05

797 Words
3rd Person's POV; "Anak ayos ka lang ba nasugatan ka ba?"nag aalalang tanong bungad ng ginang sa dalagang si Lucky ng kinagabihan dumating ang dalaga kasama ang binatang si Killua. "Okay lang ako mama."sagot ng dalaga bago makipagbeso sa ina at humalik sa ama na pretenteng nakaupo sa sofa. "Na report na ni Castro ang nangyari sayo kanina...hayaan mo bukas na bukas din papalita--.' "Hindi na papa...tama na sina Castro at Killua sakin."putol ng dalaga sa ama. "Gusto mo na ba talagang mamatay Lucky!"naiinis na sambit ng ama bago tumayo at masamang tiningnan ang anak. "Im tired papa...kung oras ko na oras ko na at ayaw ko ng may mamatay pa dahil sakin... tama na papa."sagot ng dalagang si Lucky bago tumaas nasa lubong nito ang ilan sa mga kapatid pero ni hindi man lang nito tinapunan ang tingin. "Hi Kill."bati ng dalagang si Grace sa binata pero yumuko lang ng konti ang binata at nilampasan na ang mga dalaga at sinundan ang amo. "Master."ani ng binata ng makita ang dalaga sa veranda kung saan kitang kita ang maliliit na bahay sa ibaba. "Iwan mo muna ako Kill gusto kong mapag isa."ani ng dalaga. "Dito lang ako Master..dont worry hindi ako magsasalita."sagot ng binata pero nanatiling tahimik ang dalaga. "Aanhin ko ang karangyaan kung wala naman akong kalayaan...ang hirap ng ganito."ani ng dalaga bago pumikit ng madiin. --- "Grabe tayong dalawa na lang talaga dito?"komento ng binatang si Castro bago umupo sa papag na higaan nito kasunod si Killua. "Ilang buwan kana dito?"tanong ng binatang si Killua habang naghuhubad ng sapatos. "Magtatatlong taon na din."sagot ng binata bago humilata sa papag. "Si Lady Lucky...umiiyak tuwing may namamatay sa mga bantay niya...na parang hindi nagbabayad ang ama niya para mamatay kami... para lang sa kaligtasan niya."ani ng binatang si Castro na kinatingin ni Killua. "Ibig sabihin hindi lang yun ang unang beses?"tanong ng binata na kinatingin ni Castro na parang nagtataka sa tanong niya. "Hindi ba sinabi sayo ni Mr.Jones na pinuno ng isa sa pinakamalaking mafia sa buong mundo si Mr.Devodskie?"balik na tanong ng binata. "Wala siyang binanggit."sagot ng binatang si Killua bago hubarin ang suot nitong coat. "Kaya nga wag ka ng magtaka kung may mga taong gustong pumatay sa limang anak na babae ni Lord Devodskie... malamang sa malamang gagamitin nila sina Lady Lucky para mapabagsak ang matanda."ani pa ng binata. "Pero alam mo ba bilib ako kay Lady Lucky malakas ang loob niya...lumalabas si Lady Lucky in public... personal siyang nagtatrabaho at hindi umaasa sa iba kumpara kina Lady Destiny na nagtatago at kung lalabas man daig pa ang presidente ng pilipinas sa dami ng gwardya.. kaso lang yun nga madalas tinatarget si Lady Lucky ng mga kalaban ng ama dahil ito lang ang madalas lumalabas."dagdag pa ng binatang si Castro bago tumingin kay Killua na nakatingin sa kawalan. "Kaya nga ako ibubuwis ko talaga ang buhay ko maging safe lang si Lady Lucky dahil deserve niya pa ang mas mahabang buhay at madami pa siyang taong natutulungan."ani ng binata na kinatingin ng binatang si Killua. --- "Hindi ako makakapayag na ipahiya ako ng ganun na lang ng babaeng yun!"sigaw ng lalaki bago malakas na hampasin ang lamesa na kinatingin ng ilang binata na pretenteng nakaupo. "Ang dami mo naman kasing papatusin yung dean pa natin anak pa ng isang mafia boss ah."sabat ng isa sa mga binata. "Kyaaah!ohmygosh andiyan na ulit si pogi" Napatingin ang mga binata sa labas ng magtilian ang mga kaklaseng babae sa lalaking buntot ng dalagang si Lucky. "Sino yun..boyfriend ni Lucky?"tanong ng isa pa sa mga binata habang ngumunguya ng bubble gum. "Yun yata yung lalaking bumanat sakin sa mansyon ng mga Devodskie...tara."ani ng binata bago naglakad palabas ng classroom dala ang baseball bat nito. --- "Ohmygod sina Nathan." "Nakakatakot siguradong gulo nanaman ito."nagkanya kanyang takbuha ang mga estudyanteng babae papasok ng classroom habang ang mga lalaki naman ay sumabay sa lakad ng binatang si Nathan. "Ano nanaman ang kailangan mo Nathan?"nakakunot ang noong tanong ng dalaga habang nakatingin sa mga estudyanteng nasa likod ng binata. "Sayo Ms.Dean wala...pero diyan sa lalaking kasama mo meron."nakangising sambit ng binatang si Nathan bago mahinang hinahampas ang railing sa gilid nito. "Gusto niyo talagang maexpell noh?"ani ng dalaga bago harangan si Killua. "Bumalik na kayo sa mga classroom niyo."utos ng dalaga. Tatabigin siya ni Nathan ng saluhin yun ng binata at pilipitin. "Ahhh!"sigaw ng binata ng baliit yun ng binatang si Killua. "Ni sa lamok hindi ko pinadadapuan ang Master ko tapos hahawakan mo gamit ang madumi mong kamay?"walang buhay na sambit ng binata bago sipain ang tuhod ng binatang si Nathan na mas kinahiyaw ng estudyante. "Nathan!"sigaw ng ilan sa mga kaibigan nito. "Killua!"sigaw ng dalaga ng sunod na lumapit ang mga estudyante na may dala ng kung ano ano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD