06

693 Words
3rd Person's POV; Napahilot sa sintido ang dalaga ng makitang ilang ward ang naging akupado sa ospital na pag mamay ari niya dahil sa ilang daang estudyanteng nabugbog ng binatang pretenteng nakaupo sa isang bench sa entrance ng ospital. Ilang minuto na siyang nakatayo dun pero patuloy pa din ang pagdating ng mga ambulasya at daing ng mga estudyante habang papasok ng ospital. "Grabe Killua ikaw lahat bumugbog sa mga estudyante?"hindi makapaniwalang tanong ni Castro habang nakatingin sa mga estudyanteng nakahiga sa stretcher. "Kung ako talaga bumugbog sa mga yan hindi sa ward bagsak ng mga yan kundi sa emergency room o sa morgue na."walang buhay na sambit ng binata na kinangiwi ng binatang si Castro. "Killua bakit mo naman ginanun ang mga estudyante?"tanong ng dalaga habang naiinis na hinihilot ang bridge ng ilong niya at nakapikit ng madiin. "Nakita mo naman Master sila sila ang nagkatamaan ni hindi nga ako gumamit ng kamay."sagot ng binatang si Killua. "Arayyy ang ulo ko mamatay na yata ako." "Mommmy ang balakang ko masakit." "Ang hita ko aray!dahan dahan." "Pag ako namatay yari kayo sa mama ko!" Lucky's POV; Napabuga na lang ako ng hangin paglabas ko ng opisina ni papa ng paulanan nanaman ako ng sermon. "Ikaw wag mo na ulit gagawin yun kita mo napagalitan tayo ni papa."ani ko ng lumabas na din si Killua. "Eh di sana master sinabi mong tanggapin ko na lang mga suntok nila."balewalang sagot niya.. Ang galing ah ako pa may kasalanan tss. "Tara na nga sabayan niyo na lang ako kumain ang dami kong ginawang report kanina dahil sa ginawa ni Killua."yaya ko kina Castro habang pababa ng hagdan. "Ilang beses ko ng sinabi Joshua ayoko na!"pagbaba namin nakita ko si Ate Grace at ang boyfriend nitong si Joshua kasama ang mga tauhan nito. "Ang dami ko na ring ginastos sayo tapos iiwan mo na lang ako ng ganito!"sigaw ng boyfriend ni ate na kinairap ko sa kawalan. Ilang beses ko ng narinig yan sa mga ex ni ate...naghahanap lang naman ng boyfriend si ate para sa mga needs niya in short mukhang pera si ate Grace hindi naman kasi ito nagtatrabaho...kaya wala itong pera pambili ng mga alahas at signature bag niya. "Eh ayoko na duhh sawa na ako say--."naputol ang sasabihin ni ate ng hablutin siya ni Joshua at dun na nagkatutukan ng baril. "Bitawan mo nga ako!baka nakakalimutan mo nasa pamamahay kita!"sigaw ni ate. "Mawalang galang na Mr.Hanson pero mas mabuting bitawan niyo na si Lady Grace."ani ng isa sa mga gwardya ni ate habang nakatutok ang baril nito sa ulo ng ex ni ate. "Killua."ani ko agad namang bumaba si Killua at lumapit sa mga taong nasa sala. "Naiirita si Master ang ingay niyo kaya pwede dun na lang kayo sa labas."ani ni Killua na muntikan ko ng ikatumba sa kinatatayuan ko na kinatawa ni Castro. "May kaslowan din pala ang alaga mo boss."komento ni Castro na kinailing ng dalaga. "Sino ka ba at nangingialam ka dito ha?!"sigaw ni Joshua bago itulak si Ate Grace na agad namang nasalo ni Killua. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong naininis kaya naglakad na din ako papunta sa sala na kinatingin ni Killua at muntikan pang matumba si ate ng bitawan ito bigla ni Kill buti naman dahil ako na ang puputol sa kamay niya. "Mawalang galang na Mr.Joshua Hanson pero nakahara kayo sa daanan kaya pwede ba tumabi kayo."naiinis na sambit ko ng makita kong natulala sakin si Joshua. "Lucky ikaw ba yan?"tanong ni Joshua na kinairap ko sa kawalan. "Hindi ko iniexpect na papatol ka sa kapatid ko...parang ng umamin ako sayo dati sabi mo ayaw mo saakin dahil sa papa ko."ani ko na kinatigil ni Joshua. "Killua tara na nagugutom na ako."ani ko kay Killua lalampasan ko na si Joshua ng hawakan ako nito sa braso. "Hoy Joshua!"tawag ni ate Grace kay Joshua bago tabigin ni Killua ang kamay niya na kinabigla ko. "Dont touch her."malamig na sambit ni Killua na kinaangat ko ng tingin. Na agad namang kinaatras ni Joshua at ilan sa mga tauhan nito ng makita ang pagdidilim ng mukha ni Killua. Kahit yata ako gusto ko ng tumakbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD