CHAPTER 20

1943 Words
CHAPTER 20 "Where have you been, Maxine?" mariing tanong ni Leandro nang tuluyan siyang makalapit dito. Maging ang mga titig na iginagawad nito sa kanya ay seryoso at nahihinuha niyang hindi nito nagustuhan ang nakitang pagdating niya sa unibersidad sakay ng motorsiklo ni Kurt. "U-Uncle, si... si Kurt ho, kaklase ko," saad niya sa mahinang tinig. Because of what she said, Kurt abruptly turned to look at her. From her peripheral vision, she could see him staring at her, waiting for her to say something else. At alam niya kung ano ang hinihintay nito. Iyon ay ang ipakilala niya ito sa kanyang tiyuhin bilang kasintahan niya. She cleared her throat. Akmang ibubuka niya ang kanyang bibig upang magsalita pa ngunit inunahan na siya ng kanyang Uncle Leandro. "Sa maraming pagkakataon ay lagi kang umuuwi nang mas matagal kaysa sa mismong oras ng huli niyong klase, Maxine. Your reason was because you're studying with your friends." Saglit itong huminto sa pagsasalita at tinitigan si Kurt. Then, he looked at her again as he continued to talk. "Nagsisinungaling ka sa amin ng Auntie Cara mo?" "It's not like that, uncle. Ang totoo ho ay talagang---" "I can explain, sir," mabilis na singit ni Kurt sa kanyang pagsasalita. Nang lumingon siya dito ay nakita niya pa ang katatagan sa mukha nito. Matapang pa nitong sinalubong ang titig ng kanyang tiyuhin. "Huwag niyo ho sanang pagalitan si Maxine," wika pa ng binata. "Get in the car, Maxine," maawtoridad na wika ni Leandro. Nagsalita ito ngunit ang mga mata'y nakatutok pa rin kay Kurt. "U-Uncle, I'm sorry..." sambit niya sa mahinang tinig. Leandro looked at her. "You are a college student now, Max. I don't want you to think that I'm treating you like an elementary student but your lies could never be justified just like that. Now, get in the car." Agad na nanubig ang kanyang mga mata dahil sa luhang gustong kumawala mula roon. That was the first time his Uncle Leandro talked to her like that. Yes, he was strict. May mga pagkakataong napagalitan na rin sila nito nang bata pa dahil na rin sa kakulitan. But seeing his expression right now, she knew he's mad because of learning that she lied. At alam niyang kasalanan niya rin. Naglihim siya. Oo at nasa library nga siya, nag-aaral. Ngunit hindi tulad ng mga iniisip ng mga ito. She's not with her friends. Si Kurt lang ang madalas niyang kasama. At nitong mga nakaraang araw ay totoong nagsinungaling na siya. Hindi na siya sa library naglalagi tulad ng mga paalam niya sa mag-asawang Leandro at Cara. May mga pagkakataon na kasi na nagtutungo nga sila sa salon nina Kurt at babalik na lamang sa MU bago pa man dumating si Mang David. Hindi nga naiiba ang hapon na iyon. Sadyang napasarap ang usapan nila kasama ang ina ni Kurt dahilan para hindi niya namalayan ang oras. And worst, ang kanyang tiyuhin ang naghihintay sa kanya sa unibersidad at hindi si Mang David. She swallowed hard. Marahan siyang napalingon kay Kurt at nakita itong nakatitig din sa kanya. They looked at each other momentarily. Then, after a while, Kurt nodded at her. Wari bang nag-uudyok ito sa kanya na sundin na ang sinasabi ng kanyang tiyuhin. Hindi niya pa sana gustong umalis. Hindi niya gustong iwan na lamang ito roon. Dama niya, hindi man nito sabihin, nasaktan ito nang ipakilala niya bilang isang kaklase lamang. And she wanted to rectify that. Kung paano niya gagawin ay hindi niya pa maisip. Ang alam niya lang, kapag sinabi niya iyon sa kanyang Uncle Leandro ngayon ay madadagdagan ang galit nito dahil sa pagsisinungaling niya. Tears started to fall from her eyes. Hindi niya napigilan. Hindi niya pa man sana gustong gawin ngunit tumalikod na siya at tuloy-tuloy nang lumapit sa sasakyan ng kanyang tiyuhin at sumakay na sa may passenger's seat niyon. Ilang saglit na siyang nakaupo roon ngunit nanatili pa muna si Leandro sa harap ni Kurt. Kita niya ang pagbuka ng bibig nito tanda na may sinasabi ito sa binata. Kung ano man iyon ay wala siyang ideya. Until her uncle walked towards the car. Sumakay na ito sa driver's seat at walang salitang binuhay na ang makina ng sasakyan. Hindi niya pa napigilang tumingin sa may side mirror at nakita roon ang repleksiyon ni Kurt. Nakatayo lamang ang binata habang nakasunod ng tanaw sa papalayo nilang sasakyan. Waring pinipiga ang puso niya habang nakatingin dito. "I can't believe you could lie to us like that, Maxine," narinig niyang sabi ni Leandro. Nasa tinig nito ang galit. "I-I didn't mean it, uncle," sagot niya. "Maniwala kayo, nang una'y totoong lagi ako sa library. We're really studying." "At ang lalaking iyon ang kasama mo?" anito, bahagyang lumingon sa kanya bago ibinalik ang mga mata sa daan. "He has a name. He's Kurt." Marahas siyang nilingon muli ni Leandro. Alam niyang narinig din nito ang katatagan sa tinig niya. She can't help it. Mistula bang hindi niya nagustuhan ang pagtukoy nito sa binata. "Whatever, Maxine," saad nito. "Alam mo kung ano ang ikinakagalit ko ngayon. You lied. Kailan ka pa natutong maglihim sa amin ng Auntie Cara mo?" She wasn't able to answer. Napayuko na lamang siya ng kanyang ulo habang hindi mapakaling pinaglalaruan ng mga daliri ang strap ng kanyang bag. "May relasyon ba kayong dalawa? Is he your boyfriend?" magkasunod pa nitong tanong nang hindi siya nagsalita. She raised her head. Matapang niyang sinalubong ang mga mata nito na noo'y nakatitig din sa kanya. Kasalukuyan kasing nakahinto ang sasakyan nito dahil sa nagkulay pula na ang traffic light na nadaanan nila. "Y-Yes, uncle," she answered in almost a whisper. "And you didn't even damn tell us about it?" galit na nitong saad. "Where have you been a while ago? Saan ka niya dinala?" "T-To... To their place." She heard him cursed. Humigpit pa ang hawak nito sa manibela. "It's not what you think, uncle," katwiran niya dito. "Gold tier ba siya katulad niyo nina Zandro?" usisa pa ni Leandro sa kanya. Umiling lang siya at hindi nagsalita. "Silver tier?" Leandro asked again. "From bronze tier, uncle." Dahil sa naging sagot niya ay manghang napalingon ulit sa kanya ang tiyuhin niya. "Is he a scholar?" "No," mabilis niyang sagot. "M-May salon silang pag-aari. And his mom was---" "Seriously, Maxine?" Leandro cut her off. "Does it matter, uncle?" she countered. "Nagagalit ka ba ngayon dahil sa nalaman mong pumapasok siya sa Montecillo bilang isang bronze tier lamang? Dapat ba'y alamin ko muna ang katayuan ng isang tao bago ako makipaglapit at---" Sa muli ay hindi niya natapos ang kanyang pagsasalita nang mabilis itong sumingit. "You know why I am asking you now, Maxine," mariin nitong saad sa kanya. "Alam ba ng lalaking iyon kung ano ang naghihintay sa iyo oras na magtapos ka ng pag-aaral?" She was silenced. Patuloy ito sa pagmamaneho, panaka-naka ay lumilingon pa sa kanya. Sa kabila niyon ay hindi rin ito tumigil sa pagsasalita. "Someday, you and Zandro will inherit our hotels. We own a lot of branches, not only here in the Philippines but also abroad. Nariyan pa ang jewelry shop ng Auntie Cara mo na ilang halaga din ang naipapasok sa atin buwan-buwan. And of course, the travel agency. What if that man was just---" "Hindi ganoon klaseng tao si Kurt!" Hindi niya maiwasang tumaas ang tinig. Hindi niya na rin nais matapos pa nito ang pagsasalita. As much as possible ay hindi niya gustong marinig pa ang ano mang sasabihin nito tungkol kay Kurt. "Ngayon ay pinagtataasan mo na ako ng tinig dahil lang sa lalaking iyon." Maxine sobbed. Napasandal siya sa kanyang kinauupuan bago muling nagsalita. "I love you, uncle. You know that. But what you said were too much." "I am just trying to protect you," giit pa nito. "Gaano mo lang ba kakilala si Kurt? Maxine, hindi ko gustong masaktan ka. I've met a lot of people... different kind of people. Ayokong makatagpo ka na lang basta-basta ng sino man na maaaring samantalahin ang kung ano ng mayroon ka." "He's not like that, uncle," katwiran niya dito. "Mabuti siyang tao. Alam kong nakipaglapit siya sa akin, hindi dahil sa kung ano ang mayroon ako bilang isang Sevilla. M-Mahal niya ako." "You're not making any sense---" "No," balik niya dito habang patuloy sa marahang pag-iyak. "It's you who's not making any sense, uncle. I'm sorry for lying. Alam kong mali na naglihim ako. I'm sorry for that. Pero mahal ko si Kurt, uncle. I know I---" "Your Auntie Cara will be disappointed with you." Agad siyang natigilan dahil sa mga sinabi nito. Tuluyan pang nag-unahan sa pagbagsak ang kanyang mga luha dahil sa realisasyon na iyon. Iyon ang bagay na ayaw na ayaw niyang mangyari. Simula nang marinig niya ang usapan ng mga ito ilang taon na ang nakalilipas ay nagsumikap na siyang magpakita ng mga bagay na alam niyang ikasasaya ng mga ito, lalong-lalo na ng kanyang Auntie Cara. It was her aunt who didn't like to adopt her legally. Narinig niya mismo mula sa bibig nito ang tungkol sa bagay na iyon. And it was the reason why she wanted so much to please them. At sa nangyari ngayon... kapag nalaman nito ang paglilihim na ginawa niya, tuluyan na ba talaga siya nitong aayawan? "W-Would... Would she hate me because I lied? Hindi niya na ba talaga ako matatanggap?" makahulugan niyang tanong. Leandro looked at her abruptly. "What are you talking about, Max? Alam mo kung gaano ka kamahal ng Auntie Cara mo," wika nito. Nasa unahan na ulit ng sasakyan nakatutok ang mga mata nito nang muling may idagdag. "Hindi mo ba naiintindihan kung ano ang gusto kong sabihin sa iyo? Isa sa mga pinakaayaw ng auntie mo ay ang paglilihim. She trusted you so much. Sa tingin mo, ano ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang naglihim ka... na nagsinungaling ka?" Lumuluha pa ring itinuon na lamang ni Maxine ang kanyang mga mata sa labas ng bintana ng sasakyan sa may panig niya. Punong-puno ng kaguluhan ang isipan niya sa ngayon. Hindi niya gustong maglihim sa mga taong nagsilbing magulang sa kanya mula pa pagkabata. Mahal na mahal niya ang mga ito at dama niya rin naman kung paano siya pahalagahan ng mag-asawang Leandro at Cara. Pero kung ano man ang dahilan ng kanyang tiyahin para tanggihan ang pag-ampon sa kanya nang legal ay wala siyang ideya. Ang nais niya lang ay hindi na madagdagan pa ang rason nito para tuluyan siyang ayawan. Hanggang maaari ay hindi niya gustong ma-disappoint ito. Pero hindi nga malayong ganoon ang mangyari oras na malaman nito ang ginawa niya. Tama ang kanyang tiyuhin. Kung may isang bagay man na pinakaayaw ng Auntie Cara niya, iyon ay ang magsinungaling at maglihim--- mga bagay na ginawa niya dito. "You're graduating, Max. Nasisiguro kong ang nais ng auntie mo ay sa pag-aaral mo muna ituon ang iyong pansin." Mababa na ang tinig ng kanyang tiyuhin nang muling magsalita. Binitawan din nito ang mga naturang salita habang kalmado pa ring nagmamaneho ng sasakyan. Hindi na niya ito sinagot pa. Nanatili na lamang siyang tahimik hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay. Nang maihinto ni Leandro ang sasakyan ay agad na niyang binuksan ang pinto sa may passenger's seat saka lumabas. Leandro followed. Alam niyang nakasunod ang tingin nito sa kanya hanggang sa tahakin niya ang daan patungo sa hagdan at umakyat sa ikalawang palapag. Tuloy-tuloy ngang tinungo ni Maxine ang kanyang silid. Nang makapasok roon ay muling lumaya ang mga luha mula sa kanyang mga mata. She was torn between pleasing the people who raised her or keeping her relationship with the man that she loves.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD