CHAPTER 7

1745 Words
CHAPTER 7 Agad na napakunot ang noo ni Kurt nang malayo pa lang siya sa kanilang bahay ay natanawan na niya ang isang pamilyar na sasakyan. Nakaparada iyon sa mismong tapat ng bakuran nila. Hindi na niya kailangan makapasok para malaman kung sino ang nasa loob ng kanilang bahay. He knew very well kung sino ang nagmamay-ari ng kotseng iyon. Matapos iparada ang kanyang motorsiklo sa tabi ng sasakyan ay tuloy-tuloy na siyang naglakad papasok ng kabahayan. Sa may entrada pa lang ay naririnig na niya ang tinig ng mga nasa loob--- ang kanyang ina at si Emilio, ang kanyang ama. Nang mapansin ng mga ito ang kanyang presensiya ay kapwa pa napalingon ang dalawa sa kanya. Nasa sala ang mga ito. Ang kanyang ama ay nakaupo sa pang-isahang sofa habang ang kanyang ina ay nakapwesto sa mahabang sofa. Sa center table sa tapat ng mga ito ay nakapatong ang dalawang tasa ng kape. "Kurt..." wika ng kanyang ina sabay tayo upang lapitan siya. "Nariyan ka na pala. Y-Your... Your father is waiting for you---" "Magbibihis lang ako, ma," bigla niyang wika dahilan para mahinto ang kanyang ina sa pagsasalita. "Kurt," maagap na sabi ni Emilio. Katulad nila ay nakatayo na rin ito at mataman na nakatitig sa kanyang mukha. Kurt looked at him with equal intensity. Hindi niya alam kung bakit naroon ito ngayon. In the first place, hindi niya maintindihan kung paanong nagagawa ng kanyang ina na pakiharapan ito nang maayos sa kabila ng pang-iiwan nito sa kanila noon dahil sa ibang babae. "I need to talk to you, Kurt." "Wala tayong kailangang pag-usapan. If you'll excuse me, I'll go to my room." "Kurt," singit naman ni Wilma sa usapan. "Why don't you listen first to your father? Kanina pa siya narito at naghihintay sa iyo." "Sinabi ko ba na hintayin niya ako? He can go home, mama," he snapped. "Kailan ka pa naging bastos makipag-usap sa magulang mo, Kurt?" Emilio blurted out. Mababa pa rin ang tinig nito pero rinig doon ang diin. Alam niyang hindi nito nagustuhan ang naging sagot niya sa kanyang ina. He faced him. Hindi siya nagpatinag at handa pa sanang sagutin ito kung hindi niya lang naramdaman ang paglapit sa kanya ng kanyang ina at ang paghawak nito sa isa niyang braso. "Please, Kurt. Walang kailangang pagtalunan," saad ni Wilma. "Just talk to your father." Wala siyang nagawa kundi ang harapin si Emilio. Imbes na magtuloy sa kanyang silid upang magbihis ay naupo na lamang siya sa mahabang sofa at hinarap ang ama. Si Wilma naman ay mataktikang nagpaalam sa kanila at nagdahilan na maghahanda ng hapunan para sa gabing iyon. "Hindi dapat ganoon ang pakikipag-usap mo sa iyong ina, Kurt," narinig niyang saway ng kanyang ama nang sila na lamang na dalawa. "So, why are you here?" tanong niya sa halip na pansinin pa ang mga sinabi nito. "You know why I'm here, hijo. It's still about my offer. Hindi magbabago ang alok ko sa'yo---" "At hindi rin magbabago ang sagot ko, papa," mariin niyang wika. "I'm fine here. We are fine here. Hindi ko na kailangan pang tanggapin ang alok mong ilagay ako sa gold tier para lang makapag-aral sa Montecillo University. I'm fine being just a bronze tier." "Bakit kailangan mong tanggihan ang mga bagay na para sa iyo, Kurt? Nag-iisa kitang anak. Lahat ng mayroon ako ay para lang din sa iyo." "At sa bago mong asawa," dugtong niya sa mga sinabi nito. "Aura has nothing to do with it," tukoy nito sa bagong kinakasama. "Alam niya na laan para sa iyo ang posisyon na iiwan ko sa kompanya. That company is yours as my son." Matagal na hindi siya nakapagsalita. Being his son, he knew about it. Siya lang ang anak ni Emilio at alam niyang darating ang araw na sa pangalan niya mapupunta ang kompanya ng mga Madrigal. Ngunit dahil sa mga nangyari sa kanyang mga magulang ay hindi na niya nais pang hawakan iyon. He wanted to stand on his own. Nagawa naman nila mula nang iwan sila ng kanyang papa, magagawa pa rin nila iyon ngayon. Nang hindi siya umimik ay nagpatuloy ang kanyang ama sa pagsasalita. "Nag-usap na rin kami ng iyong mama tungkol sa plano ko sa iyo, Kurt." Kunot-noong napabaling siya dito. "What do you mean?" "Kanina habang naghihintay ako sa iyo ay nasabi ko na ito kay Wilma," saad nito. "I am planning to bring you to US. Graduating ka na ngayong taon. At kapag nakapagtapos ka sa Montecillo University ay gusto kong mag-masteral ka sa ibang bansa. If you do that, there---" "Wait..." napapailing niyang awat dito. "What made you think that I will agree on that? Ang pagsustento mo nga para maging gold tier ako sa MU ay tinanggihan ko, iyan pa kaya?" "That is for your own good." "And how do you know what is good for me?" marahas niyang saad dito. Napatayo na siya mula sa kanyang kinauupuan at naiinis na tinunghayan ito. "Alam mo rin ba na mabuti para sa akin ang buong pamilya?" "Kurt!" Agad siyang napalingon sa may entrada ng kusina nang mula roon ay narinig niya ang tinig ng kanyang ina. Nakatayo ito roon at nagsasaway na nakatitig sa kanya. "You shouldn't be talking to your father like that," patuloy pa ni Wilma. Hindi sinasadya na napaismid siya dahil sa mga sinabi nito. "Really, ma? Paanong nakakaharap kayo nang ganyan sa papa matapos ng mga ginawa niya? He left us because of another woman, just in case you forgot." "Kurt, hindi mo alam ang totoong nangyari. If you would just---" "No need to explain to him, Wilma," malumanay nang saad ni Emilio. Nakatayo na rin ito nang awatin sa pagsasalita ang kanyang ina. "What do you mean?" tanong niya partikular sa kanyang ina. Ang mga sinabi nito kanina ay nakakuha sa kanyang atensiyon. Anong totoong nangyari ang tinutukoy nito? "Darating din ang araw na lalapit ka sa akin, Kurt. Hindi man ngayon pero kakailanganin mo rin ang tulong ko. Hindi kita pipilitin sa nais mo ngayon. But let me just remind you, sa'yo mauuwi ang kompanya, sa ayaw o sa gusto mo. So, you better prepare yourself for that," mahabang pahayag ni Emilio. Pagkawika ni Emilio ay nagpaalam na ito sa kanila bago tuluyang lumabas ng bahay. Hinatid pa ito sa labas ng kanyang ina. Nang maiwan mag-isa si Kurt ay agad siyang nahulog sa malalim na pag-iisip. Hindi niya maiwasang isipin ang kanina ay sasabihin sana ng kanyang ina. May hindi ba siya nalalaman? May hindi ba sinasabi ang mga ito sa kanya? He heaved out a deep sigh. Hindi niya rin nakalimutan ang alok ng kanyang ama. Inaakala ba nito na basta na lamang siyang papayag sa nais nito at pupunta ng ibang bansa para doon ipagpatuloy ang pag-aaral? He won't do that. Hindi siya aalis ng bansa. Una na ay hindi niya maiiwan ang kanyang ina. Hindi niya magagawa iyon. Kasabay ng pag-iisip niyon ay ang agad na pagguhit ng isang mukha sa kanyang isipan. Sa hindi malamang dahilan ay basta na lamang iyon lumitaw sa kanyang isipan. Isa rin kaya ito sa mga rason kung bakit hindi niya nais pang umalis ng MU at ng bansa? NANG SUMUNOD na araw ay sadyang kinausap ni Maxine si Kurt nang matapos ang kanilang klase. Nakatakda silang magkita ulit bukas para mag-aral ngunit sa isang kadahilanan ay hindi niya magagawang makipagkita dito. Kaya naman, nang matapos ang huling klase nila ay sinadya niyang lapitan ang binata para kausapin. "Kurt...." tawag niya dito. Sa pasilyo na niya naabutan ito dahil katulad nang mga nagdaang araw ay lagi itong nauuna sa paglabas ng kanilang silid. Lumingon sa kanya ang binata at nagtatakang tumitig sa kanya. "Why?" anito sa seryosong tinig. She swallowed hard. Napahawak pa siya nang mahigpit sa strap ng kanyang bag bago nagsalita. "We are supposed to meet tomorrow," simula niya dito. "B-But for some reason, I can't meet you, Kurt." Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Kurt. Nakatunghay pa rin ito sa kanya sa seryosong paraan. "Why?" tipid nitong saad. "May lakad ako with my aunt. M-May kailangan lang kaming asikasuhin for my... for my birthday next month." Sa pagkakataon na iyon ay nakitaan niya ng pagbabago ang mukha ng binata. Napatayo ito nang tuwid bago niya narinig ang marahan nitong pagtikhim. "So... it's your birthday." "Yeah," aniya. "I-I... I'll send you an invitation once it's---" "Hindi ako nababagay sa sirkulasyong mayroon ka, Miss Gold Tier. Thanks, but I can't come." Hindi niya alam kung bakit gusto niyang makaramdam ng pagkapahiya. It's not always that she would invite someone personally. Madalas ay ang kanyang Auntie Cara ang nag-aasikaso ng mga pagdiriwang sa pamilya nila. Itatanong lang nito kung sino ang mga nais niyang maging bisita pero kadalasan ay ito na ang nagpapadala ng mga imbitasyon. Ito ang unang pagkakataon na siya ang mismong nag-aya sa isang tao. Kay Kurt lang. Pero heto ang binata at harapan din siyang tinanggihan, hindi pa man siya tapos magsalita. "H-Hindi ko naman---" "Just enjoy your day, Miss Gold Tier. Hindi na kailangan na naroon ako." She lost for words to say. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa binata. Hanggang sa mayamaya ay napansin niya ang paglampas ng titig nito sa kanyang mga balikat. Pumihit siya sa kanyang likuran upang sundan ang hinayon ng mga mata nito. Ilang hakbang mula sa kinaroroonan nila ni Kurt ay nakatayo sina Melissa at Emily. Nagtatakang nakamasid ang mga ito sa kanila. Alam niyang nagtataka ang mga ito. Magkakaklase silang lahat ngunit alam ng mga ito na hindi siya malapit kay Kurt. Ni walang alam ang kanyang mga kaibigan sa pag-tutor na ginagawa niya sa binata. "I guess you have some explaining to do to your friends, Miss Gold Tier," narinig niyang sabi ni Kurt mula sa kanyang likuran. "As expected, hindi alam ng mga kaibigan mo ang palagi nating pagkikita." Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay nakaringgan niya ng pang-uuyam ang tinig nito. Iniisip ba nito na itinago niya sa kanyang mga kaibigan ang tungkol sa pagtatagpo nila? For the second time, she lost for words to say. Narinig niya na lang mula sa kanyang likuran ang papalayong hakbang ng binata. Kung ano man ang iniisip nito tungkol sa pagtatago niya sa kanyang mga kaibigan ng tungkol sa pag-tutor niya dito ay hindi niya alam. Gusto niyang isipin na guni-guni niya lang ang nakita niyang hinanakit sa mukha nito. Why? Bakit naman makararamdam ng ganoon ang binata?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD