Episode 12 “What makes you happy?” tanong niya sa akin. Kung kanina ay nakasandal siya sa kanyang upuan ngayon ay nakahalumbaba siya at nakatitig sa akin ng diretso. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa ang bagay na ‘yon. “I don’t know,” sagot ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya sa naging sagot ko. “You don’t know?” Tumango ako. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung kailan ako sumaya. Dalawang taon na kaming hiwalay ni Carlos pero nasasabihan pa rin ako na para akong bangkay. Dahil para raw akong walang kabuhay-buhay sa katawan. Bihira na ako sumama sa mga kaibigan ko noong naghiwalay kami ni Carlos. Literal akong naging taong-bahay at hindi umaalis. Parang ang palagi na iniisip ko ay magsasayang lang ako ng oras kung lalabas ako. I can’t enjoy the places where I used t