Episode 11 PUMASOK na kaming dalawa ni Silver sa loob ng cottage na sinabi ng staff kanina bago sila umalis. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta dahil wala naman silang sinabi bukod sa pupuntahan nila kami bukas dito. Hindi ko rin alam kung nagsimula na ba ang ‘live’ dahil sabi ay live daw ito ipapalabas sa national TV at sa iba’t ibang channel sa telebisyon. Pero mukhang hindi iyon mangyayari ngayong gabi dahil wala akong nakikitang camera na nakakalat sa paligid. Tsinek ko ang cottage kung saan kami pansamantala titira nitong si Silver. At katulad ng inaasahan ko ay iisa lang ang kuwartong available rito sa cottage. As expected, they are expecting us to sleep in the same room na hindi ko magagawa dahil hindi ako sanay na may katabi at lalong hindi ako papayag na lalaki pa ang ma