fear habang hawak ang pisngi at nakatingin sa mga tropang nagtatawanan. "Para sayo yata ito."napatingin ang binatang si Fear sa lalaking nakahood at headset na kinatahimik ng mga estudyante. "Yan yata yung hawak ng nerd na yun...peste sakit manampal anong masama sa sinabi kong kung virgin pa siya pwede ng pagtiya--." Naputol ang sasabihin ng binata ng kwelyuhan siya ng lalaki na dahilan para mahulog ang suot nitong hood at headset na dahilan para makita ang pandidilim ng anyo ng binata hawak ang sulat ng dalaga. "Binabalaan kita Fear...oras na galawin mo ang babaeng yun...kahit kapatid kita hindi kita sasantuhin."malamig na sambit ng lalaki at walang kaano anong tinulak ang binatang si Fear at mapaupo ito sa bench. "Anong nangyari pre?"tanong ng isa sa mga tropa ni Fear na kinaismid ng binata at ayusin ang suot nitong uniform. "Baliw ang isang yun."ani ng lalaki bago nakangising sinundan ng tingin ang binatang papalayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD