CHAPTER 19
"For you..."
Agad na napaangat ng kanyang ulo si Maxine nang marinig niya ang tinig ni Kurt. Nakatunghay ito sa kanya habang nakalahad ang kanang kamay at kasalukuyang may inaabot pa.
Sa hawak nito napatutok ang kanyang mga mata. Hindi niya pa napigilan ang mapangiti pagkakita sa binibigay nito. Agad niya iyong tinanggap kasabay ng wari'y kaguluhan ng mga paru-paro sa kanyang tiyan.
Isa iyong tangkay ng pulang rosas. Kung saan iyon nabili ng binata ay hindi na niya pinagkaabalahang itanong pa. It was Monday afternoon. Tatlong araw na nga mula nang maging opisyal ang relasyon nilang dalawa at iyon ang kauna-unahang pagkakataong binigyan siya ng bulaklak ni Kurt.
"Para saan ito?" tanong niya dito habang ang mga mata ay nanatili sa bigay ng binata.
Naupo muna sa kanyang tabi si Kurt bago siya sinagot. "Hindi ko ba maaaring bigyan ng bulaklak ang girlfriend ko?" anito nang nakangiti.
Kasalukuyan silang nasa loob ng library, ang madalas niyang pagtambayan kapag vacant period nila. May nauna na silang klaseng pinasukan kanina at aaminin ni Maxine na bahagya siyang na-distract dahil sa kaalaman na kasama niya sa klaseng iyon si Kurt, hindi bilang klase na lamang. Nobyo niya na rin ito ngayon.
Ang bagay na iyon ay binanggit niya na rin kina Melissa at Emily. Halos mahampas niya pa sa balikat ang dalawa nang bigla ay gumawa ng ingay nang ibalita niyang sinagot na niya si Kurt. Dahil sa naging reaksiyon ng mga ito ay napalingon pa ang iba nilang kaklase sa kanilang direksiyon kabilang na nga si Kurt.
Her friends were genuinely happy for her. Dama niya naman iyon. At maging siya man ay nag-uumapaw ang kaligayahan dahil sa pasyang ginawa niya.
"Do you like it?" narinig niyang tanong ni Kurt dahilan para mabalik dito ang kanyang atensiyon.
She smiled. Kinuha niya ang isang maliit na kwaderno mula sa loob ng kanyang bag at doon ay inipit ang rosas na bigay nito. Ang kwadernong iyon ay pinagsusulatan niya lamang ng ilang mahahalagang kaganapan sa buhay niya. She even designed its cover and put some stickers on it.
At dahil iyon ang unang bulaklak na bigay sa kanya ni Kurt ay nais niyang i-preserve doon ang naturang rosas. Hahayaan niyang doon iyon malanta.
"There you have it!" nakangiti niyang bulaslas kasabay ng pagsara ng kwaderno. Bahagyang mahina lamang ang kanyang tinig dahil ayaw niyang makakuha ng atensiyon ng ilang estudyanteng nasa loob din ng library.
"Why did you do that?" tukoy nito sa ginawa niya sa bulaklak.
"This is the first time that you gave me a flower. Gusto kong itago ito," saad niya.
"Malalanta lang din iyan, Max."
"I know," mabilis niyang tugon. "I wanna keep it, nevertheless. Ayokong walain."
For a moment, Kurt looked at her face intently. Bigla din naging seryoso ang ekspresyon ng mukha nito.
"Kahit naman mawala mo iyan hindi mawawala ang nararamdaman ko para sa iyo, Max," saad nito na punong-puno ng emosyon. Niyuko pa muna nito ang kwadernong hawak niya. "Hindi magagaya sa bulaklak na iyan ang pagmamahal ko para sa iyo. It will never wither. It will never fade."
Kulang ang salitang kilig para ilarawan ang nararamdaman ni Maxine nang mga sandaling iyon. Hindi niya kailanman naisip na makaririnig siya ng ganoong mga salita mula kay Kurt. He, who was so stiff and distant before. Tapos hayun at magbibitiw sa kanya ng mga matalinhagang salita? She can't help but to be amazed.
"Who would have thought that you have some romantic bones in your body, Kurt?" nangingiti niyang saad.
"I can't believe you're laughing at me, Miss Gold Tier!" hindi makapaniwalang saad nito.
"I am not," bulalas niya. Isinilid niya na ulit sa loob ng kanyang bag ang kwadernong pinaglagyan niya ng rosas.
"Really?" anito, hindi pa rin makapaniwala na ganoon lamang ang naging reaksiyon niya sa mga sinabi nito.
Maxine heaved out a sigh. Umayos siya ng pagkakaupo at hinarap ito. "Thank you, Kurt. Thank you for making me feel like this. I mean... sa tuwing kasama kita, pakiramdam ko nailalabas ko kung sino ako. Not just that submissive lass who does nothing but to read books and to please everyone. Masaya ako kapag kasama kita."
His expression suddenly changed. It somehow softened as he also smiled at her. Agad pang inabot ni Kurt ang kanyang isang kamay at ikinulong iyon sa palad nito.
"I love you, Max," he said. "Lumabas tayo mamaya pagkatapos ng huli nating klase. What do you think?"
"Oh!" All of the sudden, she exclaimed. Agad pa siyang napatingin sa suot niyang relong pambisig dahilan para mabawi niya ang kanyang kamay na hawak pa ng binata. "Oh my God, he must be waiting for me now."
"He who?" nagtatakang saad ni Kurt habang nakakunot pa ang noo nito. Sinundan din siya nito ng tingin nang bigla ay tumayo na siya at sinamsam ang kanyang mga gamit.
"I'm meeting Condrado now. Ang sabi niya'y hihintayin niya ako sa may---"
"Sinong Conrado?" putol nito sa mga sinasabi niya. Bahagya pang nag-iba ang timbre ng boses nito dahil sa pangalang binanggit niya.
Sa halip na sumagot pa si Maxine ay inaya niya nang lumabas ng library si Kurt. Wala itong nagawa kung hindi ang sumunod na lamang sa kanya sabay alok pa na dalhin na ang ibang gamit niya.
Sa may pathwalk kung saan patungo ang building ng Business and Economics sila tumuloy ng binata. Doon na lamang maghihintay sa kanya si Conrado dahil inaabangan din nito si Amira. Nang makarating nga sila roon ay agad na niyang natanawan ang lalaki.
"Conrado..." tawag niya dito.
Conrado turned to look at her. Akmang magsasalita ito nang matuon ang mga mata kay Kurt. Dahilan iyon upang maitikom nitong muli ang bibig at matahimik na lamang.
"Kanina ka pa ba?" wika niya dito. "I forgot the time. I'm sorry."
Ang usapan kasi nila ay magkikita pagkatapos ng huling klase ni Conrado. Sampung minuto na mula niyon at dahil mas nauna siyang magkaroon ng vacant period ay pinili niyang manatili muna sa library habang naghihintay dito.
She forgot about it actually. Natuon kasi ang pansin niya sa usapan nila ni Kurt kanina kaya hindi na niya namalayan pa ang oras.
Hindi tumugon si Conrado. Nanatili kay Kurt ang mga mata nito kaya naman muli na siyang nagsalita.
"By the way, this is Kurt, my... my boyfriend." She added the last two words in a low voice.
"Your boyfriend!" Conrado exclaimed. Halos lumabas ang pagiging binabae nito dahil sa kabiglaan.
"Y-Yes..."
"And I thought you would never introduce me to him," narinig niyang sabi naman ni Kurt.
She faced him. "Siya si Conrado," saad niya. "Kakilala siya ni Mel. Gusto niya rin magpa-tutor sa akin."
"Magpa-tutor?" Kurt parroted. Umangat pa ang isang kilay nito.
"Yeah. Iyon ang pag-uusapan namin ngayon ni Conrado."
"Grabe, Max," singit ni Conrado sa usapan. "Kanina ka pa Conrado nang Conrado. Cory kasi." Binigkas nito ang huling dalawang salita sa halos pabulong na tinig. Lumapit pa ito sa kanya upang maibulong iyon.
And she can't help but to chuckle. Nang titigan niya muli si Kurt ay magkadikit na ang mga kilay ng binata.
"Anyway," Conrado continued talking. "So, pwede na tayo magsimula ngayong Wednesday? Okay lang ba sa iyo iyon? Ngayon sana kaso may importante kasi akong lalakarin."
"Yes. Pagkatapos ng huli naming klase."
"Thank you talaga. Buti na lang nairekomenda ka sa akin ni Melissa. So, I'll see you this Wednesday?"
Tumango siya bilang tugon dito. Mayamaya pa ay tuluyan na rin itong nagpaalam at nagsabi na sasadyain na lamang ang classroom ni Amira dahil may importante 'di umano itong sasabihin. Nagpaalam din ito kay Kurt bago umalis na.
Nang sila na lamang dalawa ni Kurt ay inaya na niya ito patungo sa sunod nilang klase. Ilang minuto na lang ay magsisimula na iyon at balak niyang sa silid na maghintay.
"Let's go," aya niya nang hindi ito natinag sa kinatatayuan.
"So, tumatanggap ka na ng mga tuturuan?"
Nagkibit siya ng mga balikat. "Aside from you, si Conrado pa lang ang tinanggap ko. I can't refuse. Gusto ko siyang tulungan."
"How about me?"
"How about you?" balik-tanong niya.
"Paano ang pag-tutor mo sa akin?" he said while shrugging his shoulders.
"Come on, Kurt," natatawa niyang saad. "We both know that you can pass this semester without me teaching you."
"Kaya naghanap ka na ng ibang tuturuan," patuloy na himutok pa nito.
"Nagtatampo ka ba, Mr. Bronze Tier?" hindi niya maiwasang tukso dito.
Saglit na natigilan ang binata, marahil ay dahil na rin sa itinawag niya dito. Nang hindi ito umimik ay nagpatuloy na siya sa pagsasalita kasabay ng paghakbang na rin patungo sa silid kung saan ang sunod nilang klase.
"Let's go, Kurt. Baka mahuli pa tayo," saad na niya dito.
"What if I tell you that I'm jealous?"
She abruptly turned to face him again. Nang lumingon pa siya'y naroon pa rin ito sa kinatatayuan at ni hindi humakbang para sumunod sa kanya.
"Seriously? Kurt, first year student pa lang si Conrado," natatawa niyang turan dito. "Gusto niya lang magpaturo ng kanilang leksiyon. Iyon lang."
"Maxine---"
"Besides, bakit ka magseselos? Maliban sa hindi kami talo niyon, e, ikaw naman ang mahal ko," mabilis niya pang dugtong dahilan para mahinto ito sa pagsasalita.
He suddenly stood up straight. "W-What did you say?"
"Nakakabingi ba talaga kapag sinasabihan ng ganoon?" tudyo niya pa.
Isang malawak na ngiti ang namutawi mula sa mga labi ni Kurt dahil sa kanyang mga sinabi. Sa loob ng ilang saglit ay naroon lamang silang dalawa, nakatayo paharap sa isa't isa. May bahagyang distansiya sa pagitan nila ngunit hindi iyon naging hadlang para hindi marinig ni Maxine ang mga sinabi ni Kurt sa mahinang tinig.
"I love you, too, Miss Gold Tier..."
*****
LUMIPAS ANG ilang linggo na maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Kurt. Sa kabila ng pagkakaroon ng opisyal na relasyon dito ay hindi pa rin napapabayaan ni Maxine ang kanyang pag-aaral. Patuloy pa rin siyang nakakakuha ng matataas na marka kahit pa tuluyan nang nagkaroon ng puwang sa buhay niya ang binata.
Kay Kurt ay ganoon din. Mas naging masigasig ito sa pag-aaral dahilan para maging pasado sa bawat pagsusulit na binibigay sa kanila. Ang relasyon nilang dalawa ay nagmistula pang motivation sa kanila sa halip na maging sagabal.
May mga pagkakataon pa na magkasama silang nag-aaral. Kasabay ng pagtuturo niya kay Conrado ay ang pagtutok niya pa rin kay Kurt kahit pa alam niya naman na kayang-kaya nito ang lahat ng leksiyon nila. Hindi niya lang nais na napapabayaan nito ang pag-aaral.
Everything was going smoothly between them. Minsan pa ay binabalak na niyang ipaalam sa kanyang tiyahin at tiyuhin ang tungkol sa kanilang dalawa ni Kurt pero lagi na ay pinangungunahan siya ng takot.
And Maxine knew very well that she's being unfair to him. Siya ay kilala na ng ina nito. Alam na rin ng ina ni Kurt na magkasintahan silang dalawa. Hindi pa maiwasang magalak ni Maxine nang makatanggap ng mainit na pakikitungo mula sa ginang.
Minsan pa'y nagtutungo sila sa salon na pag-aari nina Kurt at doon ay tumatambay. They would spend time talking with his mother. And every time they would do that, Maxine's alibi to Mang David was she needed to go to the library and study with her friends.
Katulad na lamang ng isang hapong iyon. Pinagluto pa sila ng meryenda ng ina ni Kurt nang ipaalam nilang muling pupunta sa salon. Sa sarap ng usapan ay halos makalimutan ni Maxine ang oras.
Sakay ng motorsiklo ni Kurt ay agad na siyang nagpahatid dito pabalik sa unibersidad. Nahihinuha na niyang naroon na si Mang David at naghihintay na sa kanya.
Nang makarating sa Montecillo University ay mabilis na siyang bumaba mula sa motorsiklo ni Kurt. Hindi nalalayo ang hinintuan ng binata sa puwestong madalas ay paghimpilan ni Mang David ng kanilang sasakyan.
And Maxine saw the familiar car at once. Hindi pa man nakakalapit ay agad na niyang nakilala ang kotseng nakaparada doon--- ang sariling sasakyan ng kanyang Uncle Leandro!
Sa halip na si Mang David, ang tiyuhin niya ang naroon at naghihintay sa kanya. Kotse pa nito ang gamit imbes yaong pinamaneho ng kanyang driver.
"U-Uncle..." nauutal niyang sabi dito habang dahan-dahang lumalapit na.
Mula sa pagkakasandal sa sasakyan ay napatayo nang tuwid si Leandro. His eyes darted to Kurt. Maging ang motorsiklo ng binata ay binigyan nito ng isang sulyap. Alam niyang nakita nito ang pagdating niya sakay niyon.
"Tumawag sa akin si David at nagpaabiso na hindi ka masusundo. Masama ang pakiramdam niya kaya ako na ang nagpresintang isabay ka sa pag-uwi," saad ng kanyang tiyuhin sa seryosong tinig. "He told me that you need to stay at the library to study with your friends. Were you just lying all along, Maxine?"