Lucky's POV;
"K-Killua."nauutal na sambit ko ng makita ko si Killua.
"Bakit ka andito?at anong ibig sabihin nito?"tanong ko ng---.
"Naalala mo pa ito?"tanong niya bago magbaba ng isang papel na nakaplastic..nakacover pa ito na parang sobrang halaga nito.
Pero mas nagulat ako ng makita ang cover nito.
"Yung sulat na yan...pano napunta say---."
"Napagkamalan mong si Fear yung nagligtas sayo sa hallway."sabat ni Friolle na kinatigil ko.
"Hindi pangalan ko nakasalat dito pero iningatan ko pa din."ani ni Killua bago ilagay yun sa suot niyang jacket.
Hindi ko alam kung anong irereact ko ng malaman ko yun...naiinis ako,naiiyak at the same time masaya...dahil nalaman kong hindi talaga si Fear ang first love ko...pero...nasasaktan ako.
"Aalis na ako."paalam ko bago tumayo dala ang bag ko at nanakbong lumabas ng restaurant.
All this tume pinaikot ako ng magkakapatid na yun ilang beses akong nasaktan dahil sakanila...so Fear na manloloko,si Friolle na bigla bigla na lang nangiwan sa ere at si Killua na madaming sekreto.
"Master!"rinig kong tawag ni Killua bago ako hablutin at iharap sakanya.
"Ano nanaman ba?! Im tired of this s**t Killua,Cadmus or kahit sino ka man!...tama na ang laro Killua masakit na...sobrang sakit na!"bulyaw ko bago malakas na hampasin siya sa dibdib at itulak.
Pero bago pa ako makawala hinila niya ako palapit sakanya at niyakap ng mahigpit na kinaiyak ko.
"Tama na Killua...tapusin na natin ito*sob*layuan mo na ako...wag kana lumapit sakin."naiiyak na sambit ko habanv paulit ulit ba sinusuntok ang dibdib niya sa pagitan ng mga yakap niya sakin.
"Ayoko na*sob*...kung gaano ka kalapit sakin...ganun din kalalim ang pagkahulog ko sayo...sa sobrang lalim hindi na ako makahinga...natatakot ako na hindi na ako makaahon pa."humihikbing sambit ko at parang batang nakasubsob sa pagitan ng mga dibdib ni Killua.
"Ilang taon ako nag tiis Lucky..Ilang taon ako nakuntentong tumingin sayo mula sa malayo...ngayon pa ba kita papakawalan kung kailan hawak at yakap na kita?"ani ni Killua na kinatingala ko.
"Kahit sandali at ngayon lang..baka pwedeng hayaan ko muna ang sarili kong maging selfish...maging masaya...kahit sandali lang."makahalugang sambit niya bago yumuko at siilin ako ng halik na kinagulat ko.
Nang maghiwalay ang labi naming dalawa yung puso ko parang lalabas na lalo na ng---.
"Mahal na mahal kita Master."ani niya bago ngumiti at hawakan ang dalawang pisngi ko na hilam ng luha kanikanina lang.
"M-Mahal mo ako?"hindi makapaniwalang tanong pero bago siya makasagot.
May mga humintong van sa likuran niya at---.
"Killlua!"sigaw ko bago itulak si Killua at---.
"M-Master."